Prologue

25 1 0
                                    

- Samantha's P.O.V. -

1896

Isang bagong kapaligiran ang bumungad sa aking mga mata. Kakaibang tanawin na halos hindi ko mailarawan. Marahan kong inihakbang ang mga paa ko habang iniikot ang kahabaan ng kalyeng iyon. Latag na ang kadiliman sa pailigid at mangilan-ngilan na lang ang taong nakikita kong nasa labas.

Nilibot ko ang lugar na iyon. Puno ng banderitas ang paligid. May mga animo'y sundalong palakad-lakad kung saan saan. Waring may importanteng patutunguhan dahil sa bilis at laki ng kanilang mga hakbang. Sa tuwing may makakasalubong akong tulad nila, madali akong nagtatago at nagtutungo sa madilim na bahagi ng kalye. Bakit ganun? Anong meron at parang naninibago ako sa mga nakikita ko?

"Sir! Sir! Anong lugar po ito?"

Mabilis na humarap sa akin ang lalaking kinalabit ko. Nakasuot siya ng barong tagalog at itim na pantalon.  Nakikita sa hulma ng kanyang mukha ang kanyang edad na sa pakiwari ko'y nasa sisenta anyos na.

"Buenas Noches kagalang galang na binibini. Hindi ka dapat lumalabas sa ganitong oras ng gabi! Delikado!"

Sa mga naunang salitang sinambit niya, alam kong parang may mali.

"Manong, anong lugar po ba ito?"

"Umuwi ka na sa inyong tahanan at baka may makakita pa sa iyo."

"Sige na po, please? Anong lugar ito?" Pilit kong kinulit ang matandang kaharap ko. Hindi ko siya tinigilan hangga't hindi niya sinasagot ang tanong ko. "Actually, naliligaw po ako kaya gusto kong malaman kung nasaan ako."

"Ito ang Calle de la Escolta. Nasa Maynila ka binibini. Ngayon, mauuna na ako at nagugutom na ang aking mga apo. Baka mahuli pa ako sa huling biyahe ng mga karwahe", matapos niyang magsalita, mabilis siyang naglakad palayo sa akin.

Calle de la Escolta? Escolta, Manila? Kailan pa nagkaroon ng 'Calle de la' ang Escolta?

Isang malakas na sigawan ang narinig ko sa di kalayuan na siyang nagpahinto sa aking malalim na pag-iisip. Maya-maya pa,

"Fuego!"

at isang malakas na putok ng baril ang narinig ko

Oops! Bu görüntü içerik kurallarımıza uymuyor. Yayımlamaya devam etmek için görüntüyü kaldırmayı ya da başka bir görüntü yüklemeyi deneyin.

at isang malakas na putok ng baril ang narinig ko. Mabilis akong tumakbo at tinungo ang pinagmulan ng putok. Maraming tao ang nakikiusyoso sa nangyari. Halos wala nang madaanan dahil sa siksikan. Maraming may hawak ng rosaryo na animo'y nagdarasal.

Kahit gaano pa kasikip ang daan dahil sa dami ng tao, pilit kong isiniksik ang sarili ko makita lamang kung sino ang nabaril.

Napatakip ako ng bibig sa nakita.

Pagkurap ko ng aking mga mata, biglang nagbago ang paligid. Narito ako sa loob ng isang malaking bahay sa harap ng isang hindi ko maipaliwanag na bagay. Tama ba ang nakita ko? Totoo ba ang lahat ng iyon? Nakarinig ako ng mga nagdaraang sasakyan sa labas. Wala na ba ako sa Calle de la Escolta? Sana nga.

Mabilis ang kabog ng dibdib ko. Parang nakikipag-unahan ang puso ko sa aking paghinga. Hindi naman malayo ang tinakbo ko para mapagod at pagpawisan ng ganito. Hindi ko alam kung paano ko ilalarawan ang nararamdaman ko ngayon. Mabalik tayo sa kakaibang bagay na nasa harap ko. Kung hindi ako nagkakamali, isa itong Time Travelling Machine na nagdala sa akin sa sinaunang panahon kung saan sakop pa ng bansyang Espanya ang Pilipinas. Ang kaganapang nasaksihan ko ang isa pala sa mga pangyayaring babago sa buhay ko. At ang nakita kong binaril at nakahandusay ay walang iba kundi ang ...

A Traveller's StoryHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin