CHAPTER 5

117 9 0
                                    

CHAPTER 5


Dewei's Point Of View

Pagpasok ko ng bahay ay tsaka ko lang naalalang kasama ko pala si Adam. Shit. Tinignan ko si Mama, wala na ito. Siguro nasa kusina. Dahan-dahan kong sinilip si Adam at papa galing dito sa pinto. 'Yong ulo lang 'yung makikita.

Nakita ko ang isang Adam na nakakamot batok na parang may sinasabi kay papa tapos si papa naman ay nakikinig lang. Mayamaya lang ay naglakad sila papunta dito. Hay, salamat. 'Kala ko kung ano ng gagawin ni papa dito. Though wala namang masama do'n pero hoy, Bakla ako. You know? Nagdala ako ng lalake sa bahay. Not that, i am saying na hindi na pwedeng makipagkaibigan ang mga bakla sa lalake. Pero kasi ang reyalidad ay reyalidad. Kuha mo? Bahala nga kayo jan.

Pumunta muna ako sa kwarto ko para makapagbihis. Pagkapasok ko ng kwarto ay agad kong ibinaba ang aking bag sa bed. I sat at the edge of my bed. I sighed deeply.

Pagkatapos kong mag-ayos ng aking sarili ay bumaba na ako. Naabutan ko sina papa at Adam na nanunuod ng action movie sa Netflix. Napatingin sila saakin ng pumunta ako sa salas para uminom.

"Tagal mo talagang magbihis, 'nak. Para kang dalaga." Asar ni papa sa'kin na tinawanan naman ni Adam. Tinignan ko ng masama si Adam, bigla itong natauhan at tumikhim. Tsk.

"Hindi naman po, pa. May inayos lang po sa loob." Sabi ko kay papa at pumunta sa kusina kung saan si mama nagluluto ng hapunan. Bigla akong nagutom sa sarap ng amoy, ah.

"Hi, ma. Sabi ko na nga ba't sinigang 'yong naluluto mo." Nakangiti kong sabi kay mama habang abala ito sa pagluluto.

"Oo, anak. Kaya kumuha kana ng mga pinggan at kakain na tayo." Sabi nito sa'kin. Om-oo ako dito at kumuha na nga ng apat na pinggan sa gilid.

Nandito kami ngayon sa hapag-kainan. Tahimik na kumakain, Magkaharap kami ni Adam. Sa kanan ko si Mama at sa gitna naman si papa. Pinapakiramdaman ko si Papa at mama. Mga tunog lang ng kutsara at tinidor ang payapang umaalingawngaw sa loob.

"Sino ka nga ulit, iho?" Biglang tanong ni papa sa gitna ng katahimikan. Tumingin si Adam kay papa.

"Ahh..Ako po si..Adam." magalang na sabi nito kay papa. Tumango-tango naman si papa.

"Ilang taon kana?" Tanong naman nito.

"Beinte seis, po." Sagot naman nito.

"26." dinig kong bulong ni mama. Napatingin naman ako dito, Patuloy lamang na kumakain.

"Taga saan ka, iho?" Tanong naman ni Papa.

"S-sa kabilang kanto po, Barangay Maaliwalas." Sagot nito.

Tahimik ulit. Bumalik nanaman ang katahimikan pero 'di gaya kanina ay hindi na ganoon ka init ang atmosphere.

"Ano'ng trabaho ng mga magulang mo?" Tanong ni papa.

Tinignan ko si Adam. Uminom ito ng tubig at ibinalik sa gilid ang baso.

"Wala na po akong magulang simula no'ng ako'y sampung taong gulang." Sabi naman nito, natahimik si papa sandali.

"Pasensiya na sa pagtatanong, iho. Gusto ko lang malaman ang mga tao sa paligid ng anak ko, Alam mo naman ang panahon ngayon. Hindi naman siguro lingid sa ating kaalaman na ang mga gaya ng anak ko ay inaabuso at pinagsasamantalahan ang mga pakiramdam nila para sa pansariling kagustuhan." Mahabang sabi ni papa with concern look.

Tinignan ko si papa na nakatingin ngayon sa'kin, pati si mama. Ngumiti sa akin si papa. Naikagat ko ang aking ibabang labi, Kaya mahal na mahal ko ang pamilya ko. Tanggap nila ako.

He's InLove With That GayWhere stories live. Discover now