Kaya matindi ang naging epekto sa kaniya nang pagkatapos ng ilang oras na hirap sa panganganak ay hindi niya narinig ang iyak ng sanggol. The doctor said her baby boy was stillborn. They said it probably happened because she had an intense bleeding during her labour. Nadurog ang puso ni Andrea nang ipatong ng nurse ang walang buhay na baby sa dibdib niya. He was so beautiful but smaller than normal. He looked like an angel. And she will never see him smile.

Nag breakdown si Andrea nang araw na iyon. Hindi lang siya basta umiyak, humagulgol siya ng malakas. Niyakap lang niya ang baby niya at hindi iyon binitawan. At nang sapilitan iyon kinuha ng nurse nagwala siya. "No! Angelo! Angelo! Don't take him away from me. Please!" Iyon ang paulit-ulit niyang sinigaw hanggang turukan siya ng gamot at antukin siya.

Nang magising siya, nasa loob na siya ng isang private room. Wala na ang baby niya. Three days na pala siyang tulog at kinailangan na ilibing ang sanggol the same day na ipinanganak niya ito. Sabi ni Veronica ang secretary daw ng kanilang ama ang nag asikaso ng lahat. Ni hindi tumapak sa ospital ang parents niya kahit isang beses lang. Pag-uwi niya sa bahay nila kinausap niya ang mga magulang para malaman kung nasaan nakalibing ang baby niya. They never told her and even acted like she never even gave birth.

Pakiramdam ni Andrea mundo lang niya ang tumigil. Na para bang relieved ang pamilya niya na namatay ang baby niya. Siguro dahil nakaligtas ang pamilya para sa 'kahihiyan' na siguradong lalabas kung nabuhay ang anak niya. She tried to share her sadness with Veronica but her twin sister got busy with her own social life. She rarely goes home. Kahit ang parents niya bihira umuwi. So she grieved on her own. Lahat ng sakit, kinimkim lang niya lahat sa loob niya.

"Kung buhay ka, mas naging okay kaya ang buhay ko Angelo?" bulong ni Andrea sa puntod. "I bet you are not proud of me. Sorry that your mommy was a weakling who self-destructed trying to fill the void you left in her heart. Walang umepekto at lalo lang ako nasaktan pero huli na nang marealize ko iyon. How about you? Kamusta ka diyan sa heaven? Are you happy, baby?"

Tumahimik siya at patuloy lang na hinaplos ang naka engrave na pangalan ni Angelo. Wala siyang inaasahang sagot nang biglang umambon. Natigilan siya at napatingala sa langit. Ni hindi niya napansing dumilim ang mga ulap kasi may araw pa nang pumasok siya sa sementeryo kanina. It was just a light drizzle but enough to wet her face.

Kumirot ang puso ni Andrea nang may maisip. Are you crying? Did you see me for the past years and cried for me, Angelo?

Bigla bumalik sa isip niya ang mga sinabi ni Veronica. Tama ang kakambal niya. Hindi niya dapat hinahayaan ang sariling maging miserable dahil sa nangyari sa kanyang nakaraan. Hindi nabigyan ng pagkakataon mabuhay sa mundo ang baby niya. Siya ang buhay kaya hindi niya dapat sinasayang ang pagkakataong ibinigay sa kaniya. For her and for her child who didn't get a chance to live, she should move forward and make her life worth it.

Alam ni Andrea na mas madali iyon isipin kaysa gawin. Sigurado rin siya na masasaktan na naman siya habang sinusubukan ayusin ang buhay niya. Pero kailangan niya gawin at alam niya kung saan siya dapat magsimula. Sa parents niya.

Kung gaano kabilis umambon ay ganoon din iyon kabilis huminto. Gumalaw ang makapal na ulap at sumikat uli ang araw. Mahinang natawa si Andrea at ibinaba uli ang tingin sa puntod ni Angelo. Masuyo siyang ngumiti. "Dadalasan ko ang dalaw sa 'yo, anak. Promise."

Matagal pa siyang nanatili roon bago tumayo at umalis. Pag-uwi niya sa apartment niya tinawagan niya agad si Veronica.

"It took you one week to call me?" bungad ng kakambal niya. Nakikinita niyang nakataas ang kilay nito nang sabihin iyon.

Napangiwi siya. "Sorry that it took me too long."

"No. Actually I expected you to take months. I guess I underestimated you." Sandaling tumahimik ang kakambal niya bago nagsalita uli sa mas malumanay na tinig. "Binisita mo na siya?"

Huminga siya ng malalim bago sumagot. "Yes. Ngayon lang."

"So anong plano mo ngayon?"

Nanuyo ang mga labi ni Andrea at humigpit ang hawak sa cellphone. "Gusto kong makausap ang parents natin. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari pero gusto ko silang harapin."

"Okay. It's better if we do it within this week. Habang hindi ko pa sinasabi ang plano ko na... alam mo na. Habang masaya pa sila at hindi pa sila galit sa akin."

Kumirot ang puso niya nang maalala ang tungkol sa engagement ni Veronica at Denver. Na-tempt siyang tanungin kung kamusta ang binata pero mariin niyang kinagat ang ibabang labi. One at a time. Focus, Andrea. "Okay. Puwede ako anytime."

"Good. Let's meet tomorrow. Nag aaya sila mag family breakfast. Be prepared because we are going to surprise them, okay?"

Napalunok si Andrea. "Okay. Saan tayo magkikita bukas?"

"Dito sa Makati Med. I was able to avoid it for the past days but today I was tasked to stay here with him. Hindi naman talaga kailangan ng bantay dito. I guess they think spending time with him at night will make us closer. Bukas naman ng umaga makakaalis na ako kasi kasama naman niya sa araw ang executive assistant niya."

Kumirot ang puso ni Andrea at kinapos ng paghinga. "O-okay."

"Hindi mo talaga siya itatanong sa akin?" curious na tanong ni Veronica.

Mariin siyang pumikit. "N-no. Basta pupuntahan kita bukas."

Ilang segundong natahimik si Veronica. "Okay then. See you tomorrow."

They ended the call.

SUBSTITUTE LOVER (R-18)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt