CHAPTER 2: ONE TIME

12 1 2
                                    

Mayroon lang akong isang pagkakataon para makasalubong si papa sa loob ng isanlibong pagkakataon. Hindi ko alam kung paano ko siya ulit makikita ngayong alam kong huli na. Sana pala hindi na muna ako umalis sa restaurant na iyon. Sana pala pinuntahan ko muna siya para makausap... Para masabi ko sa kanya ang nararamdaman kong galit sa pag-iwan niya sa amin. Pero wala na. Hahayaan ko nanaman na ang tadhana ang didikta ng mga mangyayari.

"At 'yan ang mga nangyari sa 333 years na pananakop ng mga Kastila sa ating bansa. May quiz bukas regarding our today's topic. Ayokong may babagsak ha", wika ng aming guro sa Kasaysayan na si Mr. Faustino Cruz.

Hindi nanaman ako nakinig sa lesson niya dahil sa kakaisip ko sa nangyari kahapon sa restaurant. Pagkauwi namin ni mama kahapon, hindi na namin pinag-usapan pa ang nangyari. Baka lalo lang siyang ma-stress dahil dun.

"Girlash, hindi ka pa ba aalis diyan? Tapos na yung lesson oh. Tara na! Hahabulin ko pa si Tristan pauwi sa kanila. Titingnan ko pa kung paano siya magbihis ng damit."

"Ambaboy mo Berto! Kadiri kang hayop ka!", eto nalang ang nasabi ko sa kanya.

"It's Berta! Charot lang! Eto naman di na mabiro. As if naman no? Hindi ko gusto yung tingin tingin lang. Hahahahahahaha!" tugon niya sabay sayaw ng Kill This Love ng BlackPink.

"Baliw ka talaga. Paovernight nga sa inyo. Ay 'wag nalang pala. Wala rin naman akong gagawin eh",

"Meron!" bigkas niya sabay kindat.

"Ano naman?" tanong ko habang kinkuha ko sa locker ang bag ko.

"Magkemper tayo. Malay mo ikaw ang makapagpabalik kay Alberto from Berta! Malay mo maging lalake ako bigla!"

Napatawa ako nang malakas dahil sa sinambit niya. Napakabaliw talaga nitong taong ito kahit kailan. "Magreview nalang tayo para sa quiz natin sa History"

Si Sir Faustino Cruz ang isa sa mga pinakamagaling na gurong nakilala ko. Nasa edad kwarenta anyos na marahil. Ngunit sa husay na kanyang ipinapamalas, mukhang siya na yata ang the best sa lahat. 'History' ang tanging subject na kanyang hinahawakan sa buong paaralan. Fourth Year na ako at sa apat na taong pamamalagi ko dito sa Ren International School of Arts and Literature, siya lang ang kaisa isang gurong nagtagal dito. Hindi ko alam kung ano ang sikreto niya sa kanyang pagtuturo. Napaka-effective niya talaga!

Philippine History ang topic namin ngayon at nakakatuwang naipaliwanag niya nang maayos at malinaw ang mga nangyari noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas. Iisipin mong nandoon ka rin sa panahong iyon habang nakikinig dahil makatotohanan at detalyado ang kanyang mga kinekwento.

Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, isa siya sa mga guro na hindi namin madalas makausap tungkol sa personal na buhay. Sa tuwing papasok siya rito, laging tungkol sa pag-aaral lamang ang pinag-uusapan namin. Pero wala na kaming magagawa roon. Iyon ang kanyang paraan at kailangan namin itong irespeto. Hindi siya tulad ng ibang guro na mauubos ang oras sa pagkukwento ng kanilang talambuhay at buhay ng kapit bahay.

"Girlash, saan mo gustong kumain? Sa 7-11 or Minstop or Alfamart or Allday or Lawton's?"biglang tanong sa akin ni Berta na siyang nagpahinto sa pag-iisip ko.

"Kahit saan basta may pagkain", tugon ko.

