Their story

37 6 4
                                    

==============

Nasa school kami ngayon at kasama ko ang aking bestfriend na si Amber Martinez. "Teh, kumusta na nga pala iyong manliligaw mo? Si Drew?" tanong niya sa akin.

"Ayun, hinahayaan ko pa ring manligaw. Grabe nga siya kung manuyo e. Talagang effort kung effort." Tumingin naman na parang hindi makapaniwala si Amber sa akin.

"Weh?" Tumawa siya. "Hindi halata, sis! Iyong hitsura niya kasi ay iyong tipong sobrang seryoso! Parang walang paki sa love life, ganon!"

Umiling-iling ako. Hindi siya ganoon. "Mukha lang siyang ganoon, sis! Pero I'm telling you, napakasweet niya!"

"I'm so happy for you, Faye. Alam ko naman kung gaano mo na siya katagal na gusto."

Napangiti naman ako roon. Oo nga ang tagal ko na siyang gusto. Grade seven pa lang kami ng maging kaklase ko siya. Grade seven pa lang kami nung makita ko kung gaano siya kadedicated at kagoal oriented. Grade eight nung makilala niya si Amber. Grade eight nung naitsapwera ako dahil naging close silang dalawa. Grade nine... grade nine nung marealize kong mahal ko pala si Drew. Grade nine din nung umamin sa'kin si Drew na gusto niya si Amber. Grade nine nung marinig ko ang puso kong mabasag, mawarak, at matapaktapakan. Grade ten...

Grade ten nung nalaman kong may cancer ako sa dugo - leukemia.

Grade ten nung maging desperada ako sa atensyon ni Drew.

"Amber, w-wag mo siyang kunin sa'kin, ha?"

"Ha? Paanong kukunin? Sino? Si Drew?"

Ngumiti na lang ako ng mapait. Hindi niya alam na siya ang tunay na gusto ni Drew. At hindi niya rin alam na may gusto siya kay Drew. I saw how she looks at him. That's the way I look at him, too. And that's the way he looks at her.

Looks that are filled with so much adoration and love that they are willing to do everything they can just to be loved back.

Everything. To the point that they're willing to lie and sacrifice one's friendship over boys. Oo, tanga na kung tanga. Mahal ko kasi e! Mamamatay naman na ako, hindi pa ba nila ako kayang pagbigyan?

My body is creating too many abnormal white blood cells and it's ruining my blood formation. Napakasakit. Napakasakit magkaroon ng ganitong sakit.

I wished for a happy ending. I thought I saw myself getting older watching my grandkids run around the backyard with my husband holding my hand. Then, my kids will greet me and reminisce about our sweet memories.

Pero nasira iyon nang malaman kong may leukemia ako. The doctor gave me an option on stem cell therapy, but the probability of me surviving is very low because of my weak body.

Nung nalaman kong may sakit ako. Nabasag ang future na nakikita ko sa sarili ko. Nawala ang lahat ng iyon na parang bula!

Grade 12 na kami ngayon. Graduating. I do not want to be treated. Ni hindi ko nga sinabi sa magulang ko na may sakit ako. Si Drew lang. Si Drew lang ang sinabihan ko.

Nagmaka-awa ako sa kanya na ako na lang ang mahalin niya. Sabi ko sa kanya papatayin ko na lang ang sarili ko kapag hindi niya ako niligawan. Tutal mamamatay lang din naman ako before ko ma-achieve ang life goals ko, bakit hindi ko pa paagahin diba? Wala naman nang purpose ang buhay ko, bakit ko pa patatagalin ang paghihirap ko?

Pero hindi. Nagulat na lang ako nang pumayag si Drew sa naging kondisyon ko. And I know how much he hated me because of it. He hates me, but at the same time pities me. And that fucking hurts so much. Pero nagsettle na lang ako ron.

The Antagonist ✓Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz