Chapter 26 : Pain

747 6 0
                                    


Pain

Thirs Person's POV :

Tinapik ng dalaga ang kanyang pisnge nang muntik na syang mahulog sa kanyang kinauupuan.

"Uh , ma'am okay lang po ba kayo?" Tanong ng secretary ni Keene.

"Oo ." Sagot ni Yam habang pinipigil ang kanyang antok.

Nagpumilit kasi syang sumama sa trabaho ng kanyang asawa dahil wala itong magawa sa bahay mag-isa .Ayaw din nyang sumama kila Iris at ang kanyang kambal dahil na trauma ito sa ginawa sa kanya ni Yen.

"Gusto nyo po ng kape?" Tanong ng secretary.Sinabihan kasi ito ni Keene na bantayan si Yam habang nasa meeting sya.

"Hindi , pero kelan ba yun matatapos?! Ilang oras na akong andito sa office nya." Naasar na tanong nya sa secretary.

"M-matagal po talaga minsan yung meeting nila.Especially po na patay na yung CEO.Kailangan po nilang magdecide kung sino ang papalit." Paliwanag ng secretary.

"Sino ba yung CEO?Wala ba syang anak?" Tanong ni Yam.

Nanlaki naman ang mata ng secretary at hindi nya alam ang isasagot kay Yam.Pinagsabihan kasi sya ni Keene na wag banggitin ang tungkol sa papa nya.

"Ah -ah may gagawin pa po pala ako." Palusot ng secretary sabay takas palabas ng office ni Keene.

Nagtataka namang naiwan si Yam.Pero maya maya pa ay di na nya napigilan ang sarili.

Humiga sya sa sofa at agad pinikit ang kanyang mga mata.Maya maya pa sy hindi na nya napigilan ang kanyang antok.

Nagising sya nang biglang may naglagay ng kumot sa kanya.

"Sorry." Sambit ni Keene habang nakatingin kay Yam na nakahiga pa rin sa sofa.

"May kumot ka pala di mo man lang sinabi eh di sana kanina pa ako natulog." Reklamo ng dalaga sabay naupo sa sofa.

"Oh upo ka , para kang tangang nakatayo dyan." Pag alok nya kay Keene.Galit namang naupo si Keene at nanatiling tahimik .

"Hindi ka pa rin ba tapos?" Biglang tanong ng dalaga.

"Not yet."Naasar pa ring sagot ni Keene.

" So...gaano ka pa katagal dito? Wala akong magawa." Reklamo ni Yam.

"Sino ba nagsabing sumama ka ." Sagot ni Keene.

"Ako , hindi ko naman ineexpect na boring dito.Rinig ko sa secretary mo patay na daw yung CEO nyo? " Tanong ng dalaga.

Nag-iba ang reaksyon ng binata at kunot nuong tumingin kay Yam.

"What did she tell you?"

"Wala naman ,sabi lang nya patay na CEO nyo kaya nagdedecide kayo kung sino ang papalit."Paliwanag ng dalaga.

"Yeh ,but that doesn't matter.Forget it. Here take my card, pwede kang lumabas kung gusto mo.Tawagan nalang kita mamaya pag tapos na ako." Sambit ni Keene sabay abot ng kanyang credit card kay Yam.

Hindi naman ito tinanggap ng dalaga.Nakatingin lang ito kay Keene na blanko ang muka.

"Anong gagawin ko dyan?"

"Shopping?" Sagot naman ng binata.

"Gago ka ba , hindi ako cheap.Hindi mo ako madadaan sa pera."

Napapikit ng mata si Keene sabay napahimas sa kanyang nuo.

"Look Yam , hindi kita binibili okay? We are married already for fuck sake.Sabi mo bored ka that's why I am giving you my card to explore." Kalmado nyang paliwanag sa kanyang kausap.

Cold Marriage [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now