CHAPTER 7

111 7 1
                                    

CHAPTER 7


Dewei's Point Of View

"'Nak? Gising na! Alas siyete na!" 

"Ahhhmm!" Pag-protesta ko dito, Alam naman nilang ngayon nalang ako bumabawi ng tulog, eh. Tsk.

Nakarinig ako ng tatlong magkakasunod na katok sa aking pinto.

"Anak! Dewei! May bisita ka!"

Bigla kong naimulat ang aking mga mata sa sinabi ni Mama.

"Maaa!?" Sigaw ko dito. I get up from my sleep and checked my face. Tuluyan na akong bumangon at tinatamad na tinungo ang pinto ng aking kwarto. Binuksan ko ang aking pinto na hindi pa nakakapag-ayos kahit ano.

"Ma, Alam mo isturbo ka. Gusto ko pa pong matulog eh, Bukod sa pagod ako sa school eh pinuyat ako ng Lalakeng 'yon kagabi. Maaaa!! I need freedom! Kahit ngayon lang!" Nagdadrama kong sabi dito.

Katahimikan.

Kahit gusto ko pang matulog ay iminulat ko ang naka-sarado kong mata dahil wala talaga akong narinig na sagot mula dito.

"Ano ba m---"

Bigla akong natuod sa aking kinatatayuan ng makita kung sino ang nasa harapan ko ngayon.

Si mama na mukhang pinipigilan ang tawa. Tapos si Adam! Si Adam sa kaniyang likod na bahagyang nakabukas ang bibig at tutok na tutok sa aking kaayusan! Motherf--

"Anak, Nandito si Adam. Aalis kami ngayon ng Papa mo dahil kasal ng Tito Julian mo ngayon. Hindi ka naman sasama hindi ba?" Nakangising sabi ni mama habang tinitignan ako. Ako naman ay parang naging statue dahil hindi ko alam ang gagawin. Shit, Bakit nandito ka!? Hindi ko pinagtuonan ng pansin si mama dahil ang aking paningin ngayon ay nasa likod nito.

Ang gwapo mo talaga, Lalake ka! Nakakalaglag brief!  

Wala sa sarili kong hinawakan ang door knob at  mabilis na isinara 'yon. Pagkasara nito ay napasandal ako dito.

Narinig ko pa ang malakas na pagtawa ni Mama dito. Waaaaahhhh!

"Oh, Anak. Ikaw nang bahala jan, okay? Alagaan mo 'yang mabuti, huh!? Magpapagabi kami ngayon dahil importanteng araw 'yon ng kapatid ko. Oh siya Una na kami." Narinig kong sabi ni Mama kay Adam. At ano daw? Anak!?

"Sige po, 'ma. Ingat po kayo sa daan." Narinig ko ang baritonong boses ni Adam na sinabi 'yon kay mama. Isang tatlong magkakasunod na katok ang narinig ko sa aking pinto, nakasandal paren ako.

"Hoy, Anak. Alis na ako at hinihintay na ako ng papa mo sa kotse. Pakabait ka." Sabi sa'kin nito at narinig ko na ang kaniyang mga yapak palayo sa pinto ng aking kwarto.

Nag-hintay ako ng ilang minuto. Narinig ko pa ang pugak ng kotse namin at tuluyan na itong umalis sa bahay.

Now what?

"A-ahh.." nakarinig ako ng tatlong mahihinang katok sa aking pinto. Impit akong Napapikit.

"D-dewei? Good morning! P-punta muna akong kusina huh? S-sinabihan kasi ako ng m-mama mo na magluto ng pancake? M-magluluto lang ako p-para sa a-almusal mo." Rinig kong sabi nito. Inayos ko ang aking sarili. Pinihit ko ang door knob at dahan dahan itong binuksan. Bumungad sa'kin ang nakakagat labing si Adam. Ang mga kamay nito ay nakatago sa kaniyang likod. He looks stunning in his simple pambahay na damit, white loose sando na ang hiwa sa gilid ay halos makita na ang katawan nito. YUMMY! At basketball shorts. HOTTY! Ugh. Hindi rin nakaligtas sa'kin ang kaniyang mabalbong binti! Just What did he do in the past to deserve all of this look? Ako kasi, I already predicted na baka ako ay isang nilalang na may tanggad na 6'10" kaya sobra na ang nabawasan ngayon, 5'4". Haha.

He's InLove With That GayWhere stories live. Discover now