CHAPTER 3: CHANCE

9 1 0
                                    

Mabilis kaming tumakbo ni Berta patungong ospital.

"Teka! Bakit natin tinatakbo papuntang ospital!? Wala ka ba dyang ibang naisip na paraan para makarating tayo agad doon!?" pamula ni Berta.

"Oo nga nu? Bakit natin tinatakbo? Teka lang, wait! May grab points pa ako dito."

Huminto kami panandalian sa tinatakbo naming sidewalk sa kahabaan ng EDSA-Shaw. Kinuha ko sa dala kong shoulder bag ang cellphone tsaka ko binuksan ang grab application upang maghanap ng masasakyan.

Hindi rin nagtagal at nakahanap na ng driver.

Sa wakas! Madali kaming sumakay dito. Walang pwedeng masayang na oras. Bawat minuto ay mahalaga. Kailangan naming makarating agad kay Tristan.

Tahimik lang ang lahat sa loob ng grab car nang biglang nagtanong si Berta. "Alam mo ba friend kung anong ospital yun? I mean, kung saan sya dinala?"

"Hindi rin. Teka, ano bang nilagay ko?" Chineck ko agad yung phone ko. "Shockingly event! Bakit NAIA ang nilagay ko?" Tinapik ko yung driver sa balikat. "Manong, sure po ba kayo na NAIA yung nilagay ko dito kanina sa mapa?"

"Ay miss, yun po ang nakita kong request niyo. Saan po ba dapat?" tanong niya sa akin.

Lumingon ako kay Berta na naglalagay naman ng eye shadow habang umaandar... Teka! Habang umaandar yung kotse!? Ibang talento talaga meron ang taong ito.

"Girlash, hindi ko mawari kung ano bang nasa isip mo. OR kung saan ka nag aalala... Nag aalala ka ba para kay Tristan dahil kapatid mo siya or dahil sa iisa ang tatay niyo? At kung iisa ang tatay niyo, it means muntik na kayong mag incest like the Ballesteros Siblings. Nakakamiss sila Frederick at Monica ghurl!"

"Manahimik ka nga Berta. Una muna sa lahat, hindi pa natin nafifigure out kung ang tatay niya ay si Marcos Hidalgo rin. Porke ba Hidalgo ang apelyido niya, magkamag-anak na kami? Tsaka wag mo nga idamay dito sila Monica at Frederick. Nananahimik na yung dalawa".

Sila Frederick at Monica ang pinsan kong kambal na nagkatuluyan. Kami lang ang nakakaalam ng tungkol dun at hindi nila sinasabi sa kanilang mga magulang. Geez!

"Oo nga pala! Sa apat na taong kaka-stalk ko kay Papa Tristan, ni hindi ko pa rin alam ang name ng parents niya! why!? Baket!?"

"Malay ko sa'yo Berta."

"Malay mo sakin? Eh ikaw itong niligawan niya. Dapat alam mo ang mga bagay na iyan!"

"Bakit? Required ba?" ito nalang ang tanging nabanggit ko bago ako lumingon sa bintana ng kotse.

"Shocks. Malayo na tayo. Kuya. Pwede niyo ba kaming ibaba dito? Sakto lang naman ang ibabayad namin sa iyo. Please?"

"No problem ma'am."

Matapos nito, ibinaba na kami ng driver ayon sa nais ko. Naglakad kami ng konti saka pumasok sa Ren Convenience Store upang doon mag-usap tungkol sa susunod naming hakbang.

"Girlash, alas onse na ng gabi. Di ka pa ba napapagod? O di kaya'y nagsasawa? Paano natin malalaman yung ospital na pinagdalhan sa kanya? Hindi kasi natin pinatapos yung balita kanina."

"Hindi ko rin alam eh. Punta nalang tayo sa bahay nila", suhestiyon ko.
"TARA" tugon ni Berta sabay lakad palabas ng convenience store. Sana sa plano naming ito ay hindi kami biguin o paglaruan ng tadhana.

A Traveller's StoryWhere stories live. Discover now