Kabanata Three: Random Acts of Pagpapa-medical (Part 1)

602 102 7
                                    

Introduksyon

Pagtapos na ang nakaka-badtrip na paghahanap ng trabaho. Tipong na ikot mo na buong Cubao at Makati, pudpud na ang heels ng sapatos mong pinamana pa sa ‘yo ng lola mo, super mega O.A. na ang pawis ng kili-kili mo, kulay itim na loob ng ilong mo dahil sa usok ng mga tambutso, at mukha ka ng na-rape sa gutay-gutay na itsura ng formal attire mong binili mo pa ng trenta sa ukay-ukay… FINALLY! Mapapasigaw ka na ng, “I’m hired!”

But wait, there’s more. Hindi pa tapos ang teleserye ng totoong buhay mo because after you get the job you wished ever since, may next chapter pa—ang pagpapa-medical. I hated it! Super ‘yon na kasi yata ang pinakanakakababoy na parte ng paghahanap ng trabaho. Kasi the point when you undergo the medical exam na afterwards you will feel totally, extremely violated. May hubaran, taehan, and worst, ‘yong kakalikutin ‘yong puwet mo. Eww! Halika tunghayan natin ang mga epic fail at sadyang nakakawindang na kuwento sa pagkuha ng medical exam.

*****

BE FRIENDS WITH JAHRIC LAGO! ❤
Facebook: /JahricLagoOfficial
YouTube: /JahricLago
Instagram: @JahricLago
Wattpad: @JahricLago

Anong Klaseng Empleyado Ka? by Jahric Lago (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now