Nang may madaanan kaming store agad naman akong hinili ni lila papasok dun. Nako! Kung makahila wagas pero panigurado wala na namang mapipili ang bruha. Napailing na lang ako sa loob loob ko.



Siya na mismo ang bumitaw sa kamay ko para makapag hanap siya ng ayos. Hinayaan ko na lang siya kahit na nakaramdam ako ng pagkadismaya.



Gusto ko pa hawakan kamay niyaaa. Ang lambot ee. Sarap ibulsa. Hihi



Naglibot libot na lang ako sa loob. Wala naman ako ibang magagawa kundi ang magenjoy na lang kahit na pagod na ko. Napatingin na lang ako sa mga damit na nandito. Napangiwi pa ko ng makita ang presyo. Kahit isang buwang allowance ko, hindi ata kakasya sa pambayad sa isang pirasong damit na nandito. Grabe sa ginto ah. Dinaig pa presyo ng pagkain sa canteen.



"Jeremiah?"



Napatingin naman ako sa taong tumawag sakin. Bahagyang napakunot noo pa ko.


Pamilyar siya.. Sa tingin ko nagkita na kami, pero hindi ko alam kung saan.


"Hey. Its me, Odysseus."



Napakamot naman ako sa ilong ko.



Oo nga! Si Odysseus. Nakalimutan ko. Nakakahiya.




"Nako pasensya. Hindi kita agad nakilala." alanganing tugon ko



Ngumiti naman siya "Okay lang. Ang tagal na din kasi noong huli nating pagkikita. Kamusta na pala? Hindi kita nakikita sa Brandon."



Oo nga. Nasa isang campus lang kami pero hindi kami nagkikita.


"Okay naman kahit papaano. Nagkakasalisi siguro tayo." tugon ko


"Yeah right. By the way, ano palang ginagawa mo dito? May kasama kaba?" tanong niya pa


Napaiwas naman ako ng tingin at bahagyang hinanap si lila. Ano bang sasabihin ko dito kay Ody? Na kasama ko ang girlfriend ko kuno sinasamahan ko magshopping.


Ee nakakahiya!


Hindi naman sa kinakahiya ko siya. Hindi palang kasi ako handa magladlad. Alam niyo na, nangangapa palang ako.


Ang alam kasi ng lahat straight ako. Straight naman kasi talaga ko, kay lila lang hindi.



Yiiee



Kilig ako! Hihi



"Ahh oo. May sinamahan lang ako." pagkaraa'y sagot ko "Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko


"Galing akong N.B.S bumili ng Tracing Paper." agad naman akong napatingin sa dala niya "Naisip kong dumaan dito para sana bilhan si Orp ng damit." dagdag pa niya


Napatango ako.


Nakalimutan ko, Engineer student pala 'tong si Ody.


"Stupid"


Napalunok ako ng marinig ang malamig niyang tinig. Agad naman akong napatingin sa kanya. At sa pagkakataong ito, hiniling ko na sana bumuka ang lupa at lamunin ako, makatakas lang sa sama ng tingin niya sakin. Bakit ba ang sama nito tumingin sakin? Sa pagkakaalam ko, wala naman akong ginawang kasalanan sa kanya. Anak ng tupa naman oo!


Craving You Where stories live. Discover now