Prologue

23 2 0
                                    

Hinihingal ako habang nagmamadaling tumakbo dahil 5pm na at kailangan ko nang umuwi. This is the last errand that I should do before going home. At mukha na akong nakipagmarathon dahil sa itsura kong habol ang hininga at laglag na ang tali sa buhok ko. I looked around because I am looking for someone. When I cannot find her, I run towards the field.

Rows of palm trees and some students are lying on the field. Looks like the football team are starting to warm, up and they will begin their practice a minute now. I scan the whole field and when I saw the person that I am looking for, I called her name.

"Pres!" Kumaway pa ako para mas makita niya ako. She was talking to a male student and he pointed me. She faces my direction. Humangin ng malakas kaya pakiramdam ko ay mas lalo nagulo ang buhok ko. Nagmamadaling inayos ko ito saka ngumiti sa direksyon ni President. Nagpaalam naman na ang kausap niya.

"Bakit, Mara?" Bungad agad niya saakin. Binigay ko ang dala kong folder sa kaniya. Tipid akong ngumiti dito bago nagsalita na hinihingal pa.

"Tapos ko nang ayusin yung schedule for the upcoming University week. Nandiyan na lahat ng pinalagay niyo. Also, if may ipapatanggal or lagay kayo, I'll do it na lang sa bahay. I need to go na kasi may family dinner kami. I told you about this, diba?" pagpapaliwanag ko. Kinuha niya ang folder na hawak ko. She browses the contents at tumaas ang kilay niya.

"Okay, sure. Pero may favor sana akong i-a-ask sayo if pwede. Madadaanan mo naman ito papuntang gate. I have an errand pa kasi na gagawin at I am needed there na." Sabi niya saka tumingin sa relo niya. Tumango na lang ako. "Pwede bang pakipuntahan mo muna si Sir Carlos sa Gym. Paki sabi na hinihintay daw siya ni Prof. Nathan sa office." sabi niya.

"Sige." sagot ko na lang bago ako tumalikod pero humarap ulit ako dahil may nakalimutan akong sabihin. "Ate Ara, I heard what happened." I smile at her pero tinalikuran lang niya ako saka naglakad palayo without looking back. If something like that happens again, her status as the SC president is in danger.

I heave a sigh bago tumalikod at gawin ang inutos niya. Today is a very tiring day, kapapasok ko pa lang ay tambak na agad ang gagawin dahil ang daming kailangan i-receive na letters from different depatments. I know it is the job of the Student Council's secretary pero di ko pa din talaga gamay.

Dumiretso na ako sa gym katulad ng sabi ni Pres. Sumilip ako sa lower gym at nakita kong nagtetraining ang mga varsity players ng basketball. Nagkikiskisan ang mga sapatos nila sa bagong mop na gym floor at ang tunog ng bola ang umaalingawngaw sa buong court. Tumingin ako sa bench at nakita kong may tatlong sa tingin ko ay mga higher years and I approached them.

Napansin ko na medyo naagaw ko ang pansin ng mga naglalaro pero I act as if wala itong problema saakin. Napansin ako ni chinito guy na nakaupo sa bench, at siya yung nasa gitna samantalang yung dalawa naman ay patuloy lang sa pakikipagkwentuhan. I smile at him a little before tucking a small piece of hair sa likod ng tainga ko. Nang mapansin ng dalawa na may may tinitignan ang lalaking nasa gitna ay napatingin na din sila saakin.

I purse my lips dahil nahihiya ako pero kailangan magtanong kung nasaan si Sir Carlos. Nang makalapit na ako lalo ay saka ako nagsalita "Hi, do you guys know where Sir Carlos is?" bungad ko. Ngumiti yung lalaki sa kanan bago nagsalita.

"Nasa upper gym, may si Sir klase doon." Sabi niya. Tumango ako saka ngumiti at nagpasalamat sa kaniya bago ako tumalikod at naglakad papunta sa upper gym.

Sa malayo pa lang ay kita ko na ang mga estudyanteng nagsasayaw at may iba namang naglalaro ng badminton. Mas lalo kong nakita ang ginagawa ng iba't ibang students nang makalapit ako lalo sa upper gym. Natanaw ko na din si Sir Carlos kaya lakad takbo ang ginawa ko para mas lalong makalapit.

Beyond DreamsOnde as histórias ganham vida. Descobre agora