03

110 9 3
                                    

Kakagising ko lang at lunch time na kaya papunta na ako ngayon sa Canteen kung nasaan nandoon na lahat ang mga kaklase ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kakagising ko lang at lunch time na kaya papunta na ako ngayon sa Canteen kung nasaan nandoon na lahat ang mga kaklase ko.

Mag-isa lang ako naglalakad patungo doon dahil pinauna ko na sila Gabby kasi mag-aayos pa ako.

Habang naglalakad ako napansin ko na ang bawat pader na dinadaanan ko ay may mga nakasabit na mga picture ng mga Facilitators. Medyo malawak ang hallway na tatahakin ko kasi malayo layo pa ang canteen nila dito.

Ilang lakad pa ang ginawa ko at narating ko na ang canteen. At doon ko naabutan ang mga kaklase ko na kumakain na. Kaya dumeritso na agad ako sa table kung nasaan ang mga pagkain. Nilagyan ng isang facilitator ang pinggan ko ng mga pagkain na gusto ko.

Matapos kung makakuha ng pagkain ay hinanap agad ng mga mata ko ang mga kaibigan ko. Pero wala nang bakanteng upuan sa table nila. Kaya naghanap nalang ako ng iba mapag uupuan.

At nakita ko na sa table nila Gabby nalang ang may bakante pero, at nakita ko na doon din naka upo sila Vance at Carlton.

Wala na akong ibang nagawa kundi pumunta nalang doon kasi wala ng ibang bakanteng upuan at kailangan ko din kumain kasi iinom pa ako ng gamot ko.

Pagkarating ko sa table nila ay umupo agad ako at nagsimula ng kumain. Nakakailang dahil kahit na hindi ko sila tignan ramdam ko ang pagtigil nila sa pagkain at pagtitig nito sakin.

"Hi Jaime"

May bumati sa akin kaya naiangat ko ang nakayuko kung ulo at nakita ko na si Carlton pala ang bumati sa akin habang naka ngiti ng malapad habang ang iba naman ay nakatitig sa akin na para bang hinihintay ang isasagot ko.

"Hello" tipid na sagot ko dito at pinagpatuloy ko na uli ang pagkain

Ugali ko talagang hindi magsasalita kapag kumakain ako. Kaya nga kung kakain kami ng lunch magkakaibigan ay hinahayaan nalang ako nila Kyrstal na kumain at sila nalang ang mag kukwentuhan kasi alam nila na kahit na hindi ako nakikisali sa usapan nila alam parin nilang nakikinig ako.

At sa aming magkakaibigan ako lang ang pinakamabagal na kumain kahit na kaunti lang ang kinakain ko. Minsan nga pinagpapagalitan na ako ni Krystal kasi daw ang liit liit kung kumain.

Sobrang awkward kasi habang kumakain ako ay naririnig ko ang mga pinaguusapan nila at di ako nakakarelate. Kaya kahit na mabagal ako kumain sinubukan kung pabilisin dahil gusto ko ng umalis.

"Vance magkwento ka naman ng mga bagay tungkol sa crush mo." Tuksong ni Dave kay Vance habang sinisiko ito

Ng dahil sa sinabi ni Dave binagalan ko ang pagsubo sa pagkain ko dahil sa naging interesado ako sa topic na pinaguusapan nila.

"Oo nga Vance lately napapansin ko na binibigyan mo na kami ng hint kung sino siya."

Wait pati din ako gusto ko malaman kung sino ang gusto niya. Ughh ano bang nangyayari sa akin

Make It With YouWhere stories live. Discover now