Part Twenty- Four

1.5K 73 21
                                    

Yerisan Sky

Two weeks is almost over. Sa bawat araw na dumaan, oras, minuto at segundo, Timo did his best to make every second a memorable one. No regrets, full of happiness.

"Manong san po papunta sa palengke na malapit dito?" Hawak-kamay na lumpit kami sa isang matandang naka-upo sa labas ng bahay niya. Nandito kami ngayon sa may main road sa may resort. Napagdesisyunan namin na mamalengke ngayon, he'll cook daw.

"Ay nako hijo, hindi niyo malalakad iyon. May sasakyan ba kayo?" Sabay paypay ni Manong sa sarili niya. Ang init kasi ngayon, hindi na ako nagtaka na marami ang nakatambay sa labas ng bahay nila dahil nakakabanas sa loob ng bahay.

"Ay naiwan ho namin sa resort, akala ho kasi namin malapit lang." Kamot batok na sabi ni Timo na ikinatawa ko.

"May malapit po ba na sakayan dito?" Tanong ko rito at tumango naman si Manong.

"May mga padaan-daan naman na mga jeep dito. Kapag may plaka na 'Bayan' ang jeep, magpara kauo at magpahatid kayo ron." Tumango-tango naman kami ni Timo at nagpasalamat na rin kay Manong.

"Medyo scary si Manong." Umaklang sabi ni Timo sa tabi ko. Napatawa naman ako sa sinabi niya. Kaya pala mukhang kabado kanina.

"Kaya pala para kang natatae kanina HAHAHA!" Pang-aasar ko pa rito. Inirapan naman niya ako at inakay na sa may gilid ng kalsada para pumara ng jeep.

"Hindi naman! Ang init lang din talaga." Tumango na lang ako bilang tugon at agad kaming napatingin sa paparating na jeep. Buti na lang may plaka na 'Bayan', hindi na kami mag-iintay ng mas matagal pa.

"Huwag kang malikot! Nakatingin sina ate, ang gaslaw-gaslaw mo." Pangangaral ko kay Timo na nangungulit sa tabi ko. Namimili kami ngayon ng pwedeng maluto niya.

"HAHAHA takot ka lang sa itsura ng hilaw na tilapia e." Inirapan ko naman siya at nagkunwaring nagtitingin ng gulay.

"Ang aliwalas niyo naman tignan. Bagong kasal?" Tanong ng tindera sa aming dalawa.

"Ay nako hi-"

"Opo, bagay kami 'no?" Tila lumundag ang puso ko nang maramdaman kong umakbay sa akin si Timo sabay sabi ng linyang 'yon.

"Oo, sobra! Ngayon na lang ulit ako nakakita ng mag-asawang bata pa't napakaganda ng hungis. Tiyak na kapag kayo'y nagkasupling ay napakagandang bata ang mayayari." Tuwang-tuwa na sabi 'nung Ale.

"Sky! Luto naa!" Agad akong napabangon sa kama nang marinig ko ang pagtawag ni Timo mula sa hapag.

Agad akong sinalubong ng mabangong amoy, sinigang?

"Wow... ang bango!" Tama nga! Sinigang na baka ang niluto niya. He was holding a bowl of it, nakangiti... nagpapacute.

"Yep! Favorite mo." Sabi niya at nilapag sa hapag ang mangkok.

"Oo, kaya dapat masarap 'to. Kapag hindi, ekis ka na." Excited akong umupo sa katapat niya at nagsandok ng kanin namin.

"Ay wait, gumawa din ako ng foamy frappe!" Sabi ni Timo at muling tumayo at kinuha ang foamy frappe na sinasabi niya.

Hindi ko na siya pinansin pero dama ko ang titig niya sa akin. Agad ko na nilagyan ng sabaw ang kanin at kumuha ng karne at gulay. Inisang subo ko ang nakalagay sa kutsara at tumingin kay Timo.

"Ano? Masarap?" Nagbigay ako ng wait sign sa kaniya at ninamnam muna ang luto niya.

"Hmmm..." Kunwari suspense!

Undefined AmourDove le storie prendono vita. Scoprilo ora