Kabanata 8

38.5K 1.7K 488
                                    


K A B A N A T A 8
༺❀༻

Sumilip si Sadi sa labas ng banyo, tumutulo pa ang katawan niya galing sa paliligo. Lintek naman kasi, kung kailan siya naliligo saka naman may tatawag.

Patakbong pinuntahan niya ang kaniyang cellphone sa itaas ng kama, hubot-hubad at basang-basa pa siya. Ayos lang naman iyon, solo naman niya ang condo ni bakla.

"Hello Ma'am Anne?" she answered the call.

Narinig niyang maingay sa kabilang linya, siguro ay nasa opisina ito o kung saan.

"Sadi, nakakuha na ako ng bago mong papasukan habang wala pa si Relton," ani ng babae.

Nanlaki ang mata niya.

"Talaga po?"

"Yes, pumunta ka na lang dito ngayon sa Devine Entertainment, mabuti at may nahanap ako," malumay na anito  kaya mas lumawak ang ngiti niya.

"Thank you Ma'am! Alam niyo naman po kung bakit kailangan ko ng trabaho, salamat po!"

Nang patayin nito ang tawag ay nangingiting nagtype siya ng mensahe sa magaling niyang kaibigan.

'Hoy huwag ka na bumalik, may bago na akong amo. Bye :P hate you!'

Nang mai-send niya iyon ay mabilis niyang ipinag-patuloy ang paliligo. Isang buwan simula umalis ang magaling niyang kaibigan at ang huling balita niya ay pumunta na itong Hawaii, talagang sinusulit dahil siguro alam nitong sasabunin siya ni Ma'am Anne kapag umuwi na.

Isang buwan na rin simula wala siyang trabaho. Isang buwan na rin simula ng iniwasan niya si Neos, araw-araw ay nakikita niya ito araw-araw rin siyang kinukulit nito.

Naka-ngiti siya habang papunta kung nasaan si Ma'am Anne, mabuti naman at nakahanap na ito ng pwede dahil bagot na bagot na siya. Para bang hindi na sanay ang katawan niya na walang ginagawang trabaho.

She actually missed Relton, nakaka-miss din pala ang pagiging mabunganga nito.

"Good morning, Ma'am A--" nabitin ang bati niya ng makita kung sino ang kasama nito sa loob.

Neos.

Prente itong naka-upo sa sofa habang nagka-kape, pumalatak naman si Ma'am Anne ng makita siya. Masayang iminuwestra siya nito papasok. Pinilit niyang ngumiti.

"Mabuti naman at nandito ka na, Sadi. Siguro naman kilala mo si Neos hindi ba? Talents din siya ng Devine Entertainment, maswerte ka kasi wala siyang PA."

Bumuntong-hininga siya. Talaga bang pinaparusahan siya ng tadhana? Umiiwas na nga siya e, tapos paglalapitin pa.

"Ma'am Anne pwede po bang--"

Hindi na niya natapos ang sasabihin ng biglang tumayo si Neos. Pinagpag nito ang suot na jeans. "Thanks, Anne. I have to you, I'll take her with me."

Halos maubos ang hininga ng hawakan siya nito sa pulsuhan at hilahin palabas ng silid na iyon, nang lumingon siya kay Ma'am Anne para humingi ng tulong ay kumaway pa ito.

"Neos, saan ba tayo pupunta? Plinano mo ba 'to?" inis na usal niyang.

"Ang judgemental mo," he chuckled. "Si Anne ang lumapit sa akin, I'm just being a good man here, wala kang trabaho, bibigyan kita."

Inismidan niya ang lalaki habang hila-hila siya. Pumasok sila sa isang kwarto, kaagad niyang nakuha ang set-up sa paligid. They are having a photoshop, nice!

Kaagad sinalubong ng isang matabang bakla si Neos.

"Great, you're here! Next ka ang boys." Pumalakpak pa ang bakla bago ituro kung saan pagpapalit ng damit.

SDSS 4: PrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon