Chapter 40

1.2K 38 0
                                    

Thina's POV

"Rica, bilisan mo! Malapit na mag eight o'clock pero wala pa dito yung mga kandila! Ghaaaad!"

"Ito na oh! Kakarating lang baby. Wag ng mainit ang ulo!"

"Aba! Kailangan nating i-perfect to! It's a big day! Ay wait---- it's a big night pala!"

"Yea, I know!"

"Yaaaaaan! Already done! How's Sam?"

"Hmm---- let say she's done."

Natapos namin ang pag aayos sa DINNER DATE kuno daw ni Sam. Eh, magpo-propose lang naman siya kay Bessy to be her GIRLFRIEND! Aww, so sweet diba?

Si Jannah, mahal na adiya, Anya my bff is not like other girls na gusto ng mga sweetness etc na yan. Pero dahil sa mga kakulitan ng mga ito. Ako na ang nag set up ng mga kulay at mga pagkain. Dahil nga maarte si Bessy! Syempre char lang yun! I mean no more cheesy.

Tinext ko na din kay Bessy ang address. Madali lang naman itong hanapin dahil bahay na ito ang nag iisang glass house sa Campior Village. Malayo sa Batangas kasi nasa Laguna kami ngayon. Galing diba? Pinalayo ang dinner. Pinalayo ang bahay. Reklamador eh noh? Hahahaha

So ayun nga! Dahil maarte ang lola niyo, ako nag ayos ng lahat lahat pero charot lang! Syempre tinulungan ako ni Baby Shark hahaha. Para sakin it's almost perfect na!

Sa likod bahay lahat naka handa. Maganda ang sa likod bahay. Medyo malaki pero tama lang. Sa kaliwa noon ay meron puno na nakakapag dagdag ng gaan sa pakiramdam. Malawak ang pahingahan, merong mahabang sofa na nakaharap sa daanan papuntang swimming pool.

Nilagyan ko din ng mga kandila ang paligid para mesyo romantic. Mayamaya din ay lumabas na si Rica kasunod si Sam. And OMG! Ang astig niya sa porma niya.

"Woah! May pinag kaiba ba talaga ang Bisexual sa Lesbian? Hahahaha" nanatawang wika ko.

"Let's say Poganda is real!" sabay kindat niya sakin.

"Sige, pag bigyan nalang kita."

"Panget ba? Baduy ba?" Nagkakamot sa batok na aniya.

"Maniwala ka sakin, par. Pogi ka talaga ngayon."

"Magugustuhan niya ba ito?"

"Walang tiwala samin? This night is a big night!" Masayang wika ko sa kanya.

"Kanina pa niya sinasabi yan." Pang aasar sakin ng baby shark ko. Kahit kailan talaga panira siya.

Jannah's POV

Kanina pa ako inikot ng inikot ng tauhan ni Kuya dito sa lintik na village na ito! Pagod at liyong liyo na ako kakatingin sa mga bahay dito.

"Kuya? Iniinis mo ba talaga ako?" Iritang tanong ko.

"Pasensya na Mahal na Adiya pero napag utusan lang po talaga ako." Naiilang na wika niya.

"You And Me" The Perfect Accident 💕 (Bisexual Story)Where stories live. Discover now