"Bakit ba nandito ka ha?! Bumalik kana nga dun! Epal ka ee."

Mukhang dininig naman ng maykapal ang hiling ko at biglang pumito ang coach nila para pabalikin sila sa court.

Inirapan lang ako ni bruha na siyang ikinangisi ko. Bleh! Buti nga sayo!

"So back to our topic Miah. Bakit mo naman nasabing nababaliw kana?" nakahalukipkip na tanong nitong iss.

Napahinga ako ng malalim. "Naguguluhan ako."

"Naguguluhan saan?" kunot noong tanong niya.

Napakamot ako sa ilong ko. Pano ba 'to? Ang hirap naman.

"Sa nararamdaman ko... I guess.. Argh! Hindi ko alam!" frustrated na sagot ko

"Wait" kunot noong sagot niya na tila nag-iisip "Feelings?" pagkaraa'y tanong niya

"Yeah. Alam mo 'yung.. iba ang. ahm.. pakiramdam ko, pag malapit siya."

"Wait. Wait lang. Hindi pa napaprocess ng utak ko. So, anong nararamdaman mo? Saka, kanino?"

Napalunok ako.


"Kay...I-ianthe" nahihirapang tugon ko

Napakunot naman ang noo ko ng makitang abot langit ang ngiti niya. Ano bang ikinatutuwa niya?

"So, tell me. Anong nararamdaman mo kay... Ianthe?" nakangiting tanong niya

Napaiwas ako ng tingin. Hindi ko kayang tumingin kay Jaz ngayon. Pakiramdam ko sobrang pula ko na. Nararamdaman ko din ang tibok ng puso ko, napaka bilis.

"Masaya. Sobrang saya, feeling ko nga nasa alapaap ako pag kasama ko siya." nakayukong sagot ko "Nasasaktan ako sa di malamang dahilan kapag binabalewala niya ko" dagdag ko

She chuckled. "Alam mo naman kasi ang sagot diyan Miah. Ikaw lang nagpapahirap sa sarili mo." nakangiting saad niya

Mabilis akong napatingin sa kanya, kunot noo. Bakit parang mas lalo akong naguluhan?

"You're not crazy Miah. You're not weird. At mas lalong hindi ka tanga para hindi malaman kung ano ba 'yang nararamdaman mo." she smiled "You're just... inlove. You fell in love with her." dagdag niya

Natigilan ako.


Hindi agad naproseso ng utak ko ang sinabi niya.


Ano daw?





Inlove?






Ako?






Kay lila?






Anak ng!





Paano?






"Stop arguing with yourself Jeremiah." she chuckled

"P-pero... pano? bakit?" naguguluhang tanong ko

"Ikaw ang tatanungin ko Miah, paano nga ba?" balik na tanong niya

I sighed. Nagsimula lang naman lahat ng 'to nung unang beses ko siyang ninakawan ng halik. Simula nun, pakiramdam ko kasali na ko sa karera dahil sa pagbilis ng tibok ng puso ko pag kasama ko siya, kapag ngumingiti siya, kapag sinusungitan niya ko.

Kung totoo ngang, inlove ako sa kanya. Ano na? Ano ng gagawin ko?


"Confused ka. Nagtatalo ang isip at puso mo." untag sakin ni Jaz


Craving You Where stories live. Discover now