Chapter 23: Unmasked


The place was all white. The smell of sterilized alcohol, the vague hint of chemicals and the busy people in white laboratory gowns filled the room. Subalit hindi ang mga iyon ang pumukaw ng aking atensyon kundi ang kaawa-awang nilalang na nakakulong sa isang malaking bubog na kahon. Nakatingin sa kawalan, maputla, bagsak ang pangangatawan at nangingitim ang gilid ng mapupulang mga mata. She seemed lifeless but I knew from the shallow heaving of her chest that she was still alive. She fixed her eyes on me when we stopped at her glass cage.

Sinenyasan ng pinuno ang isa sa mga naka-laboratory gown. Awtomatiko namang lumapit ito at may tinype sa pinaka-malapit na computer set. Bumaba ang apat na glass walls na nagkukulong sa nakasalampak na nilalang sa sahig.

"Summer..." Nabasa ko sa ibinuka ng bibig niya. Hindi ako gumawa ng kahit na anong reaksyon. Tiningnan ko lang siya. Kinuha ng pinuno ang atensyon ng lahat ng taong naroroon.

"Ladies and gentlemen, I want you to welcome our beautiful new subject for our experiments on the elixir of life: Summer Leondale. Stronger than our previous human tester here." Bumaling siya sa isa sa mga kasama niyang goons.

"Get that one out of the box. Put her inside another room," wika niya bago hinarap ang taong nagbukas ng glass cage. "Prepare this girl," utos niya at saka iniwan ako sa limang taong naka-laboratory mask and gown. It was really creepy to have this people around you. You'll never know what they'll do to you. F*ck Science!

I felt the vague sting of a needle on my arm. Kumpara sa nararamdaman kong sakit sa sugat sa aking binti ay wala itong binatbat. They pushed me inside the big glass cage at inihiga ako sa white bed na nasa gitna. They took me out of my ball gown at isinuot sa akin ang isang puting duster or whatever they call it. Sa buong prosesong iyon ay hindi ako nagbitaw ng salita. I just really hoped that Mirden would be fine. Mapapahinga na siya sa lahat ng experiments at drogang ibinigay sa kaniya. I wished that I had given her enough time to recover. And as for me... gusto ko na lang magpasalamat sa mabigat na antok na pilit nagsasara sa talukap ng aking mga mata. Nagpadala ako sa sensasyon hanggang sa tuluyan na akong lamunin ng kadiliman at kawalan.

I inhaled deeply. I suddenly felt the need to breathe in. I was suffocating. I was alive. And suffocating. My head seemed as if it could burst any moment. I opened my eyes. Subalit hindi tiyak ang nakikita ko. Gusto kong iluwa ang eyeballs ko upang maka-aninag ng kahit na anong kulay maliban sa puti.

"Regular heartbeat..."

"Pulse rate..."

"She might die..."

Puro mga boses na tila nasa malayo ang nadidinig ko. Some of them sounded like continuous buzz in my ears. Iilan lang ang naiintindihan ko.

"Try to revive her..."

"She's perfect for this!"

"We don't need any other substitute..." I can't feel anything subalit bakit tila nagkakalasan ang lahat ng buto ko sa katawan? I felt like I was being forced to move out of my own will and I was moving and doing something, but I have no knowledge of whatever it was.

Montello High: School of Gangsters (Published under Cloak Pop Fiction)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!