Eeee!!


Kinikilig ako! Hihi




"Tanginang pangit mo mainlove! Nakakatakot!" panira na naman



Binato ko lang sa kanya 'yung notes ko na nasa ibabaw lang ng desk ko. Parang tanga eem Napipika na ko sa kanya ahh. Pano ko ba naging kaibigan ang isang 'to?



"Palibhasa kasi di ka pa naiinlove." ganti ko



"Nah! Para sa mga kagawa mong pangit lang ang salitang inlove."




Napangiti ako ng may bigla akong naalala. Na-inlove na nga pala ang loka. "Oh talaga? Edi pangit ka din?" nakangising tugon ko





"Aba't! Gago ka ah!" namumulang sagot niya



"Gago ka din!" sagot ko


Napahinga ako ng malalim.



Relax Jeremiah.




Inhale..




Exhale..




Inhale..




Exha-






"Pakyu ka bente!" tatawa-tawang
dagdag ko




Hinarap ko naman sa kanya ang gitnang daliri ko.




Hindi ako nakapagpigil ee. Ang tabil ng bunganga ee!





Magsasalita sana ulit siya ng maramdamang kong may tumama na kung ano sa likod ng ulo ko.





Kunot noong tiningnan ko naman kung sino ang may sala.



Natigilan pa ko ng makitang masama ang tingin sa'kin ni lila.



Oh ba't galet? Inaano ko siya?




"Your mouth, stupid." she rolled her eyes




Napahawak ako sa labi ko.



Sorry naman. Nakakabwisit 'tong kasama ko ee. Saka bakit ako lang pinagalitan niya? Dapat si Lauren din. Siya naman nagsimula hindi ako.




"Tssk!  Under." nakangising panimula niya




Ayan na naman. Nagsisimula na naman siya. Ang sarap sapatusin ng mukha niya. Nako! Talaga!




"Quiet Children. Tama na 'yan." singit ni Jaz




Napairap naman si Lauren bago umayos ng upo. Ako naman ang napangisi ngayon. Ha! Sinong under sa'tin ngayon?




"Sinong under sa'tin ngayon?" nakangising saad ko





"Shut up!"





Napahagikhik ako.




Tingnan mo! Siya 'tong nang-aasar tas pag binawian, mapipikon. HAHA




Natawa ako ng maalala ko ang nangyari no'ng isang araw.




Nahuli ko lang namang nagsusulat si Lau ng love letter.



Love letter para kay Jaz. HAHA



Ibang klase ang kaibigan kong ito. Akalain mong mahuhulog pala ang loob niya sa isang S.C President na kaibigan namin. Nakakagulat lang dahil sa tikas niyang 'yan at pagkatabil ng bunganga, dadaanin niya sa makalumang panliligaw ang nararamdaman niya para kay Jaz.



Craving You Where stories live. Discover now