Chapter 9 (12/16/2014)

Start from the beginning
                                    

“Matutulog na daw sila.” Sagot niya pero di tumitingin sa akin. Napakamahiyain naman ng boyfriend ko.

“Doon ka daw matutulog sa kwarto ko?” Ngising ngisi na sabi ko. Nakita ko siyang namula.

“Bakit ka pumayag?”

“Bakit naman ako tatanggi? Tsaka boyfriend naman kita. At isa pa akala nila bading ka kaya dun ka pinatulog sa kwarto ko.” Humagikgik ako kaya naman tiningnan niya ako ng masama.

“Bading naman talaga ako.”  Lumabi ako sa kanya.

“Whatever. Ikukuha kita ng damit ni Kuya tapos akyat ka na sa kwarto ko. Yung dulong room sa left tapos di ka pwedeng umuwi at mas lalong di ka pwedeng matulog sa sofa. Magtataka sila Mama. Kaya wala ka nang choice, my boy.” Natatawang tumayo ako at umakyat na sa second floor ng bahay. Gusto ko ng magtatalon sa tuwa dahil sa mga nangyayari.

Dumiretso ako sa kwarto ni Kuya para kumuha ng damit at boxer at sakto naman na paglabas ko sa kwarto ni Kuya papunta na siya sa kwarto ko.

“This way kamahalan.” Itinuro ko sa kanya ang kwarto ko at binigay sa kanya ang bitbit kong damit tapos pinauna siyang maglakad. Sakto namang pagtalikod niya na sumampa ako sa likuran niya.

“Amanda!” Nagulat na sabi niya pero sinuportahan pa din ako para di ako malaglag habang nakasampa ako sa likod niya. Tatawa tawa lang ako ng mahina kasi kahit papaano ayaw ko naman na magising sila Mama at Papa dahil sa pagkaharot ko.

“Ssshhh..wag ka nga maingay. Magising sila Mama. Buksan mo na ang pinto.” Sabi ko pa sa kanya. Inayos ko pa ang pagkakasampa sa likod niya at siya naman pinipigilan na malaglag ako. Subukan lang niyang bitiwan ako, hahalayin ko siya. As if naman hindi pa panghahalay itong ginagawa ko sa kanya. Pero infairness, ang lakas naman ng bading na to. Kayang kaya akong buhatin.

Pagkapasok namin sa kwarto ko, bumaba na ako sa likod niya at lumundag sa kama ko.

“Maghubad ka na.” Nakangiting sabi ko. Nanlaki naman ang mga mata niya at kita ko ang agad na pamumula ng pisngi niya. Bumungisngis ako lalo.

“Ay mali pala. Ibig kong sabihin, magpalit ka na ng damit. Andun ang banyo.” Natatawang turo ko sa kanya ng banyo. Tiningnan niya ulit ako ng masama.

“Amanda…we’re not doing IT in your house.” Madiin na sabi niya at lalo akong natawa.

“Ang ano? Ikaw kung ano ano ang iniisip mo ha! Malisyoso ka masyado.” Sabi ko na di pinipigilan ang tawa ko. Hindi na niya ako pinansin. Tumalikod na siya at pumuntang banyo pero hindi pa ako tapos, lalong lalo na at enjoy na enjoy ako sa reaction niya.

“Sa house niyo lang pwede?” Pahabol kong sabi bago niya isara ang pinto ng banyo. Ang lakas ng tawa ko.

Dinig na dinig ko ang pagbukas at ang pagsara ng banyo kaya naman pinag igihan ko ang pagpikit. Oo, nagkukunyari akong natutulog. Paano naman kasi ang tagal niya sa loob. Mas matagal pa siyang gumamit ng banyo kesa sa akin.

Maya maya lang naramdaman ko ang paglundo ng kama sa gilid ko. Naexcite ako siyempre pero pinigilan ko pa rin ang sarili ko hanggang sa naramdaman ko ang paghiga niya pero ni hindi nagdikit ang mga braso namin. Kaya naman sumilip ako ng kaunti sa kanya only to see him lying on the edge of the bed, very far away from me. Ano ako? May nakakahawang sakit?

