Chapter 3

4.7K 139 4
                                    

Third Person's P.O.V

~*~

NAKAUPO parin si Macy at patuloy na umiiyak habang nakayuko roon sa parehong bench.

Maya-maya pa ay may mga taong nagsitakbuhan, pero hindi niya ito pinapansin at patuloy lamang siya sa pag-iyak.

"Saan 'yung aksidente?"

"Nandoon daw e, tara bilis!"

Sabi ng mga taong dumadaan sa kanya na nagmamadali. Alam niyang may aksidente dahil sa narinig niya ngunit wala siyang pakialam. Hindi naman bago sa kanya iyon, mamatay ba naman sa aksidente ang mga magulang mo at kaisa-isa mong kapatid e magugulat ka pa ba?

"Kawawa naman 'yon ano?"

"Oo nga e sayang, may itsura pa naman,"

Sabi ng mga taong sa tantiya niya'y kakagaling lamang doon sa pinagmulan ng aksidente.

Sinundan niya ng tingin ang mga taong papunta doon sa nagkukumpulan.

'Siguro nga ay may aksidente' sa isip niya.

Sa kanyang kuryusidad ay hindi niya maiwasang sumilip. Pinunasan niya ang kanyng luha at pumunta sa nagkukumpulan at doon isiniksik niya ang kanyang sarili sa naaksidente na siyang ikinabigla niya ng malaki.

"S-si—"

Hindi niya maituloy ang kanyang sasabihin dahil sa pagkabigla.

Halos hindi na makadaan ang ibang sasakyan dahil sa dami ng tao sa kalsada at tumbang kotse ng naaksidente.

Napaatras na lang si Macy nang daan-daan nang kinuha ng rescue team ang katawan ng naaksidente para dalhin sa hospital.

"—S-siya si Edward S-shawn!"

Sigaw niya nang hindi niya namamalayan.

Tama siya, ang naaksidente ngang binata ay walang iba kundi ang taong sumira ng proyekto niya.

Napalingon naman ang ibang taong nasa paligid niya buhat ng kanyang pagsigaw ng pangalan.

At ang isang taong manghang-mangha sa nangyayari sa kanya at hindi pa naip-proseso sa isip niya ang mga nagaganap ngayon.

"Kilala mo ang naaksidente hija?"

Tanong ng isang tao.

"H-ha?"

Hindi niya alam kung ano ang isasagot.

Napalingon naman siya sa isang banda na kung saan ay kanyang labis na pinagsisihan at nagpalamig sa kanyang buong katawan.

Kitang kita niya kung paano nagulat ang binata sa katawan nito nang tumatagos ang mga tao rito.

"Hey! People what are you doing? H-hey—" Magsasalita pa sana si Edward ngunit may tumagos na namang tao sa katawan niya, "—woa!"

Mangha niyang saad. Hindi maipagkakaila ang kaiwagaan sa ekspresyon nito.

"What's happening to me now?!"

Sigaw niya saka binalik ang tingin sa babaeng sumigaw ng pangalan niya kanina lamang. Nagtama ang paningin nila.

Tinubuan ng takot ang buong katawan ni Macy sa nakikita at nasaksihan.

Isang Edward Shawn na isang kaluluwa at isang Edward Shawn na duguan, walang malay at lasog ang katawan. Ano 'to?

"Hey, you know me? I thought you don't—wait—"

My Pervert GhostWhere stories live. Discover now