CHAPTER 9

114 9 0
                                    

CHAPTER 9

Adam's Point Of View

12:05 PM


"Oh, Saan ka pupunta, pre?" Tanong ni Anton sa'kin.

Nilingon ko ito saglit at pinatuloy ang aking paglalakad.

"Uwi na, May lakad pa ako ngayon." Sabi ko naman at mas binilisan ang paglakad. Kailangan mauna ako do'n kaysa sa magkakaibigan, Nakakahiya naman kung ako pa ang magpapaantay eh, ako 'yong lalake.

Kukunin ko na sana ang supot ko sa gilid ng bigla akong hinarangan ni Chacha na may dalang papel.

Napatingin naman ako dito. Nakangiti itong nakatingin sa'kin.

"Bakit?" Tanong ko dito at kinuha ang supot na dala ko.

"May isa pang unit na darating dito dahil mas mabilis na ang trabaho ngayon sa Gaanao. Walo lahat ang babalik dito kaya may isa pang track ang kailangang kargahan ng mais, Love Mrs. Clinton." Nakangiting sabi ni Chacha sa'kin. Tumingin naman ako sa malayo, Puta.

Dali-dali kong ibinaba ang supot ko at bumalik na sa Bodega, Pucha naman! Napapabuntong hininga nalang talaga ako.

"Wait, Adam Pogi!" Bigla kong narinig kay Chacha. Nilingon ko naman ito at nakitang sinisinyasan ako nitong lumapit. Tinignan ko naman ang hitsura nito, Puta talagang bakla 'to trip talaga ata ako, Di ko nalang pinansin at agad na pinatuloy ang paglalakad pabalik. Iniisip ko palang na pinaghihintay ko si Dewei at inip na inip na ay hindi ko masikmura, Puta talaga.

Dewei's Point Of View

1:21 PM

"Ugh...Looks like malungkot ang inang kalikasan natin ngayon." Malungkot na sabi ni Jerilin.

"Buti nalang at masasarap ang kanilang pagkain dito, Kung hindi ay baka kanina ko pa gustong umuwi. Bakit ba ang tagal ng suitor mo, Dewei?" Naiiritang sabi ni Karen sa'kin while drinking her sweet n' sour mango with cream.

Kanina pa kasi kami nandito sa bagong bukas na cafe. Desidido talaga silang makilala si Adam, Hays.

"Just tell me if he can't go now kasi baka may work naman 'yon sa warehouse na sinasabi mo." Sabi naman ni Marc na halatang nagtitimpi na rin.

Magsasalita na sana ako ng biglang may pumasok na matangkad na mukhang hilaw na foreigner, Hilaw kasi moreno. Hindi nga ako nagkamali, Dumating siya!

"G-guys, N-nandito na siya." Mahina kong sabi habang patuloy na tinitignan ang lalakeng papasok ngayon sa cafe. Nakatalikod kasi ang grupo dito kaya hindi nila nakita.

"Shit sino 'yan?"

"Hala, si fuckboy nandito."

"O my god, Nandito si Baby boy!"

"Fuck ang kisig naman talaga!"

Isa lang 'yan sa mga naririnig ko sa loob ng cafe. Hindi ko masyadong naririnig ang mga bulong-bulongan nila pero halatang head-turner talaga ito, Ang gwapo niya talaga! He is wearing a blue shirt na hapit na hapit sa kaniya, Hulmang-hulma ang hugis ng kaniyang katawan, Tapos ay naka black denim maong ito. Swerte naman ng mapapangasawa nito, Gwapo na mabait pa! Shyt!

He's InLove With That GayWhere stories live. Discover now