CHAPTER 1

31 0 0
                                    

CHAPTER 1

"HOOOYYYYY YUNG BAG KOOOO!" Madali akong tumakbo at hinabol yung snatcher ng bag ko.

Naiiyak ako habang hinahabol ang dalawang snatcher ng bag ko. hindi dahil sa laman non. dahil alam kong puro make up ko lang naman laman non eh

Ang iniiyakan ko ay yung bag. dahil hindi pa tapos hulugan ni mama yun eh huhu!

Madaling araw na ngayon kaya kahit anong sigaw ko dito sa lugar namin walang nakakarinig sa akin.

Pero wala akong pakialam. sigaw parin ako ng sigaw hanggang sa may tumulong sa akin.

Naiiyak na lang ako kasi hindi ko alam ang sasabihin kay mama pag di ko nakuha ang bag ko.

Sana pala hindi ko na pinilit si mama na bilihin yung mahal na bag na yon. edi sana walang ma i-snatch sa akin.

Dapat kasi hindi na ako nakipag sabayan sa mga kaibigan kong susyal.

Ayan tuloy ang nangyare. Mukhang makakalbo ako nito mamayang pag uwi ko.

"Asan na sila?!" Pinunasan ko ang kaunting luha sa mata ko at hinanap ang mga snatcher.

Nawala na sila sa paningin ko. bakit ang bilis nilang tumakbo!

Hingal na hingal akong huminto saglit dahil masakit na ang paa ko dahil sa layo ng tinakbo ko para makuha lang ang bag ko.

"Aww! Aww! Aww!" Nanigas ang buong katawan ko sa narinig kong kahol sa likuran ko.

Iisipin ko palang lumingon alam ko na ang makikita ko.

"Aww! Aww! Aww!" Mas lalo akong natakot nang padami ng dami yung naririnig kong kumakahol.

Wala na akong nagawa kundi...

"WHAAAAAAAAAAAAAA!" Agad akong tumakbo as fast as i can.

I don't care kung masakit na ang paa ko. basta ang nasa isip ko lang kailangan ko pang mabuhay!

"Aww! Aww! Aww!" Takbo lang ako ng takbo. hindi ko na alam kung saan ako napupunta basta ang alam ko lang kailangan kong matakasan ang mga aso.

"Malas naman oh! Ang ganda nga ng bag wala namang pera!" Mga snatcher ba yon? tumakbo ako tungo sa narinig kong boses.

"Shit! nakita tayo pre!"

"WAIT! TULOOOOOONG!" Huminto sa pag takbo ang mga snatcher at muling lumingon sa akin na naka kunot ang noo.

"Bakit ka samin himihingi ng tulong? snatcher kami baliw, sa iba ka himingi ng tulong!"

"Hindi ko kayo..." Hindi ko matapos ang sinasabi ko dahil hinihingal pa akong nakahawak sa balikat ni kuya snatcher at sa bewang ko.

"Hindi mo kami ano?"

"Sa inyo nalang..." Hingal na hingal kong sabi.

"Samin nalang ang?"

"Habol... Aso..." Nahihirapan pa talaga kong kompletuhin ang sentence ko dahil sa sobrang hingal.

"Habol? Aso?" Sabay nilang sabi hanggang sa...

"Aww! Aww! Aww!" Sabay sabay kaming lumingon sa kahol ng aso. lahat kami nagulat sa nakita namin. hindi lang pala dalawa, tatlo o apat ang humahabol sakin kanina. kundi marami!

As in, marami talaga!

"WHAAAAAAAAAAAAAA!" Sabay sabay naming sigaw at tumakbo ng mabilis.

Nakakatawa lang isipin na kanina sila pa yung hinahabol ko. ngayon kami na ang hinahabol at kasabayan ko na silang tumakbo.

"Ganito, mag hiwa-hiwalay tayo para pag may nalapa man sa atin, at least may makakaligtas! goodluck sa atin!" lahat kami sumang-ayon at tumakbo na kami sa mag kakaibang ruta.

Nang nakarating ako sa highway. laking pasasalamat ko dahil may mahihingian na ako ng tulong.

"Aww! Aww! Aww!" Pag lingon ko may tatlong aso nalang ang humabahol sa akin.

"*Beep!* *Beep!* *Beep!*"

Isang nakakasilaw na liwanag ang papalapit sa akin. hanggang sa...

"Miss! Miss! Sorry!" Naririnig kong sabi ng lalaki.