“You’re hurting my feelings Alexis.” Pagdadrama ko tapos tumalikod sa kanya.

Narinig ko ang pagbuntunghininga niya.

“Amanda…I think this is not a good idea.” Mahinang sabi niya.

“Ang ano?”

“Ito. Tayo.” Napabalikwas ako at napatihaya sa kama. Nakatihaya na din siya. At bigla akong nainis. Yan ba ang ginawa niya sa CR? Kaya natagalan siya? Nag isip siya? Kung alam ko lang, sana di ko na siya hinayaang pumasok sa CR. Sana hinainan ko na lang siya ng alindog ko.

“Parang kanina lang sinabi mong let’s try to be together. Ngayon yan naman ang sinasabi mo. Oh, kay bilis namang maglaho ng pag ibig mo sinta. Daig mo pa ang isang kisap mata. Kanina’y nariyan lang, bigla naman nawala. Daig mo pa ang isang kisapmata.” Sabi ko na may kunting tono. Hindi pa ako nakuntento. Kinuha ko pa ang cellphone ko at iniopen ang youtube sabay nagpatugtog ng 'Kisapmata'.

“Mandy seryoso ako.”  Naupo pa siya sa kama at sumandal sa head board. Siguro para ma emphasize ang pagkaseryoso niya. Ewan ko lang kung ano ang relasyon ng headboard sa pagiging seryoso.

“Seryoso din ako Alexis. Ano yun? Slip of the tongue lang yung kanina? Pinakilig mo lang ako sandali tapos nabasa lang ang bubong ng kotse mo, nagbago na agad ang isip mo?” Umupo na din ako sa kama. Hindi ako sumandal sa headboard. Instead umupo lang ako sa gilid.

“Hindi pa ako handa.” Eh kung sapakin kaya kita?

“Sino ba ang handa sa atin? Handa na ba akong magkaboyfriend ng bading? Siyempre hindi! Hindi pa nga ako handing magkaboyfriend tapos ang first boyfriend ko bading pa. Papaano ako magiging handa? At sino bang tao ang pinaghahandaan ang isang relasyon? Wag mo akong binibigyan ng rason na ganyan dahil nagdidilim ang paningin ko. Sa pagkakaalam ko matalino ka, kaya wag mo akong bigyang ng rason ngmga tanga.” Nakakabwisit naman to. Ang saya saya ko pa kanina. Kailangan ba niyang sirain agad? Hindi man lang naghintay ng 24 hours. Hindi ba pwedeng ipagpabukas na niya ang kaartehan niya?

“Ang sinasabi ko lang Mandy…”Mahinahon pa ding sabi niya. Lumingon na ako sa kanya. How could he be so calm kung ako ay parang sasabog na sa inis.

“Sige na! Sige na. Matahimik ka lang. Nakakairita na eh!” Padabog na sabi ko sabay kuha ng mga unan at nagsimulang maglagay sa gitna namin. Nagtatakang nakatingin lang siya sa akin.

“Lalagyan natin ng pader ang gitna natin. Nakakahiya naman sa pagkababae mo, baka sabihin mo minomolestiya kita. Wag kang mag alala, hindi ko hahawakan ngayong gabi kahit dulo ng mapipilantik mong kuko. Wag ka lang magkakamaling kantiin din ako mamaya.” Asar na sabi ko.

“Mandy…”

“Don’t Mandy-mandy me, kung mandidiri ka lang naman sa akin. At wag mo na akong kausapin dahil matutulog na ako. May pasok pa ako bukas.” Padabog akong nahiga sa kama at tumalikod sa kanya. 

“Mandy, I’m so--” nararamdaman ko ang paglapit niya pero hindi ko na siya hinayaan. Inis na inis ako. 

“At wag na wag na wag magsosorry dahil sasapakin kita Alexis. Pumapatol ako sa bakla. Don’t insult me by saying that you’re sorry.” Matigas na sabi ko despite the fact na naninikip na ang dibdib ko. At hindi ko na nga napigilan. Literally…

I cried.   

The Gay Who Stabbed MeWhere stories live. Discover now