"Sa bahay nila Tristan! Siya ang kakainin ko!"

"Manahimik ka nga Berta! Ayusin mo naman mga words mo! Kadiri!"

Iyon ang mga salitang lumabas sa bibig ko. Hindi ko kinaya yung mga sinabi niya.

"Baket? Mesherep nemen sye eh". Nagawa pa niyang ipagtanggol ang sarili. Lukaret talaga to.

Habang naglalakad kami sa sidewalk, nagdadalawang isip ako kung ikekwento ko kay Berta ang nangyari kahapon sa restaurant. Mapagkakatiwalaan naman siya eh, knowing na bestfriend ko siya at alam niya lahat ng tungkol sa akin. Pero paano kung may hindi magandang kalabasan ang pagsabi ko sa kanya? Mukhang wala naman. Hmmmmm. Sige na nga!

"Berta?" bigla kong sabi na siyang nagpahinto sa aming paglalakad.

Humarap ako sa kanya at ganun din siya sa akin.

"Ano yun girl?" tanong niya habang naglalagay ng lipstick na kulay itim sa kanyang labi.

"Paano mo nagagawang maglagay ng lipstick nang walang salamin!?" tanong ko.

"Talent maybe? Gurl, ito nalang ang natitira at nag iisang talent ko, kekwestyunin mo pa ba? By the way, ano pala yung sasabihin mo? Napagtanto mo na ba na kaya mo akong gawing lalake?"

"Shhhh! Manahimik ka nga! Diba Berto's already dead sabi mo kahapon? Tsaka alam ko na yung pangalan ng papa ko",

"Hmmmm. That's a new information where no person........ ang may pake! Eenglish pa eh!"

"Kahit ikaw!?" Tinaasan ko siya ng kanang kilay. "Kahit ikaw na bestfriend ko?"

"Ang sabi ko, 'No Person...... Ang May Pake'. Gurl, I'm not a person. I'm a Goddess! And let's stop this nonsense bullshit. Ano pala yung sasabihin mo ulit!?"

"Alam ko na buong pangalan ng papa ko. It's Marcos Hidalgo", sagot ko sa kanya sabay lakad palayo. Bigla siyang sumunod sa akin at tinapik ako sa balikat.

"Ay may pa-Grand Walk Out ang ate gurl mo. You mean, Marcos Hidalgo? H-I-D-A-L-G-O!?"

Humarap ako sa kanya. "May iba ka pa bang alam na spelling ng Hidalgo?"

"W-wala na. May kilala kasi akong Hidalgo. Baka sakaling makatulong"

Tama ba ang narinig ko? May kakilala siyang Hidalgo!? Maaring makatulong ang kakilala niyang iyon. Sana sa panahong ito, magkaroon naman ng silbi ang pagiging friendly ni Berta.

"Ano!? Si Tristan Hidalgo?"

No way! Hindi pwe itong naiisip ko. Dapat mawala sa isip ko na mag ama sina Tristan Hidalgo at Marcos Hidalgo dahil magmumukhang incest kung sakaling naging kami dati like nung mga pinsan ko. YUCK!

"Gusto mo ba na makilala yung papa mo? Wala ka nang bang choice gurl", pamimilit niya sa akin.

Sumubo ako ng hotdog sandwich bago sumagot.

"Wala na nga tayong ibang choice. Kailangan kong makausap si Tristan now na!"

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon... Kung bibiruin ka nga naman ng tadhana! Napalingon kaming dalawa ni Berta sa TV na nasa loob ng convenience store dahil sa breaking news.

"Dinala sa pinakamalapit na ospital ang sakay ng bumanggang sasakyan na kinilalang si Tristan Hidalgo, Fourth Year student ng Ren International School of Arts and Literature..."

Nagkatinginan nalang kami ni Berta sa aming nabalitaan. Hindi pwede ito.
Siya nalang ang natatanging pag-asa namin.

WHY!?

A Traveller's StoryDove le storie prendono vita. Scoprilo ora