Part 23

77.5K 2K 32
                                    


KINABUKASAN nagising si Andrea na mag-isa na lang sa kama. Balot na balot siya ng comforter hanggang sa leeg. Isang tingin sa digital clock na nasa lamesa, alam na niyang kanina pa nasa home office nito si Denver. Alas diyes na kasi ng umaga.

Mahabang sandaling hindi siya kumilos. Hinintay niya ang pagbaha ng pagsisisi dahil sa mga nangyari kagabi. Pero wala siyang naramdaman na kahit ano sa dalawa. Instead she became aware of how sated and fucked her body felt; how her muscles are like jellies and how her sex aches in a delicious way. Mas namayani rin ang matinding urge na makita at makasama si Denver.

Mapait na ngumiti si Andrea at mabagal na bumangon paupo. "Tama nga siguro ang parents ko sa sinabi nila noong pinalayas nila ako. I am a wicked and evil person and I deserved everything that happened to me," bulong niya sa sarili.

Huminga siya ng malalim at tuluyang umalis sa kama. Mabilis siyang nag shower at nagbihis bago lumabas ng master's bedroom. Nagkagulatan sila ni manang Gina kasi nagkataong nasa hallway ito nang buksan niya ang pinto. May dala itong tray na may lamang dalawang tasa ng umuusok na kape.

"Miss Veronica. Gusto mo na ba mag almusal? Ipaghahain kita."

Umiling siya. "Hindi pa ho ako gutom. Sa office niyo ho ba dadalhin iyan?" Turo niya sa tray.

Tumango si manang Gina. Ngumiti siya at kinuha mula sa mga kamay nito ang tray. "Ako na ho ang magdadala nito sa kanila."

Ilang segundo siyang pinakatitigan ng matanda bago ito bumuntong hininga. "Sige na nga. Pakisabi na rink ay sir Denver na lalabas muna ako para mamalengke."

"Sige ho." Pagkatapos tumalikod na si Andrea at dinala ang tray ng mga kape sa opisina ng binata. Na-touch siya nang maabutang bukas na ang pinto. Sigurado kasi siya na sinadya iyon para sa pagdating ni manang Gina. It was a considerate thing to do for the old lady.

Huminga muna siya ng malalim bago itinulak ang pinto gamit ang kanyang balikat. Saka siya pumasok sa loob. Sobrang liwanag sa opisina. Naningkit ang mga mata ni Andrea kasi medyo nasilaw siya. Katulad ng dati nakapuwesto sa likod ng malaking lamesa si Denver pero nakapihit patagilid ang swivel chair nito. Ang side view tuloy nito ang una niyang nakita. Nakasuot ito ng earphones. Base sa concentration na makikita sa mukha ay halatang seryoso ang pinapakinggan nito.

Denver Vallejo looked breathtaking when he was serious. Casual clothes ang suot nito pero sa tuwing nakapuwesto ang binata sa likod ng lamesa na iyon at nagtatrabaho, lumalabas ang charisma ng isang magaling at intimidating na negosyante. Nasa bahay pa lang ito ngayon ha? Paano pa kaya ito kapag talagang nasa loob ng board room? Iniimagine pa lang niya, umiinit na ang pakiramdam niya.

Ilang sandali pang tinitigan ni Andrea si Denver bago pinilit ang sariling tingnan ang executive assistant nito. Nakatingin na sa kaniya si Ben. Halatang gulat na siya ang naroon. Alanganin siyang ngumiti at lumapit. "Dinala ko ang kape ninyo."

Mabilis na sinalubong siya ni Ben para kunin sa kaniya ang tray pero umiling siya. Maingat niya iyong inilapag sa lamesa, sa nag-iisang espasyo na walang nakapatong na mga papeles. Natigilan siya at napatingin kay Denver nang bigla itong dumeretso ng upo at ipinihit ang swivel chair paharap sa lamesa.

"Veronica?" tanong nito sabay tanggal sa earphones.

Nahigit niya ang hininga at nanlaki ang mga mata. "Paano mo nalaman? Akala ko busy ka sa pinapakinggan mo."

He leaned closer when he heard her voice. So close that she can already feel his breath against her face. Bumilis ang tibok ng puso niya. Lalo na nang may sumilay na tipid na ngiti sa mga labi nito. "Nanuot sa ilong ko ang amoy mo."

Kumalat ang init sa katawan ni Andrea. Hindi siya nakasagot at napatitig lang sa guwapong mukha ni Denver. There was a sensual and knowing look on his face. Iyong expression na kahit sino makakita siguradong malalaman na may nangyari sa kanila kagabi.

"Excuse me but I really need my coffee," biglang sabi ni Ben at malakas na tumikhim.

Pareho silang natigilan ni Denver. Paglingon ni Andrea nakita niyang nakataas ang mga kilay ni Ben habang pinagmamasdan sila. Napaderetso siya ng tayo at nag-init ang mga pisngi. Ngayon lang niya narealize na siyempre alam ng lalaki na may nangyari sa kanila ng boss nito. Pumapasok ito sa master's bedroom sa umaga para i-assist si Denver.

Mukhang nahalata ni Ben ang embarrassment niya kasi bigla itong tumingin sa suot na wristwatch. "You know what? Forget it. Male-late na talaga ako para sa meeting. Kailangan ko muna umalis."

"Call me as soon as the meeting is done, Ben," sabi ni Denver sa seryoso nang tinig. Sinulyapan ito ni Andrea kaya nakita niyang back to business mode na naman ito.

"Yes sir." Pagkatapos siya tanguan ng executive assistant ay mabilis na ito lumabas ng opisina at isinara ang pinto.

Silang dalawa na lang ni Denver ang naroon at bigla hindi alam ni Andrea kung ano ang sasabihin. Tumikhim siya. "Gusto mo na ba ng kape?"

Inatras nito palayo sa lamesa ang swivel chair at tinapik ang mga hita. "Ikaw ang gusto ko."

Nahigit ni Andrea ang paghinga. Humagod ang nakakakiliting kuryente sa likod niya. She felt a tingling sensation at the tips of her fingers. Hindi ito nagdalawang salita. Lumapit agad siya kay Denver. Magaan na ipinatong niya ang dalawang kamay sa mga balikat nito. Saka lang siya marahang umupo sa kandungan nito.

Huminga ng malalim ang binata bago pinaikot ang mga braso sa kanyang baywang. Hinigit siya nito padikit pang lalo sa katawan nito. Napabuntong hininga si Andrea nang maramdaman ang marahang paghaplos ng palad ni Denver sa likod niya. Mayamaya para bang hindi ito kuntento sa ginagawa kasi napunta naman sa hita niya ang isa pa nitong kamay at humaplos din doon.

Kahit siya ay hindi mapigilang hindi damahin ang katawan ni Denver. Naglakbay ang mga kamay niya sa batok nito, pababa sa dibdib at pababa pa hanggang sa matigas nitong abs na hindi maitago ng suot nitong cotton t-shirt. Nahigit nito ang hininga nang tumama ang likod ng mga kamay niya sa waistband ng pants na suot nito. Sa isang iglap naramdaman niyang nag react ang katawan nito. Uminit tuloy ang pakiramdam ni Andrea. When she looked down and saw the bulge in his pants she felt her nipples tingle in arousal too.

"If only I can just ignore the pile of work I have to do today, I would love to just stay in bed and fuck you senseless," bulong ni Denver na isinubsob ang mukha sa leeg niya.

Napasulyap tuloy si Andrea sa tambak na papeles sa lamesa nito. Pati na rin sa nakabukas na laptop. "Ano ang pinapakinggan mo kanina nang dumating ako?" alanganing tanong niya. Nakabukas kasi ang audio player sa laptop pero petsa lang ang nakalagay na file name.

Ni hindi nito inabalang ilayo ang mukha sa leeg niya nang sumagot, "Audio recording ng contract signing event ng V.Tech with a Japanese company last week. Overseas iyon ginanap kaya hindi ako nakapunta. I asked for the company representative to record everything for me."

Parang may lumamutak sa puso ni Andrea nang mahimigan ang frustration sa tono nito. Umangat sa ulo ng binata ang kamay niya at sinuklay ng mga daliri ang buhok nito. "Don't be too hard on yourself."

Umiling si Denver at inilayo ang mukha sa leeg niya. "I must. Ben is having it harder than me. Araw-araw kailangan niya basahin sa akin isa-isa ang mga papeles na dapat mag-isa ko tinatrabaho. Everyday he always run around because I can't do my fucking job properly. Kung wala si Ben, magiging useless ako. No one will be able to put up with me the way he can. Kaya palagi worried ako na baka isang araw sumuko ang katawan niya at magkasakit siya. He is that overworked."

Alam ni Andrea hindi nito tatanggapin ang simpatya niya pero iyon pa rin ang naramdaman niya. Ikinulong niya sa mga palad ang magkabilang side ng mukha ni Denver at masuyo itong itiningala. Kumunot ang noo nito, halatang hindi alam kung ano ang plano niyang gawin.

Hinalikan niya ito sa mga labi. Napaigtad ang binata pero sandali lang napunta na rin sa magkabilang pisngi niya ang mga kamay nito at gumanti ng mas mariin at mapusok na halik.

SUBSTITUTE LOVER (R-18)Where stories live. Discover now