Part 35

70.8K 2K 149
                                    


ISANG LINGGO ang lumipas bago nagawang lumabas ng bahay ni Andrea. Mula nang araw na bumalik siya sa tunay niyang buhay at magkasagutan sila ni Veronica hanggang sa mga sumunod na araw, wala siyang ginawa kung hindi ang mag-isip.

Madalas si Denver ang naaalala niya. Okay lang ba ito? Napansin ba nitong hindi na siya ang Veronica na kasama nito? Naoperahan na ba ito? Nakakakita na ba? Maraming beses na-tempt siyang tawagan o i-text ang kakambal niya para mangumusta. Pero hindi niya ginawa. Sa tingin niya makakabuti para sa kaniya at para kay Denver kung hindi na siya magpaparamdam pa sa mga ito.

Kapag hindi niya naiisip ang binata, nakatitig naman si Andrea sa folder na iniwan ni Veronica sa maliit niyang kitchen table. Binuklat niya iyon pagkaalis nito at nanghihinang napaupo. Naroon nga ang lahat ng impormasyon na kailangan niya. Lahat ng sagot sa mga tanong niya noon sa parents niya, naroon lang sa dalawang pirasong photocopied documents. Paulit-ulit niya iyong binasa hanggang makabisado na niya bawat detalye.

Pero kahit ganoon kinailangan niya ng isang linggo bago magkaroon ng lakas ng loob na lumabas ng bahay para puntahan ang address na nasa dokumento. Ilang oras ang naging biyahe niya bago narating ang destinasyon. Mabilis ang tibok ng puso niya pagkababa niya ng jeep. Maraming beses siya huminga ng malalim at tumitig lang sa nakabukas na gate. Humigpit ang hawak niya sa strap ng shoulder bag niya bago humakbang papasok sa sementeryo.

Hindi siya nahirapan hanapin ang libingan na pakay niya. Nasa bungad lang ng gate iyon, malapit sa pader at sa isang malaking puno ng acacia. May bumikig sa lalamunan ni Andrea, namasa ang kanyang mga mata at kinailangan niya kagatin ang ibabang labi para huwag mapahikbi. Tumalungko siya sa harap ng puntod at hinaplos ang lapida. Wala iyong bahid ng alikabok, patunay na bagong linis. May basket din ng fresh flowers doon na para bang kalalagay lang niyon.

Angelo Lauzon. They gave him the name I want for him. "I'm sorry it took me eight years bago kita napuntahan. Hindi ko intensiyon na hindi ka dalawin. Hindi rin kita nakalimutan kahit sandali lang, anak."

Tuluyang tumulo ang mga luha niya. Hinayaan na rin niya ang sariling humikbi tutal wala namang ibang tao doon. Her heart just hurts too much and she badly needed to cry. Nasasaktan siya na doon nakalibing si Angelo, malayo sa sementeryo kung nasaan ang family mausoleum ng mga Lauzon. Bakit? Bakit dito ka nila dinala, baby?

"Kung buhay ka, mag e-eight years old ka na sana ngayong taon," bulong ni Andrea.

Si Angelo ang naging resulta ng kapusukan niya noong eighteen years old siya. Noong nagpadala siya sa peer pressure at nakipagtalik sa isang estranghero. Ayaw niya ma out of place sa barkada. Kaya sa isang party, nang may lumapit sa kaniya at magpakita ng interes, bumigay agad siya. Ni hindi niya naisip na wala palang ginamit na protection ang lalaki at ni hindi nito tinanong kung safe ba siya.

She did not mind it during that time because she enjoyed herself. Weeks later, she learned that she was pregnant. Nataranta siya at natakot kaya ilang buwan niya iyon nilihim hanggang sa hindi na talaga maitago ang paglaki ng kanyang tiyan.

Si Veronica ang una nakapansin. Sinamahan siya nito kausapin ang parents nila. Naturally, nagalit ang mga ito lalo na nang wala siyang maibigay na pangalan ng lalaki. She got grounded. They forced her to drop out of school and confiscated her cellphone. Muntik na nga siya ipadala sa Amerika kung hindi lang halata na ang malaki niyang tiyan at takot ang mga itong may makakita sa kaniya. Nakulong lang si Andrea sa kuwarto niya. Doktor ang bumibisita sa kaniya at kapag kailangan talaga niya magpunta sa ospital ginagawa niya iyon sa gabi.

Hindi nagreklamo si Andrea kasi alam niyang siya naman talaga ang may kasalanan. That time thankful na siya na hindi siya pinalayas ng parents niya. Hindi niya ininda kahit hindi siya kinakausap ng mga ito. Dahil mag-isa lang siya palagi at walang ibang mapagkakaabalahan, maghapon lang niya kinakausap ang baby sa tiyan niya. Natatakot siya at kinakabahan kung mapapanindigan ba niya maging ina pero isa lang ang sigurado niya. Mahal niya ang baby niya. The only thing that was keeping her sane and strong was the thought of seeing her baby get born.

SUBSTITUTE LOVER (R-18)Where stories live. Discover now