Part Twenty- Four

Start from the beginning
                                    

"Pwede na," sabi ko sa kaniya at muling sumubo. Narinig ko naman ang pagtawa niya kaya kinunotan ko siya ng noo.

"Ang kalat mo kumain." Sabi niya sabay pahid ng gilid ng labi ko.

Nang matapos kami sa kanin ay tinikman ko naman ang foamy frappe niya.

"Ang sarap naman nito!" Sobrang saya ko na sabi.

"Alam ko kasing coffee person ka. Kaya I made one, signature ko 'yan!" Pagmamayabang niya sa akin tumango-tango naman ako.

"Pwede ka na magpatayo ng coffee shop." Sabi ko sa kaniya sabay higop ulit.

"Bakit naman? Ayaw mo ba na ikw lang nakakatikim ng foamy frappe ko?" Sabi niya nang nakangiti. Bigla namang bumagsak ang balikat ko at malamyang ngumiti. Marahan kong pinaglaruan ang tasa na nasa harapan ko.

"Para kapag naghiwalay tayo, bibisita ako sa coffee shop mo. Kasi for sure, mamimiss ko lahat ng 'to." Sabay tingin sa mata niya. He's looking at me too, I could see sadness and longing in his eyes.

"Ang nega! Pero ano, uhm, ikaw naman ang bahala-" I was cut off when he pressed his lips to mine.

"Wanna go outside for a walk? The sun's almost setting na rin, might as well watch the sunset?" Napatingin ako kay Timo na nagkukuskos ng buhok niya gamit ang tuwalya.

"Huh? Ah- oo, sige. That would be nice." Tipid kong tugon at tumayo mula sa kama.

"Okay ka lang?" He went near me pero agad akong lumayo ng kaunti. Hindi ko alam, ayoko lang ng malapit siya ngayon.

"We should get drinks. Maganda mag-inom sa tapat ng dagat, since it's not prohibited naman, as long as hindi magswimming." Hindi niya pinansin akong ginawa kong paglayo, at tinalikuran na niya ako para isabit sa rack ang tuwalya.

"Tara?" He offered his hands, tinignan ko lang ito.

"I- uh, s-sige tara na." Nauna na siyang naglakad papalabas ng room at sumunod naman ako. Kumuha na rin siya ng drinks at siya na rin ang nagdala. Hindi niya ako kinausap, napansin niya na ayaw ko ng kausap.

"Hay... buti na lang hindi mainit ang buhangin." Sabi niya nang maka-upo sa buhangin. Agad akong umupo sa tabi niya at binuksan naman niya ang isang can ng beer.

"Are you okay?" Tanong niya ulit sa akin sabay abot ng beer sa akin. Tinanggap ko 'yon at hinawakan ng dalawang kamay. Yakap ang aking tuhod, hawak ang beer sa dalawang kamay, tumingin ako sa karagatan at tipid na ngumiti.

"Yeah..." Sabay lagok ng beer.

Silence filled the atmosphere, tanging ang tunog ng waves at mga mumunting mga tawanan mula sa kalayuan ang naririnig. Parehas lang kaming nakatingin sa dagat, the sun's so beautiful. It's already setting, nagsisimula nang maging kulay kahel ang kalangitan...

"When did you find out that you were gay?" Hindi ko siya nilingon nang tanungin ko iyon.  Napatingin ako sa hawak kong beer, kinakabahan ako. I started playing with my fingers. Nanatiling tahimik ang paligid, that's when I realized na Timo is just staring at me.

"I- sorry... huwag mo na lang sagutin-"

"Hindi ko alam..." He drank from the can before talking again, "Eversince I was a kid, mga aroun 4? or 5? Hindi ko sure, pero that time, I knew na something is different. Nagustuhan ko rin naman noon ang mga baril-barilan na mga laruan, pero mas nanaig 'yung pagkagusto ko sa mga pink na bagay. I don't know if Mom and Dad noticed that, pero dahil sa takot ko noon, I never mentioned to them how obsessed I was with pink." Mahina siyang napatawa sa kuwento niya. Hindi ko rin maiwasang matawa ng mahina, it was cute and scary.

