Tumapat ako sa electric fan at nagpatuyo ng buhok. Nang makuntento ay humarap ako sa maliit na salamin at nagsuklay ng buhok. Naglagay ng kaunting liptint sa labi para hindi magmukhang maputla. Ito lang ang mayroon ako at wala nang iba. Galing pa 'to kay Jea dahil aniya ay maganda daw ako pero dahil maputla ay hindi napapansin gaano kaya binigyan niya ako nito.







Nang makuntento sa itsura ay tumayo na ako at kinuha ang cellphone ko para tignan kung may text ba sila. Sakto naman no'n ay may kumatok, hula ko ay si Mr. Wren na 'to.






Pagkabukas ko ay tama nga ang hinala ko, andito na si Mr. Wren para sunduin ako, "Good morning," bati niya sa akin.





"Good morning sir, happy birthday ulit!" I replied with all smiles. Nabati ko na siya kaninang 12 midnight kaya binati ko nalang ulit siya ng personal ngayon.




"Thanks," he chuckled, "You looked wonderful," dagdag niya.






"Bola ka, Sir! Sandali kukunin ko lang ang bag ko" wika ko at tumuloy sa loob. Nang makuha ang pakay ay tinignan ko muna kung may mga nakasaksak pa bago ako dumiretso sa pinto at ini-lock 'yon.





Ibang sasakyan ang dala ni Mr. Wren isang itim na SUV, marahil iisang sasakyan lang ang sasakyan naming lahat.




Pinagbuksan niya ako ng pinto, pagkapasok ko ay nakita ko agad si Leon. "Good morning, Angel!" bati niya sa akin.



"Good morning,"





Nag makapasok at tumabi na sa akin si Mr. Wren ay nagsimula nang umandar ang sasakyan.





Si Diego ang nagd-drive habang si Zach ang nasa passenger seat. si Leon naman ay nasa likod, ewan ko nag e-emo ata.







Nakarating kami sa isang rest house na tabing dagat. Pag mamay ari daw ito ni Mr. Wren. Grabe, parang all around the world ang mga ari-arian nito ni Mr. Wren.








Isa isa kaming bumaba at dumiretso sa likod ng SUV para kuhain ang mga dalang gamit at pagkain. Kukuhain ko na sana ang isang basket nang may umagaw nito.






"Kaya na namin 'to Angel. Sundan mo nalang si Mr. Wren sa loob, nauna na."






Tinanguan ko nalang si Leon bilang pag sang ayon. Naglalakad ako habang pinagmamasdan ang kapaligiran. Sobrang nakakarelax ang lugar na 'to. Maginhawa sa pakiramdam ang nalalanghap mong hangin. Marahil ay dahil sa tabi ito ng dagat at mapuno ang paligid.










Pagkapasok ko sa resthouse ay bumungad sa akin ang minimalist style na loob nito. White with a touch of black ang makikita mong kulay ng mga dingding. Habang ang mga kagamitan naman, karamihan ay wooden furniture maliban sa sofa na gawa sa leather.






Dumiretso ako sa kusina matapos pagsawain ang mata sa pagtingin sa paligid. Binuksan ko ang refrigerator at nakitang may mga stocks do'n. Kinuha ko ang isang pitsel ng tubig at nagsalin sa isang baso para pawiin ang uhaw na nadarama.









Napadako ang tingin ko sa glass sliding door na katapat ng dining room. Agad akong lumapit do'n at saka dahan dahan iyong binuksan.








Napangiti ako sa nakita. Tulong tulong silang nag aayos habang nagkukulitan. Napatingin ako sa banda ni Mr. Wren na kunot na kunot ang mga noo habang nakatingin ng masama kay Leon na nagsasalita at malamang ay inaasar siya. Samantalang sila Diego at Zach naman ay walang humpay ang tawanan kaya marahil gano'n nalang ang sama ng itsura ni Mr. Wren.








Pinagmamasdan ko sila ng hindi nawawala ang ngiti sa mga labi nang mag angat ng tingin si Mr. Wren sa banda ko. Marahil nakaramdam siya na may mga matang nanunuod sa kanila.








Nang magtama ang paningin namin ay nginitian ko s'ya. His eyes gleamed as his lips curved into a smile.







Dahan dahan akong lumapit not breaking our eye contact. Sa huli, ay ako na ang sumuko at umiwas ng tingin. I heard him smirked and I can still feel him staring at me.







Tumulong akong humanda sa kanila para mabilis matapos. Saktong magl-lunch na nang matapos kaming mag ayos ng mga dala. Nakapwesto kaming lahat sa isang pabilog na lamesa. Habang ang mga pagkain at inumin ay nakalagay sa kabilang lamesa.











Masaya kaming nagkukwentuhan habang kumakain. Tawa ako ng tawa sa mga kabaliwan ni Leon. Si Mr. Wren naman kahit hindi tumatawa ay nakikita ko sa mga mata niyang masaya siya.









Nang sumapit ang alas tres ay agad na tumayo si Leon at in-excuse ang sarili niya. Maya maya ay dumating siyang may dala dala. Hindi malinaw sa mata ko ang dala niya. Ngunit nang makalapit siya ay napangisi ako ng malaki sa nakita.








Mayroon siyang dalang party hat na may disenyong spiderman. Saka ito isa isang ibinigay sa amin. Masaya ko namang isinuot ito. Samantalang si Mr. Wren ay abala sa pagt-type sa laptop niya. Nag abot pa si Leon sa akin ng isang party hat at inginuso ang banda ni Mr. Wren. Gusto niya atang ako ang magbigay.








Walang patumpik tumpik ko itong kinuha at iniusog ng mas malapit ang upuan sa tabi ni Mr. Wren kaya naman napatingin siya sa akin. Agad kumunot ang mga noo niya nang mapadako ang paningin niya sa suot suot ko.








Nakangiti kong inangat ang hawak hawak na party hat na para sa kanya at saka maingat na isinuot sa kanya. Naramdaman kong nabigla siya as his body stiffened at my sudden move. Nang maisuot sa kanya ng tuluyan ay tinapik ko ang balikat niya at dahan dahang sinara ang laptop sa harapan niya, "Tama na muna ang trabaho Mr. Wren, it's time for you to relax and enjoy. Birthday mo ngayon kaya mamaya na 'yan."








He sighed. "I told you if we're not in the work you can call me Nathaniel or Nate, anything you want." Sinuklian ko nalang ng ngiti ang sinabi niya.








Tumingin ako sa banda ni Leon na kasama si Diego. Dala dala ni Leon ang cake habang si Diego naman ay nakatakip sa kandila para hindi mamatay ang apoy nito.







Walang dalang cake kanina si Mr. Wren kaya pakiramdam ko ay sila Leon ang may pakana nito. Napangiti ako sa naisip.









Then Leon gestured to me something na agad ko namang nakuha. I started singing,






Happy birthday to you
Happy birthday to you

Happy birthday happy birthday
Happy birthday to you~








Sabay sabay naming kanta habang masayang pumapalakpak.







Nang matapos kumanta at nasa tapat na ni Mr. Wren ang cake na hawak nila Diego.








"Blow your candle, Nate!" Leon said in a playful tone.







"What the fuck I am? a 7-year-old?" he hissed, "I am already 28, fuckers. In case you forgot," he added and rolled his eyes.








Tumingin sa banda ko si Leon na animoy nagsusumbong. "Angel oh, ang arte ni Nate." napatawa ako sa way ng pagsasalita ni Leon. Akala mo ay inaway eh.








I turned my gaze at Nate's side. Akmang magsasalita palang ako, when he sighed in defeat. "Okay, I will blow that damn candle, fuck."









Nagbunyi naman ang tatlo na akala mo ay nanalo sa lotto.








Lumapit ako sa tabi niya at saka tumingala. "Happy birthday, Nate," nakangiting bati ko.





He stares at my face and slowly a smile plastered on his face. He reached for my cheeks and caress them. "Thank you."





The Devil's Angel (ON HOLD)Where stories live. Discover now