I gave him a gentle smile. "It's okay not to experience that when you were still a child. We can always do that in this lifetime." at ewan ko kung anong pumasok sa isipan ko at niyakap ko siya.




I felt him stiff at my sudden move, but loosen it at once and he hugged me back.




Tama! Tutal Sunday naman bukas ay aayain ko nalang mag amusement park si Mr. Wren!




Kinagabihan ay tinext ko si Mr. Wren.

To: Mr. Wren

Good evening, Mr. Wren! Itatanong ko lang sana kung may balak kayong gawin bukas?




I waited for his reply after I sent the message. Pero imbes na reply ay tawag ang dumating.




"H-Hello?"




[Why did you ask?]




"Uhm.... Wala lang," I awkwardly answered, "So, may gagawin ka ba Mr. Wren?"




[Hmm... Nothing,]



"Okay! See you tomorrow!" matapos ay mabilis kong binaba ang tawag.



Abot abot ang tahip na nararamdaman ko. Shocks ano 'yon?




Kinabukasan ay mas maaga akong naging kaysa sa nakasanayan. Nag desisyon akong ipagluto si Mr. Wren ng breakfast. Matapos no'n ay agad na akong nag ayos ng sarili. I chose to wear a white statement shirt and a highwaisted short. I decided to partnered it with converse shoes. Nang makuntento sa ayos ay agad na akong umalis para pumunta sa lugar ni Mr. Wren.


Tinext ko na kagabi si Leon tungkol sa address ni Mr. Wren na agad naman niyang ibinigay.





Huminto ang sinasakyan kong taxi sa pamilyar na gate. Ito na nga 'yon. Kaya agad agad akong nagbayad at bumaba saka tumungo sa gate.




Nagdoorbell ako at bumukas naman ang maliit na gate at lumabas ang isang unipormadong lalaki.




"Anong kailangan mo miss?" tanong n'ya sa akin at pinasadahan ako ng tingin.



"Uh.... assistant ako ni Mr. Wren," wika ko at ipinakita sa kanya ang I.D, tumango siya saka sinenyasan ako para pumasok.




Sinabihan niya akong diretsuhin lang ang lakad at may makikita akong fountain. Pag nakita ko 'yon ay lumiko ako sa kaliwa at doon na ang mansyon.




Ang lawak pala nito. Pagod na ako nang makarating sa fountain na sinasabi ni kuya. Kaya kumaliwa na ako.




Nagbunyi ang kalooban ko nang makita ang engrandeng pinto ng mansyon. Mabilis akong naglakad patungo doon at kung humanga na ako sa ganda ng rest house ni Mr. Wren ay mas napahanga ako dito. Hindi ko na kasi napagmasdan ito noon dahil okupado ang isipan ko. Ngayon ko lang naappreciate ang kagandahan nito.




Narinig ko na may pababa sa hagdan kaya tumungo ang tingin ko doon at nakita si Mr. Wren na mukhang kakagising palang. Nang magtama ang mga mata namin ay nanlaki ang kanya at mabilis na bumaba.




"Hey, what are you doing here? I was about to get ready to fetch you." aniya na nginitian ko lang at iniabot sa kanya ang dalang paper bag.



"Breakfast," sandali niya itong tinitigan bago inabot at iginiya ako sa hapag.










Nagsimula siyang kainin ang dala kong pagkain at pagkatapos no'n ay agad umakyat para mag ayos. Habang ako naman ay dumiretso sa sala at doon umupo.





The Devil's Angel (ON HOLD)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz