❛ sixteen ❜

Magsimula sa umpisa
                                    

"Gago, hindi ka lang talaga marunong mangbingwit ng etits!"

"Mag-bestfriend talaga kayo ni Vena! Ano, bingwiters lang ng mga tite?!"

"Kayo nga, mag-bestfriend talaga kayo ni Melanie! Sawi at malas sa pag-ibig!" I laughed loudly.

Parehas nila akong pabirong sinabunutan. Sa circle of friends na 'to, kami ang close ni Bella dahil marami kaming similarities pero hindi pa rin naman no'n nabawasan ang closeness namin sa isa't-isa. Walang selosang nagaganap kasi yuck.

Kinabukasan, naabutan ko si Fabian na katatapos lang gumawa ng kan'yang plates. Halatang-halata sa mga mata niya na pagod na siya ngunit nang makita niya ako, biglang nagliwanag ang kan'yang mga mata at mabilis akong hinagkan.

"I miss you so much," he hugged me tightly. Nag sleep-over kasi ako kina Devi kahapon. "How was you day with your friends?" He asked.

"Devi has a problem with your friend, Damien. Playboy pala 'yon. Wow, he really have the guts to hurt my friend?! Kung siya kaya saktan ko?!" Hindi ko na napigilan ang pataas ng aking boses dahil sa inis.

"Gan'yan na talaga 'yang Damien," mahinahong niyang sambit.

"Pero duh?! Saan siya nakakakuha ng lakas ng loob na manloko ng tao?! Buti nakakatulog pa siya! Hindi niya naiisip na may nasasaktan siyang tao!"

"Makakahanap din ng katapat 'yon."

"At saka, Fabian, puwede ba pagsabihan mo 'yang kaibigan mo?!" Inis kong baling sa kan'ya.

"Luh, bakit damay ako?" Lumambot ang kan'yang mukha at tipid na ngumiti sa akin.

"Kasi friend mo siya! Kaya dapat pinagsasabihan mo siya!"

"Baby, gano'n na talaga si Damien. Parang nagpapalit lang 'yon ng brief niya sa dami ng nagiging babae niya araw-araw," he spoke calmly.

"Kahit na! Nakakainis talaga kayong mga lalaki! Mga manloloko, sinungaling, hipokrito! Yuck!"

"Bakit po ako nadadamay? Hindi naman po ako gano'n eh," his voice softened.

"Myghad, boys!" I rolled my boys.

"Ay, hindi ako kasali riyan," parang batang wika niya sa akin. "Kasi man na ako, e. I treat my girl right." He smiled sweetly before kissing the top of my head.

Biglang natupos ang nagliliyab kong emosyon kanina. My knees tremble as I looked at his eyes. It feels like I am lost whenever I stare at his beautiful orbs.

"What did you do yesterday?" I asked sweetly. Paulit-ulit kong hinahalikan ang kan'yang pisngi habang nasa kandungan niya ako.

"I went to my mother's house. Bumisita po ako, baby." Here we go again, his baby talks.

"And how was it?"

"It was fun. I had a good time with my Mommy. I love her so much, baby. Kung gaano ko kamahal si Mommy, ganoon din po ikaw." He whispered.

Parang may kumikiliti sa aking puso sa sobrang saya ko. Hindi ko mapigilang hindi ngumiti kapag siya ang kasama ko. Iba 'yong... saya... kapag siya. Iba 'yong komportable na nararamdaman ko. Iba lahat ng... nararamdaman ko.

"You are a family oriented, huh? Mommy's boy?" I teased him.

"Of course, I am thankful that I have a mother like her. It was all started because of them, because of my Mom. Kung hindi niya ako tiniis, hindi sana kita makikilala," he answered.

Napangiti ako. Ito 'yong gusto ko sa lalaki. Pamilya muna ang iniisip bago ang girlfriend. Iba kasi talaga kapag malaki ang pagpapahalaga ng lalaki sa magulang niya.

"And I already introduced you to my mother. Sinabi ko lang Vena ang name. She really wants to meet you because I told her that you are beautiful inside and out. . ." He smiled, lumabas ang dalawang dimple niya.

"It's fine with me! Kailan ko siya mame-meet?" I asked in excitement. Finally, makikilala ko na ang Mommy niya!

"I'll ask my Mom kung kailan siya available," he kissed my nape.

"I must be look presentable in front of her..." I said, almost a whisper. Nanghihina ako sa mga halik niya.

"Don't worry about that, baby, okay? No pressure."

Hindi ko alam na mas mahuhulog pa ako sa kan'ya. His love for his parents, lalo na sa kan'yang Mommy ay walang katulad. Hindi talaga ako nagsisi na nagustuhan ko siya, na naging boyfriend ko siya, na minahal ko siya.

Fabian is my ideal man. Hindi ko alam na 'yong ideal ko noon, kayang maging totoo.

To Catch A Dream (Architect Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon