WAKAS

53.4K 2.1K 504
                                    


W A K A S
༺❀༻

"Dude ano na?" inis na usal ni Neos sa kausap sa kabilang linya. Kanina pa kasi dapat ito tapos sa pinapagawa niya e.

"Wow, thank you ha? Thank you, Neos cousin," sarkastikong wika ni Reagan. Isa sa mga pinsan niyang hiningian niya ng pabor.

Narinig niyang humalakhak ang kakambal nitong si Teagan. "Pre, malala ka na. Kakatawag mo lang 'di ba? Wala pang isang minuto tapos tatawag ka na naman."

Umigting ang kaniyang panga sa sinabi ng mga pinsan. Bakit ba kasi ito ang tinawagan niya? Oo nga pala, hindi pwede ang isa pa niyang pinsan na si Kaden dahil busy ito sa asawang buntis.

Taon-taon ata buntis. Mapapa-sana all ka na lang talaga samantalang heto siya't halos atakihin na sa kaba.

"Just fucking do it!"

Mabilis niyang pinatay ang tawag saka tumingin kay Sadi na mahimbing pa rin na natutulog sa kaniyang kama. Hindi niya maiwasan mapangiti ng makita ang maliit na braso nito na nakayakap sa anak nila.

Tatlong buwan.

Talong buwan na simula ng makita nila ang anak, simula ng malaman niya ang lahat. Swerte na lang siguro sila ni Sadi dahil sa mabuting pamilya napunta ang kanilang anak. Hindi nila ipinagkain sa kaniya ang karapatan sa bata. They are thankful, na kahit nalayo ito ay ipinakilala pa rin sila bilang tunay na magulang.

Marahan siyang lumapit sa kama kung nasaan ng kaniyang mag-ina. Hmm mag-ina? Sounds good.

Hinaplos niya ang naka-kunot na noo ng anak. His baby, alam niyang kulang pa ang mga araw na binabawi nila ni Sadi kaya nga hindi na siya makakapayag na umalis pa sa piling ng dalawa.

Hinalikan niya ang buhok ni Sadi bago umalis. I promise babe, babawi ako. Hindi na kita papakawalan sa pagkakataong 'to.

ISANG malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ni Neos nang buksn niya ang pintuan ng kwarto ng kaniyang ama. Tumawag ang kaniyang ina na naigalaw na raw nito ang daliri. Halos mag iisang buwan na kasi itong gising, dilat ang mata pero tulog ang katawan.

"Anak!" tawag ng ina niya ng makita siya.

Kaagad siyang lumapit sa ina saka hinalikan ito sa noo. "Mom, what happened?" tanong niya habang nakatuon ang mata sa ama.

Humikbi ang nanay niya habang mahigpit ang hawak sa kamay ng ama niya. "Gumalaw siya anak! Gumalaw ang kamay ng daddy mo kanina."

Kahit kaunting ay nakahinga siya ng maluwag, mabuti naman at paunti-unti ng umaayos ang ama.

Nilapitan niya ito, "Daddy, please bumangon ka na, come on punch me," biro niya kaya sinapok ng ina ang kaniyang braso.

Gusto rin sana niya makita gumalaw ang ama pero baka sa susunod na ulit. Humarap siya sa kaniyang ina ng bahagya nitong pinisil ang kaniyang braso.

"How's my grandson?" malumanay na tanong nito.

Marahan niyang umupo sa gilid ng kama ng kama na naging higaan na nito sa lumipas na taon.

"He's okay, mom. He's amazing." Hindi niya maiwasan mapangiti nang maalala ang tabaching-ching niyang anak.

"Sa totoo lang medyo nagtatampo ako sayo, Neos. Magpo-propose ka na pala kay Sadi?" tumalim ang mata nito kaya bahagya siyang napanguso.

"How did you know, mommy?"

"Ako pa ba? Sabi nga nila may pakpak ang balita. Your cousin, Teagan told the news to Kaden and Kaden told it to his mother, his mother told it to kuya Dimitri, so kuya Dimitri asked the details to me. Imagine my shock son? Yung sa iba ko pa maririnig." Umiling-iling ang ina.

SDSS 4: PrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon