Chapter 69

82 2 0
                                    

Jannah's POV

Alas tres na ng madaling araw pero wala pa din akong tulog. Paano nalang kaya mamaya.

Bumangon ako at kumuha ng tubig sa mini ref na binili ko pa sa Manila. Pumwesto ako sa balkonahe para tanawin sa di kalayuan ang Palasyo.

Sobrang ganda talaga nito twing gabi. Nilagok ko ang tubig na hawak ko at tahimik na nakatingin sa kalayuan.

Napaisip lang ako sa dami dami kong napagdaanan ngayon ko lang narealize na napaka swerte ko pa din kase pang ilang buhay ko na ito.

Simula palang sa walang muwang na highschool days namin. Kung paano ko tinago sa kanya na kilala ko sya nung una palang. Si cotton candy girl. Panahon kung paano nagsimula na may kilig moments. Dalaga days. Kabataan days kumbaga. Kung gaano kasaya pag kasama ang tropa. Kung paano kami lumaban sa mga car racing.

Naaalala ko pa nung araw na sinugod ako sa Hospital pero hindi ako tinanggap kaya lumipad kami papuntang Thailand.

Flashback..

"Sawasdee ka"  bati sakin ng nurse pagka pasok nya sa kwarto ko. *In their language* "malapit ka na pong lumabas, mahal na Adiya." ngiti nito habang inaayos ang dextrose ko.

"Kelan nga ba?" tanong ko dito.

"Last na test nalang po ang gagawin bukas, baka sa sunod na araw po ay lumabas na kayo." ngiti nito.

Maya maya pa'y lumabas na ito pagtapos icheck ang mga vitals ko. Ilang sandali naman ay dumating na sina Dad at Mom.

"Anak, gising ka na pala." halik nito sa pisngi ko. "May dala akong mga prutas na paborito mo, galing pa itong pinas!" excited na aniya.

"Prutas na naman." nguso ko dito at bigla namang sumulpot si Kuya.

"Paano ka naman gagaling kung puro ka gamot dyan sa dextrose mo. Mas better if kakain ka pa din ng fruits to help you na gumaling. Tsk!" sabay baba nito ng kanyang bag at humalik kina Mom at Dad. "Balita ko, ilang araw nalang ay lalabas kana." ngiti nito. Moodswing ba yan?

-,-

Pinagbalat ako ni mom ng apple na dala nya habang sina Dad ay may inaayos na papel. Ano naman kaya yun?

"Dad?" tawag ko sa kanila na ikinalingon nila.

"Hmm?" tanong nito ng ibalik ang paningin sa ginagawa.

"Ano ba kase yang ginagawa nyo?" panay ayos kase sila ng mga papel na di matapos tapos.

Tumayo si Kuya at inabot sakin. Binasa ko naman ito ng maiigi. Subpoena ang nakalagay dito.

"Para kanino 'to? May kinasangkutan ka ba Dad? natawa naman bigla si Kuya. "Anong nakakatawa?" irap ko dito sabay subo sakin ni mom ng apple.

"Para sayo yan." napalingon naman ako dito. Nilunok ko naman agad ang nginunguya ko.

"Anong ako?! Dahil ba sa car racing last month?" Tumango ito.

Ambang tatayo na sana ako ng panlakihan ako ni Mom kaya napatigil ako at ngumuso dito.

"You And Me" The Perfect Accident 💕 (Bisexual Story)Where stories live. Discover now