Naalala ko na kahapon, bago pa ako makabalik sa eskwelahan, hiningi ni Nethon yung number ko, ayaw ko naman ibigay sakanya. Pero bago ako tuloyang umalis hinatid ako ni Ashton gamit yung kotse ni Nethon sa bahay ko tapos hiningi ni Ashton yung number ko at dahil crush ko yun binigay ko na.

Di ko naman aasahing ganito! ginamit niya lang pala si Ashton para makuha yung number ko.

"Good Morning Miss Ariel" tumango lamang ako sa pagbati ng mga estudyante ko.

"I have to go may klase pa ako" hindi ko na hinintay ang sagot ni Nethon at binaba ko ito, bago ko itago yung phone sinave ko muna yung number niya.

"Good Morning!" masaya kong bati sakanila.

"Ayown! maganda ata mood ni Miss Ariel ngayon ah?"

"Miss nakakainggit ka po! nakita ko yung billboard kanina umaga tapos yung mga advertisement posters po sa internet."

"Pag nagkita po kayo ni Nethon pwede po ba humingi kayo ng autograph po para saakin?"

"Dale nakita mo ba yung post sa social media ng Kyril? larawan ni Miss Ariel kasama yung Kyril boys nakakainggit!"

"May article na nga eh!"

"Oh tama ng daldalan nababawasan yung oras natin!" sita ko sa kanila, mabilis naman silang tumahimik at humarap saakin, ngumiti na lamang ako.

Nag kuhaan pa ng litrato kahapon, pinipilit yun ni Belle, gusto ko ngang kasama siya pero sinabi niyang kami lang daw dahil kami yung bisita sa shop niya, eh popost niya daw sa sns niya para pang agaw ng atensyon ng mga costumers. Ang hindi ko alam ang sinasabi nilang article.

-

Nethon's POV

Nakangiti lamang akong sinusundan si Achelois kahit na nag uusap kami sa telepono.

Kadadating ko lang, tinawagan ko siya para malaman kung nasaang parte siya ng eskwelahan niya pero lumabas naman ito sa faculty at hindi niya ako napansin.

Sinundan ko ito ng may ilang dipa ng layo hanggang sa makapasok siya sa classroom, sinilip ko lamang ito at pinanuod ko itong mag turo.

Sabi nila pag mahal mo daw yung ginagawa mo, you shine, nagiging maganda ka sa mata ng maraming tao at yun ang nakikita ko kay Achelois ngayon habang nagtuturo ito.

"Sir Nethon? you dad is calling" napabalik naman ako sa sarili ko nang magsalita ang secretary ko.

Kasama ko ito ngayon kasi pupuntahan ko si dad at sa secretary ko pa yun nalaman, kaninang umaga lang din habang kumakain kami.

Kinuha ko naman yung phone at tinapat sa tenga.

"Where are you? late ka na sa usapan, hindi ka ganito Nethon, ano bang pinag kakaabalahan mo?"

My dad really hates late commers kahit na ilang minuto kang late talagang sesermonan ako nito.

Gusto ko naman talagang maagang pumunta sa mansyon pero dahil madadaanan ang university kaya nagpatigil muna ako dito at gusto ko munang malaman ang ginagawa ni Achelois.

"Nothing dad"

"You better be here! mas naunahan ka pa ni Ashton dito!"

"Ashton hyung is there?"

"Just come here, na stress ako sayo ng wala sa oras"

"I'm coming" buntong hininga naman kong binaba yung tawag.

"Let's go sir?" tumango naman ako at inayos ang suot kong suit.

Pagdating ko ng mansyon, nandon ang mga magulang namin pansamantalang naninirahan.

Siguro kaya andon si Ashton hyung para bisitahin yung mga magulang niya.

"Asan si dad?" tanong ko kay Ashton hyung, nasa sala kasi ito at sobrang tahimik ng mansyon.

"Andon sila sa garden let's go"

"Bakit ka ba andito hyung?"

"Binibisita ko magulang ko syempre"

"Good Morning everyone" bati ko naman sakanilang lahat, kompleto silang lahat. Nakatayo lamang kami ni Ashton hyung dahil puno na ang upuan.

"What are doing Nethon?" tatay ko

"Hey baby it's good to see you" nanay ko

"Wala akong pinagkakaabalahan dad"

"Anong wala? nagsumbong si Kristel saakin! iniwan mo daw siya sa restaurant"

"Sino si Kristel?" tanong ni tito Ricardo, tatay nila Alice at Alexander hyung.

"It's Nethon's fiance"

"Oh may fiance ka na pala Nethon?" iiling na sana ako bilang sagot pero nang tignan ko ang gawi ng tatay ko nakatingin ito saakin at hinihintay ang isasagot ko.

"Opo" labag sa loob kong sagot.

"Actually, arranged marriage yung magaganap tito!" singit naman ni Ashton hyung, napatingin naman ako sakanya pero nakatingin lamang ito sa mga magulang namin, siniko ko naman ito pero hindi niya ako pinansin.

"what?" tito Momus ang tatay nila Misha at Ashton hyung.

"Bakit mahal mo Nethon? naalala ko yung pag arranged marriage ko kay Belle at sa asawa niya, mahal kasi nila ang isa't isa pero may lumot yung nakaraan basta mahabang kwento" tanong naman ni tito Orcus ang tatay ni Belle.

"Hindi nga niya kilala tito"

"Hyung!" sita ko kay Ashton hyung, gago ako talaga ang papagalitan nito.

Sabi kong ayaw ko ng gulo, mas gugustohin kong sundin nalang ang tatay ko kaysa ang tumutol sa gusto niya, kahit naman kasi tumutol ako wala akong magawa.

My mom gave birth of me but my dad build me as a perfect guy in his eyes, I've been pleasing him since I was a kid.

"Parang si Nethon lang ata yung walang kalayaan" tito Momus

"He have, he want's to be an actor kaya sinuportahan ko, kaya ayan"

It was a lie, I never dream being a public figure, I just want to be free from my perfectionist father.

"Hayaan mo na lamang si Nethon sa pagpili ng makakasama niya habang buhay" Tito Ricardo

"Hindi naman tayo prinessure ng mga magulang natin noon kung sino ang papakasalan natin kaya hayaan mo na yung bata" tito Momus

"I'll pretend I didn't hear those nonsense, go meet Kristel, humingi ka ng pasensya, pagkatapos na pagkatapos ng party uuwi na tayo" dad, tumayo naman ito, umiling naman ito na may masamang tingin saakin bago pumasok sa mansyon.

"Don't mind your dad kami na bahala don, lumandi ka" tito Momus tumawa pa ito na parang walang tensyon na naganap.

Tumango na lamang ako.

"Umalis na kayo" Tito Ricardo, nag bow naman ako bago ako umalis.

Now what? paniguradong pag iinitan na naman ako ng tatay ko, kahit naman kakampi ko yung mga tito ko walang pakialam ang tatay ko. Kahit pa iharap ko si tito Ricardo na siyang kuya nila ay pag iinitan padin ako.

"Let's go? bar!"

"Hyung bakit mo yun ginawa? alam mong ayaw na ayaw ni dad na hindi siya sinusunod"

"What? sinasalba na kita sabi mo ayaw mo"

"Yes ayoko pero may magawa ba ako? mas lalong ipagtulakan ni dad yung gusto niyang mangyari dahil sa pagtutol."

"Alam mo yung daddy ko na ayaw na ayaw niya yung hindi perpekto sa mga mata niya"

"Hindi ba naisip ni tito na tao ka hindi ka perpekto?"

His Secret Affair ✔On viuen les histories. Descobreix ara