Chapter Eleven: Superman

Start from the beginning
                                    

Naisip kong bigyan siya ng regalo bilang pasasalamat. Lagi ko itong dala sa bag para kung sakaling makahanap ng tyempo at makaipon ng lakas ng loob ay maibibigay ko sa kanya ng personal.

Kaso hindi ako makakuha ng lakas ng loob. Kaya naisipan kong sa bahay nalang nila iiwan.

Limang beses din akong nag attempt na iiwan ang regalo sa tapat ng gate nila.

Naisipan kong ibigay ang pinaka paborito kong collection na figure ni Superman.

Para sa akin kasi, para siyang si Superman.

"Kuya guard, pwede po bang pakiabot kay Zion. Pakisabi po thank you gift. Salamat po."

"Anong pangalan mo bata? Para masabi ko kay Zion." Tanong nung guard.

"Wag niyo na pong sabihin, basta sabihin niyo nalang na thank you gift po."

Saka mabilis akong tumakbo. Ayokong malaman ni Zion na sa akin galing ang regalo na yun, baka hindi niya tanggapin. Kahit sa ganoong paraan man lang mapasalamatan ko siya sa pagtulong niya sa akin.

Mula noon, nagsumikap akong ayusin ang sarili ko. Ginugol ang oras sa gym, tamang diet, martial arts and sports.

Mahirap oo, pero kailangan. Para sa sarili ko.

Hanggang sa nagtagumpay akong buuhin ang sarili ko.

Nagkaroon na rin ako ng maraming kaibigan.

Ngunit kahit na ganun, hindi parin ako tumigil na maging updated kay Zion. Ang pinaka goal ko talaga ay maging kaibigan siya at mapasalamatan in person.

Mag fo-fourth year na ako nun at nakaipon na sana ako ng lakas ng loob para makipagkaibigan sa kanya.

Kaso namatay ang Daddy dahil sa liver cancer, lumipat na ako ng Zambales sa bahay ni Lola. Siya ang ina ng Daddy ko.

Si Kuya ay naiwan sa bahay sa Bulacan na kasama ni Lola na ina naman ni Mommy.

Nagkaroon kasi ulit kami ng malaking away dahil pati ang pagkamatay ni Daddy sa akin niya isinisi. Kaya mas mabuti nang maghiwalay kami ng tirahan. Kesa araw-araw niyang ipaalala sa akin na kasalanan ko ang lahat.

Nalungkot ako dahil hindi ko na makikita si Zion. Sa Zambales na rin kasi ako mag-aaral ng fourth year.

Nang makagraduate ng highschool ay gusto ni lola na sa City na ako mag-aral. Pumayag naman ako dahil mas advance at mas maganda ang pagtuturo sa City.

Nag-enroll ako sa isang sikat na university.

Tila napakabait naman sa akin ng tadhana. Nakasabay ko siya sa pag-enroll sa araw na yon.

Si Zion.

Sobrang akong natuwa nun. Isa yun sa pinakamasayang araw ng buhay ko.

Noong una gusto ko talaga ng Architecture. Pero nung malaman kong Business course ang kinuha ni Zion ay yun na rin ang kinuha ko.

Weird no? Wala eh gusto ko talagang mapalapit sa kanya.

Pero syempre hindi pa rin ako nagpakilala sa kanya. Para lang akong timang na stalk ng stalk sa kanya.

Minsan nga natatawa akong isipin na kapag nahuli kaya ako nitong ini-stalk ko siya, malamang gugulong ang ulo ko sa kalsada.

Naisip ko na baka sinadya talaga ng tadhana na maging magkaibigan talaga kami.

Hanggang sa yon! Naging magkaklase kami. At di lang yan, magkasundong-magkasundo pa kami.

Pero napagdesisyunan ko nalang rin na wag ko nang sabihin ang nakaraan. Baka kung ano pang isipin niya sakin. Itakwil pa ako ng mokong.

Brad Mahal Kita Matagal Na Where stories live. Discover now