Chapter Twelve: Crying in the Rain

1.7K 105 147
                                    

Minsan kailangan nating mamili sa buhay.
Kung kailangan pa ba nating ipaglaban o mas kailangan na nating magpaalam?
Alin man sa dalawa, dapat nakahanda tayong tanggapin ang anumang magiging dulot nito.

*****

"Brad! Nakita mo ba si Zion?" Tanong ko kay Rey sa kabilang linya.

12 midnight na.

Ilang oras na kasi akong pabalik-balik sa kwarto niya pero wala siya run. Ilang beses ko rin tinawagan ang phone niya pero nakapatay ito.

Gusto ko lang talaga kasi siyang makausap about sa nangyari sa amin ni kuya. Kahit na hindi siya yung tipo ng tao na kayang magbigay ng matinong advice, at least may makausap lang ako para kahit papaano ay mabawasbawasan ang nasa loob ko. Pero malay natin makakuha ako sa kanya ng opinyon. At sa mga oras na ito, gusto ko lang ding nasa tabi ko siya.

I badly need him right now.

Pero hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon hindi pa rin siya nagpaparamdam.

Okay lang kaya siya?

"Kasama ko siya ngayon brad. Dalawa lang kami. Hindi ko nga maawat kakainom. Hindi ko rin magawang sabayang uminom dahil mukhang alanganin kaming makauwi kung pareho kaming lasing. Iniwan ko muna siya sa loob para sagutin ang tawag mo, maingay kasi doon" Mahabang sagot niya.

"Bakit? Nasan ba kayo?" Alala kong tanong.

May problema ba si Zion?

Pwede naman ako ang ayain niya, dahil mas close kaming dalawa. Pwede niyang sabihin sakin kung may problema siya, kagaya ng dati naming ginagawa.

Bakit hindi ako ang inaya niya?

"Magtapat ka nga sakin Brad. May problema ba kayo ni Zi?"

"Wa.. wala pare.. bakit mo naman nasabi yan? Teka nasan ba kayo? Pupuntahan ko kayo.."

Nasa restobar daw sila na hindi naman ganun kalayo sa dorm na tinutuluyan namin.

Ano kaya problema ni Zion?

Wala pang sampung minuto ay narating ko na tinutukoy ni Rey. Madalas din kaming uminom sa lugar na ito.

Mediyo hindi maganda ang panahon. Umaambon kasi.

Nakita ko si Rey sa labas ng restobar. Sinalubong niya naman ako.

"Brad, ikaw na munang bahala sa tukmol na yon. Kailangan ko nang umalis. Maaga pa lakad ko bukas." Ani ni Rey.

Amoy alak rin siya pero mukhang hindi naman siya lasing.

"Sige pare, nasa loob ba siya?"

Tumango lang si Rey.

Papasok na sana ako nang bigla niya akong tawagin.

"Brad."

Lumingon naman ako.

"Kahit na ganito ugali ko, kilala ko kayong dalawa ni Zion."

Kumunot lang ang noo ko.

"Kahit hindi niyo man sabihin, nararamdaman kong may something sa inyong dalawa."

Mas kumunot ang noo ko sa pahayag niya. Ano namang pumasok sa utak nito para sabihin niya yun.

"Sa tingin ko ikaw ang problema ni Zion. Hindi niya man masabi sa akin, pero alam ko ikaw problema niya. Tinanong ko kasi kung bakit hindi ikaw ang inaya niya, samantalang sanggang-dikit naman kayong dalawa. Pinagbawalan ba naman akong banggitin ang pangalan mo."

Brad Mahal Kita Matagal Na Where stories live. Discover now