Chapter 65

889 35 3
                                    

SAM'S POV

"Kasama na pala sa pagmamature ang pagiging chismosa?"

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko sa sobrang hiya. Kung pwede lang magpalamon sa lupa ay kanina ko pa ginawa. Its really awkward. Basta ang nagawa ko nalang ay tumingin sa pares na itim na sapatos ko, nakayuko.

Ano bang dapat kong gawin? Kainis naman! Ultimo magsalita ay hindi ko magawa! Nakakahiya!

"Just kidding!" aniya habang hawak ang kanyang bibig, pigil tawa.

Gulat man ay hindi na ako nagpahalata. "A-anong nakakatawa?" kamot ulo kong tanong, kataka taka na may pag tawa pa siya nang magtanong ako.

Anong nakakatawa sa ginagawa ko? Eh halos magpalamon ako sa lupa kanina dahil sa hiya. Ibang klase!

"You're too cute to act like that. And beside, hindi yan ang Siera na nakilala ko." kunot noo at mataray na aniya habang nilalakad ang veranda. "Tara dito. " turo niya sa tabi niya.

Nahihiya man ay humakbang ako papalapit sa kanya. Wala ni isang salita ang lumalabas sa bibig ko. Hindi ito ang inaasahan kong mangyari. Sabagay. Lagi namang nangyayari ito. An accident but in a plan always.

"Galit ka ba?" hindi ko na napigilan na lumabas iyon saking bibig. Lalo pa akong kinabahan.  Ngumiti siya sakin.

Yung ngiting lagi kong hinihintay noong mga bata pa kami. Na laging dahilan kung bakit ang madilim kong mundo ay nagkakakulay.

"Pwede namang hindi magalit di ba?" aniya "Pano ba naman nakikinig ka sa usapan ng iba." natatawang panundo niya.

"N-no! Its not what you think. K-kase—" di ko natapos ang sasabihin ko ng matawa na naman siya.

"You don't need to explain." sumeryoso siya after niyang sabihin iyon. "Lagi akong naghahanap ng explanation sa lahat, Siera. Pero laging wala. Pero ngayon parang alam ko na." makahulugang aniya.

Nakikita ko sa mga mata niya ang lungkot. Dahil sa lungkot na iyon pati ako ay nalulungkot. Nakakahawa.

"What do you mean?" I asked.

"Nasan ka ng panahon na nag iisa ako?"

Nagulat ako sa tanong niya. Agad akong tumingin sa mga mata niya pero sa kawalan siya nakatingin. Hindi ko inaasahang itatanong niya iyon. Malayo iyon sa pinag uusapan, kaya hindi ko inaasahan talaga.Wala akong mahilang sagot sa utak ko, pati bibig ko'y tikom. Natahimik nalang ako bigla.

"Every day, every night lagi akong nagtatanong kung bakit hindi tayo pinagtatagpo ng tadhana. Kung magkikita man tayo on a wrong timing naman." nangingilid ang mga luha niya pero natigil ako nang bigla siyang tumingin sakin na nakangiti kaya mas lalo pa akong nailang. "But I'm really happy to see you. Totoo!" nakangiti.

"Jannah" tawag ko sa pangalan niya. "I'm sorry."

"No! Don't" pigil niya sa paghingi ko ng tawad. "You don't have to sorry."

Tumitig ako ng matagal sa kanya habang pinapahid niya ang luha nang nakangiti. Bakit ang sakit makita na umiiyak siya? Ang sakit makita na yung taong mahal ko umiiyak sa mismong harapan ko.

"Ikaw kasi eh!" natatawang turo niya sakin. "Bakit kasi nagpakita ka pa!" tatawa tawang wika niya. "Okay na ako eh!" hagulhol niyang dugtong.

Pinanunood ko siyang umiyak. Wala akong magawa kundi ang tumingin at mangilid ang luha sa mga binitawan niyang salita.

Sobrang sakit!

Saglit kong pinahid ang luhang tumulo sa pisngi ko. Napaka sakit ng eksenang ito.

"You And Me" The Perfect Accident 💕 (Bisexual Story)Where stories live. Discover now