Kabanata Four: Enter Internship (Part 4)

376 65 0
                                    

Ang Hardin sa Boracay

Pagkatapos ng resto internship namin ay sumunod na ang hotel internship namin. We chose to do it sa Boracay. Pero wala pa kami sa Boracay ay ang dami na agad naming pinagdaanan. Umalis kami ng umaga papunta ng Batangas Port para sumakay ng barko pa-Boracay. Excited kaming lahat sa bus pa lang papunta ng Batangas. Mega picture kami. Mega snacks. Mega kain. Megastar! Pero pagdating namin ng Batangas Port ng mga tanghali sabi sa ‘min do’n ay 9PM pa daw ang alis namin. Kalokang professor namin, sabi 1PM daw ang biyahe namin. Stressful! Kaya wala kaming nagawa kundi maghintay. Buti na lang sanay na akong maghintay. After all these years, naghihintay pa rin nga ako sa “forever” ko eh, ano ba ‘yong 9 hours? Sisiw.

Tumambay kami ng siyam na oras sa labas ng 7-Eleven. Kumain. Naglaro. Nagchikahan. In short, inaliw namin ang aming mga sarili. At papalapit na nga ang 9PM. Excited na kami. Lalo na ako, kasi kahit na sirena ako eh first time ko namang sumakay ng barko. Pero naudlot na naman ang excitement namin no’ng nag-announce na male-late daw ang pagdaong ng barko at 11PM na kami makakasakay. Anak ng tokwa! Kung puwede lang lumangoy kaming tropa papunta ng Boracay, eh. Pero pinabayaan na lang namin, dalawang oras na lang naman, eh. Sana.

Hindi naman kami nakasakay ng alas dos ng madaling araw. Thank you, Lord! Nakasakay kami ng 11PM nga, as promised. Letseng promises ‘yan! Mahirap na minsang maniwala, umasa pa. Pero sobrang worth it ang paghihintay kasi sobrang ganda ng barko. May bar pa sa viewing deck. At nasa VIP deck kami tumuloy. ‘yong iba pumila pa para kunin ang blankets at bedsheets nila. Kami, it was given by a super poging crew. Tapos ‘yong super duper mega over late dinner namin ay served din. Hindi na kailangang pumila na parang preso sa kulungan o tambay na nakapila sa feeding program ni Mayor.

Habang mahimbing na ang tulog ng lahat. Naghihilik na nga si Kabs, eh. Nagising ako sa babaeng nagsalita bigla sa speaker ng barko. O kung ano man ang tawag do’n sa “speaker” kung saan sila nag-a-announce. Tapos nagtayuan na rin ‘yong ibang mga pasahero at nag-prepare nang umalis. Ako, nakahiga pa rin at nakatakip ng kumot ang mukha. Ito namang tropa naming si Like ay nagising na pala at pinaggigising na kaming lahat. “Hoy, gumising na kayo! Nandito na tayo!” Nagtayuan naman ang iba naming tropa habang ako ay nakahiga pa rin kasi narinig ko ‘yong mismong sinabi ng babae do’n sa speaker. Kaya pagkagising niya sa ‘kin sabi ko, “Sige, Like, baba ka na. Enjoy ka sa Romblon!” ‘yong mukha ni Like parang nagulat na hindi mapakali, eh. Sabi ko, “Oo, Like, nasa Romblon pa lang tayo. Excited, ‘te?” Sabay tawanan kaming lahat. Haha!

Pagdating namin sa Boracay ay pinapunta agad kami sa Hotel Hardin para makilala ang mga HR people. Tapos isang gabi ng pahinga at pinasabak na agad kami. Nahati kaming anim sa tatlong grupo, two people per team. Iba-iba kami ng schedules at assigned departments pero after a week ay may rotation, palitan ng departments. Halos sa dorm na lang nga kami nagkikita-kita, eh. Talagang super work kami do’n.

Sa Hotel Hardin ko na-experience ang “reality”. Maliban kasi sa hotel rooms at bakeshop nila ay mayroon din silang dalawang buffet restaurants at bar. No’ng na-assign ako sa resto nila, naloka ako kasi may mga kanin pa ang mga tinidor at plato pero pinupunasan na lang nila. Ewwness, right? Pati ‘yong mga baso ay sinasawsaw lang sa tubig na parang baso ng mga nagtitinda ng gulaman sa tapat ng bahay nila. Buti na lang nauso na ang disposable cups.

Pero maliban sa mga nakakadiring experiences na ‘to madami rin kaming mga masasayang naranasan. Katulad na lang no’ng na-assign kami ni Kabs sa bar, merong lumapit sa aking Korean sabi niya, “Can I have cold?” Sagot ko, “Sorry. What? Cold?” Tapos kinuha niya ‘yong glass niya, binuhos ang laman nito sa kamay niya, at pinakita sa ‘kin ang yelo. “Ahhh, ice?” Naloka ako. Haha! Tapos sumunod na gabi may isang Korean namang lumapit kay Kabs sabi sa kanya, “Can I buy you?” Napasagot si Kabs, “Who? Me? You’ll buy me?” ‘yon pala gusto niya pa ng isang beer. Sobra ‘yong tawa namin ni Kabs, eh. Haha! Akala namin magkaka-Korean boyfriend na siya na dadalhin siya sa South Korea. Mali pala. Epic fail! Haha!

At maliban sa bakeshop, bar, at buffet resto ng Hotel Hardin ay na-assign din ako sa pastry kitchen. Inilagay nila ako agad do’n at ibinabad noong nalaman nilang intern ako ng Hunger Games sa Maynila. Okay lang naman ang experience ko do’n, halos parehas lang ng Hunger Games. Siguro kaya kahit nasa pastry kitchen ako ng hotel dito sa Boracay ay hindi ako na-culture shock kasi hindi rin naman kataasan ang standards nila dito dahil hindi naman 5-star hotel ang Hotel Hardin. Masyado lang akong nag-expect na mas bongga do’n kasi hotel na ‘yon, eh. Umasa ako. ‘Yan nasaktan. Haha!

Kahit na ang dami naming pinagdaanang hirap sa internship ay sobrang nag-enjoy pa rin kaming anim. Kapag may oras na nagsasama-sama kami sa dorm ay gagala agad kami. Shopping. Lunch out together. Swimming pa more. Tour pa more. Kung saan-saan kami nakapunta. Naikot namin ang buong Boracay from front beach to back beach to Mt. Luho to our favorite place, Puka Beach. Ang sarap lang ng internship namin kasi magkakasama kaming mga tunay na magkakaibigan. That made our hotel internship and stay at Boracay very memorable and super fun!

Life is like a rollercoaster ride. Magkakaroon ng isang sandali kung saan puwedeng mangibabaw ang takot o anxiousness. Matatakot ka na sumakay. Ngunit paano mo malalaman kung gaano kasaya ang isang bagay o karanasan kung hindi mo ito susubukan? ‘Yan ang nangyari sa akin when I entered my internship. Takot na takot ako no’ng una. Pero tinapangan ko ang sarili ko. ‘yon na pala ang unang hakbang nang napakasaya kong paglalakbay bilang isang intern. There’s no harm in trying. Go on, fear only God, fulfill your dreams, and strengthen your foundation of ambition. Dahil ito ang tunay na napatunayan ko, ang isang ‘di malilimutang paglalakbay ay nagsisimula sa isang simpleng hakbang.

*****

BE FRIENDS WITH JAHRIC LAGO! ❤
Facebook: /JahricLagoOfficial
YouTube: /JahricLago
Instagram: @JahricLago
Wattpad: @JahricLago

Anong Klaseng Empleyado Ka? by Jahric Lago (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now