Chapter 7

7 2 0
                                    

Soraia

Nandito ako ngayon sa loob ng Discipline office kasama si Carl. Ngayon kasi ang nakatakdang meeting para sa trending issue sa school.

Kasama sa meeting ang guidance councilor para tulungan si Sir Gonzales  na i-settle ang nasabing issue. Kanina pa kami nandito. Sila Jacquelyn at Clyde na lang ang hinihintay.

“Kapag tinanong ka, sabihin mo lang kung ano ‘yong totoo. Susuportahan ko naman ang sasabihin mo,” bulong sa akin ni Carl

“Alangan namang magsabi ako ng hindi totoo? Lalo lang lalala ang issue," bulong ko pabalik.

Sakto namang pumasok ang dalawang taong hinihintay namin kaya umayos kami ng upo ni Carl pero hindi ko sila tinitignan.

Wala pang isang lingo nang malaman ko ang totoo, malamang masakit pa rin sa part ko at sa part ni Carl. Isa pa, ngayon ko lang sila ulit nakita mula nang makalabas ako sa ospital. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon.

“Sorry Sir, ayaw kaming palabasin agad ni Sir Chua. Nagpa-attendance pa po kami bago kami nakalabas,” paumanhin ni Clyde.

“Sige, ayos lang. Maupo na kayong dalawa,” Sagot naman ni Sir.

Magkatabi ni Sir Gonzales at ang guidance councilor sa kabilang side ng table. Magkatabi naman kami ni Carl sa left side at katapat naman namin sila Clyde at Jacq na nasa right side.

“Alam niyo na siguro ang pag-uusapan nating ngayong umaga. Lumalaki na ang issue at habang kumakalat ito ay nagkakaroon na ng ibang version. Isa lang and solusyon para maayos ito,” He paused then looked at us one by one. “Ang magsabi kayong lahat ng totoo.”

No one answered.

“We know na personal masyado ang issue dahil tungkol ito sa lovelife niyo pero para magsiraan kayo ng ganiyan? Hindi naman tama ‘yon. Lalo na ngayong pati ang reputasyon ng school ay nadadamay,” our guidance councilor said.

Silence again.

Seconds later, there’s a sudden knock on the door before it opened. Pumasok ang dalawa sa mga new members ng The Newspectators na ikinataka ko pati na ng tatlo.

“Natagalan yata kayo?” tanong ng guidance councilor

“Humingi po kasi kami ng tulong sa ICT club para mag-setup.”

Kapagkuwan ay may pumasok pa na dalawang estudyante at ang adviser ng ICT club. May dala ang mga ito na laptops at nag-setup sa kabilang bahagi ng silid.

Ngayon ko lang napansin ang camera na nasa tripod sa tapat namin. Anong nangyayari?

“Bakit po may ganito? Ano ‘to? Live broadcast?” tanong ni Jacq na medyo natatawa.

Live broadcast? Hindi imposible. May TV sa bawat room sa school na ito. Kung ganoon ang mangyayari, nasa classroom lang ang mga estudyante at manonood. Cancelled ang klase. Nice.

 
“Yes, Miss Ponce. Nag-meeting ang faculty kasama ang principal at ang President tungkol dito. Napagdesisyonan na i-broadcast ang usapang ito dahil kahit na maayos natin ang issue sa pagitan niyong apat, hindi pa rin titigil ang ibang estudyante na magpakalat ng kung ano-anong kasinungalingan hangga’t ‘di nila alam ang totoo,” paliwanag ni Sir Gonzales.

Nagulat naman kaming apat sa sinabi niya. Wala sa usapan ang ganito kaya pumayag ako.

“’Wag kayong mag-alala. Maayos na naipaliwanag sa mga estudyante ang magiging consequences ‘pag pinag-usapan pa nila ang issue pagkatapos nito. Mahigpit na bilin ng President na kapag natapos ang usapang ito, wala dapat siyang maririnig na chismisan mula sa mga estudyante rito.” Dagdag ng guidance councilor.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 25, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Tangent LoveWhere stories live. Discover now