Chapter Two: Taste Your Own Blood

2.1K 78 25
                                    

Hindi ko maintindihan kung bakit masiyadong mabigat sa akin ang nararamdaman ko. Hindi ako basta-bastang umiiyak. Pero dahil kay Luke, para akong bata na hindi matigil kakaiyak.

Nakokonsensya talaga ako sa nagawa ko sa kanya. Hindi naman ako basta-bastang nakokonsensya sa mga kalokohang ginagawa ko, marahil na rin siguro dahil special friend ang turing ko sa kanya, kaya masiyado akong affected ngayon.

Likas na sa akin ang pagiging babaero at basagulero. Ang pamilyang kinagisnan ko kasi ay puro maton. Ang daddy ko ay kilala sa larangan ng AFP. Ang mom ko naman ay mabagsik na president ng isang kilalang university sa aming probinsiya. Lima kaming magkakapatid na puro lalake.

Dahil na din siguro sa katungkulan ng daddy ko kaya malakas ang loob ko na maghanap ng gulo. Plus, since elementary at highschool, kung anu-ano ang pinae-engage samin ni Daddy na martial arts. Kaya ikinadagdag ng paglaki ng ulo ko yun. Advantage ko yun sa mga nakakaaway ko.

Kaya hindi na din maiwasang mapabarkada ako sa mga sira ulong mga tropa ko ngayon. Katulad ko ay mahilig din sila sa babae. Kaya nabansagan kaming "Tropang Malilibog" o "Tropang M".

Pinagmamasdan ko lang siya na tahimik at maingat na pinupunasan ang katawan ko at ang mga dugo na nakakalat sa mukha ko. Habang ang mga luha ko naman ay walang humpay sa pag-agos.

Pinilit kong pigilan ang mga luha ko, kanina ko pa kasi nararamdamang humahapdi ang mga sugat ko sa ilalim ng mata dahil dumadampi dito ang aking mga luha.

Nang matapos na siya sa ginagawa niya ay bumalik siya sa CR para ibalik ang planggana at bimpo. Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa nakabalik na siya sa kinaroroonan ko.

Kinuha niya ang puting T-shirt na inihagis niya kanina at akmang bibihisan na ako ay umiwas ako at kinuha ko ang damit sa kanya.

"Ako na Luke." Mahinang sambit ko.

Sobra-sobra na kasi kung pati ang pagbihis ko ay gagawin niya pa.

Hirap man ako pero naisuot ko na din ang damit na pinahiram niya. Mediyo hapit lang ito sa katawan ko dahil mas malaki ang bulto ko kaysa kay Luke.

"Dito ka na muna matulog.. Bukas mo na hanapin ang susi mo." Walang kabuhay-buhay niyang sabi.

Sinipat niya ang tingin sa ibabaw ng double deck. At dahan-dahang iniligpit ang mga nakakalat na gamit niya doon. Baka doon siya matutulog. Dati-rati ako ang pumupwesto doon sa tuwing inaabot kami ni Luke ng madaling araw sa kakainom ng alak. Mahigpit na ipinagbabawal ang alak sa dormitory namin. Pero iba ako, madiskarte ako at nagagawa ko ang mga bagay na gugustuhin ko. Maging ang mga girlfriends nga ng mga tropa ko ay nakuha ko din. Ganoon ako kasamang kaibigan.

Noon ay parang normal lang sa akin ang mga gawain na 'yon. Pero nang ma-realized ko kung gaanong nasaktan si Luke, naisip ko kung gaano ako kasamang kaibigan. Hindi ko man lang naisip na paano kung dumating ang panahon na ako naman ang magmahal at agawin nila sa akin. Ano na lang ang mararamdaman ko?

Dahil sa kalasingan ay tuluyan na akong nahiga at nakatulog. Hindi ko na alam kung ano pa ang ginawa ni Luke o kung anong oras na siya natulog.


Kinaumagahan, dahil linggo nga at walang pasok ay late na ako nagising. Sinipat ko ang oras sa phone ko. Alas diyes kinse na pala. Pinakiramdaman ko kung may Luke bang natutulog sa ibabaw ng deck. Wala naman akong marinig na humihilik. Bumangon ako at sinilip ko si Luke. Wala siya at maayos na nakatupi ang kumot na ginamit niya kagabi.

Nasaan kaya siya?

Umupo muna ako sa bed at hinimas ang nananakit kong ulo dahil sa hangover. Ang bigat din ng mukha ko na pakiramdam ko ay kinagat ng maraming bubuyog. Lumapit ako sa salamin na nakakabit sa cabinet ni Luke.

Brad Mahal Kita Matagal Na Where stories live. Discover now