Iminulat ko ang mga mata ko at sinubukang tumayo pero sa kasamaang palad bigo ako dahil hindi ko na maramdaman ang katawan ko.

Nakita kong pinapaligiran ako ng maraming tao. at may isang taong pumukaw ng atensyon ko.

Nakatitig lang sya sa akin. walang emosyon at higit sa lahat, nagliliwanag sya!

Kung pagmamasdan mo sya. Isa syang lalaking matangkad, naka sumbrero at naka american suit may hawak rin syang tablet sa kanang kamay nito.

Tatawa sana ako kaso hindi ko na maramdaman ang katawan ko. hanggang sa tuluyan na ako nawalan ng malay.

"Tayo na, sumama ka sa akin." Nakinig kong mababang boses na sabi ng isang lalaki.

Napa dilat ako ng mata sa narinig ko.

"Ako po ba?" Turo ko sa sarili ko. sya namang tango nya habang nakalahad ang kamay sa akin.

"Sorry kuya, Pass ako sa Networking" Napa kunot ang noo nito sa sinabi ko.

"Halika na. May pupuntahan pa tayo" Hindi nya pinansin ang sinabi ko.

"Sorry kuya, Pass ako. Na snatch-an ako ng bag tangay pati pera ko. kaya wala akong pang join." Kunot noo na naman nyang naka tingin sa akin.

Tumayo ako at laking gulat ko ay nakatayo ako. parang kanina lang hindi ko maramdaman ang katawan ko sa hindi rin alam nadahilan.

Tumingin ako sa paligid ko.

"Ambulance?" Basa ko sa isang sasakyan

Ang daming taong nakapalibot sa akin sa hindi ko alam na kadahilan pero hindi naman sila nakatingin sa akin.

Nakatingin sila sa babaeng nakahiga sa kalsada. duguan ito at walang malay.

Nanginig ang buong katawan ko at Nanghina ang tuhod ko nang mamukhaan ko ang babaeng duguan at walang malay.

Biglang nag flashback sa akin ang lahat ng nangyare.

Patay na ba ako? hindi pwede to! iniisip ko pano na sila mama at papa at si Christine ?

Tanging pag iyak nalang na nagawa ko sa mga oras na ito.

Ang dami ko pang naiisip na gawin bakit nangyare to sa akin?!

"Tayo na" nilingon ko ang nag salita.

"Ano ba kuya! sinabi ko ng pass ako sa Networking eh! ang kulit! kita mong nag eemote pa ako dito" Kunot noo na naman nyang naka tingin sa akin.

"Ano ba ang pinag sasabi mo? inaantay kana ni San Pedro baka malate ka pa, ako na naman ang mapapagalitan nito" Mas lalo akong naguluhan sa sinabi nya.

"Wait nga lang, sino kaba?"

"Ako ang Grim Reaper. Ako ang nag susundo sa mga kaluluwa para lumagay na kayo sa tahimik at hindi kayo maligaw pa" Paliwanag nito.

"Kung ganon? patay na nga ba talaga ako?" Hindi pa rin kasi talaga ako makapaniwala.

"Ano ba sa tingin mo? Tsk!"

"Sungit!"

"Pero paano yung katawan ko?" Naaawa ako sa kalagayan ng katawan ko. bakit ako agad humantong sa ganito?

"Ipaubaya nalang natin sa kanila ang katawan mo. alam nila ang ginawa nila." Tumango ako bilang pag sang-ayon.

Pinagmasdan ko ang rescue team habang binubuhat nila ang katawan ko papunta sa sasakyan nila.

Naluluha ako habang pinagmamasdan ang Ambulance na unti-unting nawawala sa paningin ko.

"Tayo na, hinahanap kana. Mapapagalitan pa ako nang dahil sayo eh!"

"Tara na nga! atat na atat ka kala mo naman nata tae. Bwisit! Panira ng moment" Nag dadabog akong naglalakad na parang bata.

Nakakainis kasi ang KJ, ayaw pa akong pagbigyan kahit manlang sa huling pagkakataon makita ko ang katawan ko. 

"Para kang bata!"

"Che! don't talk to me!"


------------


What do you think guys in Chapter 1? is it too exagerated? hehe!

I hope you enjoyed reading this chapter 1.

I will do my best in Chapter 2. stay tune! hehe!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 10, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THE SWITCH: I Became A GuyWhere stories live. Discover now