Chapter 4

8 4 0
                                    

Soraia

“Siguro nagtataka ka kung bakit kita pinatawag,” sabi ni sir na ikinatango ko.

“May nagsumbong kasi sa office na may sinigawan ka raw na estudyante at binantaan pa sila kahit wala naman silang ginagawa sa iyo. I know you wouldn’t do such thing kaya naman ipinatawag kita para marinig ang side mo,” paliwanag niya.

Kumunot naman ang nuo ko sa narinig. Bagong trip yata ng mga estudyante rito sa school ngayon na siraan ako. Bakit ba ‘di ako na-inform?

“Papatunayan ko pong wala akong kasalanan. Kahit pa ipa-check ang footage ng CCTV sa hallway kanina,” confident kong sagot.

Bakit naman ako kakabahan? Nagsasabi naman ako ng totoo.

Wait, CCTV?

Napatingin naman ako sa likod nang maalala kong kasama ko pala si Sean kanina. Oh no! Baka siya ang maparusahan dahil siya ang lumapit sa mga babae kanina.

Kaya ba sinama siya ni Sir ay dahil nakita na nila ang CCTV footage? Kung ganoon nga ang nangyari, ano namang kinalaman ni Carl?

‘Di ko namalayan nasa tapat na kami ng office dahil sa pag-iisip ko. Pinapasok na kami ni Sir at nakita kong may dalawang babaeng nakaupo sa mga mono-block chairs na nakahilera sa left side sa tapat ng mesa ni Sir.

Sa right side naman ay may nakahilerang tatlo pang upuan na sa tingin ko ay siyang nakalaan para sa aming tatlo.

Hinintay naming makaupo si Sir sa upuan niya. Nang binigyan niya kami ng permisong umupo ay umupo na rin kami.

Namukhaan ko naman ang dalawang babaeng katapat namin na nagbaba ng tingin ng umupo ako. Napangisi na lang ako nang malamang sila iyong mga chismosa sa hallway kanina na nagrereklamo sa akin ngayon.

“Alam niyo na siguro kung bakit ipinatawag ko kayong lahat ngayon," panimula ni Sir sabay baling sa'kin at sa dalawang grade 11 students na nagrereklamo sa'kin. "Ms. Castro, sabi ni Ms. Vidal and Ms. Sanchez ay sinigawan mo raw sila kanina kahit na wala silang ginagawa.”

“It’s not true, Sir. My sister didn’t utter a word earlier. I was the one to defend her from these students who badmouthed her,” depensa ni Sean bago pa man ako magsimula.

“Is it true?” tanong ni Sir sa dalawa.

Nakatungo lang sila at ‘di makatingin sa kahit na sinoman sa office.

Well, silence means yes, ika nga.

Sir Gonzales scoffed in disbelief kahit na expected na na ganito ang mangyayari.

“First, you badmouthed her, which actually a form of bullying. Second, you filed a complaint to her for yelling at you for no reason, pero hindi naman totoo. Inaakusahan niyo siya sa bagay na hindi naman niya ginawa. And to think na lower year kayo. ‘Di ba kayo marunong gumalang sa senior niyo?” he asked.

No one answered so Sir Gonzales continued.

“Kung magsusumbong kayo, e ‘di sana yung totoo na. Ginagawa niyo yatang biro ang discipline office, e,” naiinis na sabi ni Sir.

Nakayuko lang ang dalawa habang sinisiko ang isa’t isa. Tsk. Mukhang nagsisisihan pa ang dalawang ito.

“I can’t let this pass. Since Thursday na ngayon, you two will be doing a community service for the whole week next week. Two hours every day after your class. I will assign one of our janitors para bantayan kayo sa paglilinis dito sa campus.”

You can sense finality in his voice so none of us dared to go against him. As if I would.

Buti nga hindi sila na-suspend, e.

Tangent LoveWhere stories live. Discover now