"Then in high school, I tried courting girls, pero it didn't last. Hindi ko kaya, hindi ko maimagine. I never thought of myself being clingy and all with a woman. At saka, may crush ako sa room... lalaki." I lifted my beer and drank it.

"That's when I started getting confused. Everyday, when I wake up, 'yung fact na may gusto ako sa lalaki kong kaklase ang bumubungad sa isipan ko. Nabalot ako sa takot. Then I started having gay friends, girl friends, boyfriends..." Huminga siya ng malalim bago tumingin sa akin.

"Why did you ask?" I pursed my lips then gave him a smile.

"Wala naman..." He then faced me.

"Seriously though, anong meron? Bakit parang bigla kang nawala sa mood? Are you okay? Hindi ka ba nag-enjoy? We still have tomorrow to enjoy the vacation-" I put my canned beer on the sand and held Timo's hand, "Timo..."

"Yes?" Taas kilay niyang sabi, he's looking at me intently.

"Timo... I-" I was hesitant. Sasabihin ko ba? Natatakot ako. Nilalamon nanaman ako ng kaba at takot. What if things turn out not so right...

"Ano 'yon? You can say anything to me Sky..." Binitawan niya ang hawak niyang beer at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Cold hands were welcomed.

"I-" I looked at him in the eyes, I could see his eagerness to know what is running in my mind. Mariin akong pumikit and then I slowly opened my eyes, seeing him still looking at me.

"I love you..." I said with full of emotions.

I saw how his eyes widened. I felt my heart dropped. Ano nang mangyayari?

"I-I like you too..." He was hesitant. I can feel it. Marahan kong tinanggal ang mga palad niya sa mukha ko at muling tumingin sa dagat.

"You're hesitant. Hindi ka sure." Sabi ko sa kaniya sabay abot ng canned beer at nilagok ito. Naramdaman kong nataranta siya at akmang hahawakan ako pero agad akong umiwas.

"H-Hindi, sure ako. I-I know what I feel..." Naging mahina ang huli niyang sinabi kaya malungkot akong napangiti.

"No, you are not."

"Bakit ba mas alam mo pa nararamdaman ko? Gusto nga kita!" Ramdam kong naiinis na siya sa akin kaya hinarap ko siya.

"Mahal kita." I said looking at him, "that's how you say things that you are not hesitant of."

Muli akong umiwas ng tingin, hindi ko na rin narinig na nagsalita si Timo. Malalim akong huminga bago nagsalita.

"Hindi ko talaga ineexpect na I will confess to you Timo." Hindi ko siya nilingon at muling nagsalita, "I just feel lang this is the right moment and may karapatan ka rin naman malaman ang nararamdaman ko para sayo. Hindi ako umamin sa'yo ngayon para mahalin mo ako pabalik at ipaglaban mo ako."

"P-Pero... g-gusto kita..." Marahan akong umiling at ngumiti.

"Hindi, nagulat ka lang. Kilala kita, you were always sure about how you feel. You never stutter whenever you say that you like or love someone. You're always sure."

"P-Pero gusto ko itry. G-Gusto ko..." Sabi niya sabay lagok ng beer.

"This is not the right time."

Silenced filled the area again as I say those words. I opened another can at drank it.

"Alam mo 'kung anong pinakamabisang formula ng love?" I could feel him looking at me, pero hindi ako tumingin pabalik.

"Timing..."

"When everything's in timing, there are no worries. And us, is not on the right time." Thinking of Gerald and Kyro, I really wonder why. Bakit kailangan na dumating pa sila.

"Then, when?" Nagkibit balikat lang ako bilang tugon.

"I don't know. Maybe next year? 2 years? 4 years? We don't know." Naiiyak na sabi ko sabay tingin sa langit.

"I will wait. Even if the right time for us means next life, I will still wait. And by the time that we will meet again in the future, with who knows when, I'll be sure that I'm inlove with you."















•••

A/N: leave some thoughts mga bb, i need inspirations

Undefined AmourWhere stories live. Discover now