CHAPTER 2

207 13 2
                                    

HE'S INLOVE WITH THAT GAY:
CHAPTER 2

Adam's Point Of View

Kumuha ako ng di-plastik na baso at inilagay ang tubig na mula sa pitsel. Pagkatapos ay ininom ko ito habang nakatingin pa rin sa magandang nilalang na may kung ano'ng kinakalikot sa kaniyang mamahaling telepono. Ewan ko at hindi ko maialis ang aking paningin sa kaniya. Pagkatapos kong uminom ay nagpa-salamat ako kay Chacha sa kaniyang libreng pagkain. May binigay pa itong isang daang peso sa aking kamay at marahang pinisil iyon. Ayon oh, napangisi ako sa aking nasaksihan. May yosi nanaman mamaya.

Ngumiti ako at nagpasalamat sa kaniya na sinuklian ako ng ngiti at kinindatang muli, Puta kang bakla ka.

Pagkatapos noon ay lumabas na ako ng karinderya. Tinignan ko ang taong kanina ko pa ino-obserbahan, Nandoon pa rin ito at halatang may pinagkaka-abalahan. Puntahan ko kaya?

Teka. Kinuha ko muna ang aking lumang supot sa isang tabi. Pagkatapos kong makuha ito ay pinagpag ko muna. Kinuha ko ang puting sando sa aking balikat at muling isinuot. Tinignan ko ang supot na hawak ko, Hahawakan ko na lang ito. Muli akong tumingin sa lalake. Napalunok ako ng dis-oras.

Dahan dahan akong pumunta sa kaniya. Ugh, isinukbit ko ang aking supot sa likod at inilagay ang aking mga kamay sa bawat bulsa ng aking maong na kalsonsilyo. Kinakabahan ako na hindi ko maintindihan, Brad! Lalake lang 'yan? Ano'ng nangyayari sa iyo? Nang malapit na ako sa direksyon nito ay bigla itong napatingin sa gawi ko. Natigilan din ako. Nagtama ang aming mga mata.

Ano itong nararamdaman ko? Napaka-bilis ng pagtibok ng aking puso na animo'y may karera. Huminga ako ng malalim at tumikhim. Inayos ko ang aking pagkakatayo. Pinunasan ang namumuong pawis sa aking noo at inayos ang medyo mahaba kong buhok na tinatakpan ang aking mga mata. Naiilang akong ngumiti dito. Tumaas ang isang kilay nito na mas lalo kong ikinakaba.

Paktay na, Adam.

"H-hi?" Puta ka, Adam. Napaos ata ako.

"Hello?" Nagtatanong nitong tanong sa'kin. Langit. Langit ang aking nadarama ng binigkas niya ang salitang 'yon. Akala ko gano'n ito kasungit, Hindi naman pala. Huminga ako ng malalim at ngumiti dito. Gusto kong magpakita ng pagkagandang lalake ko sa kaniya, hehe. Alam ko kasing bakla ito basi sa kaniyang pagsasalita. Ang ibig kong sabihin, Hindi naman gano'n ka bakla ang kaniyang tinig ngunit sapat na upang maramdaman ito. Ako pa ba? Maraming bakla ang nagbibigay ng motibo sa'kin. Pero sabi ko nga, wala ako'ng pinatulan sa kanila. Kaya halos alam ko na bawat galawan ng mga baklang may motibo sa akin.

Medyo lumapit ako sa kaniya pero sinisigurado kong may espasiyo sa pagitan namin, mahirap na'ng maamoy nito ang pawisan kong katawan at baka layuan pa ako.

"Ako nga pala si A-Adam." Nakangiti kong sabi dito.

"Hoy brad! Pucha dumadamobs ka ba diyan?! AHAHAHAH" narinig kong sigaw ng isang trabahador sa gilid at nagtawanan pa ang mga kasama nito.

"Gago ka, Anton." Natatawang sabi ko dito. Napatingin ako ulit sa lalakeng kaharap ko. Nakatingin ito ngayon sa'kin na parang naaaliw. Naaaliw? Whoa. Napakamot ako sa batok ko, Nahiya ako bigla sa tinuran ko. Bweset.

"A-ah, A-ano'ng pangalan mo?" Nauutal kong sabi dito habang pinagpatuloy ang pag kamot ko sa aking batok, wala namang makati. Sadyang ugali ko lang ang gawaing ito kapag nahihiya ako.

Ngumit ito ng pagkatamis-tamis at inilahad ang kaniyang kamay. Natigilan ako, Puta ang puti talaga.

"Dewei" nakangiting sabi nito sa'kin habang nakalahad ang kaniyang kamay sa'kin na wari ay makikipagkamay.

Napangiti ako ng malawak, hindi ko napigilan ang aking mga labi na ngumiti ng malawak. Inalis ko ang aking kamay sa batok ko at pinunasan ito ng aking puting sando. Nakakahiya't baka madumihan ito. Hindi ko naman nalimutang hugasan ang aking mga kamay pagkatapos kong kumain kanina pero baka sakali lang, hehe.

He's InLove With That GayWhere stories live. Discover now