Chapter 5 : Party

6.2K 101 24
                                    


A/N : Pasensya na kung may mga typos...cp lang gamit kong pinagtype.
Enjoy reading hehe ^^

Party

Yam's POV

Malapit na akong makatulog nang may biglang kumatok sa pinto ng kwarto ko.

Nung una akala ko panaginip lang,pero halos mapatakbo ako sa pinto nang magsimula syang kalampugin iyon .

"F*ck don't try me peasant!Open the damn door!" Galit nyang sigaw ,kaya dali dali ko iyon binuksan.

Masama syang nakatitig sa akin.

"B-bakit?" Nauutal kong tanong. Umirap lang sya at bigla akong hinigit ng pwersahan.

"Aray Keene ..san tayo pupunta? " taka kong tanong.

Hindi sya sumagot hanggang sa marating namin ang kwarto nya.Binuksan nya ang pinto at dali dali akong hinigit papasok.

"Keene? " pagtawag ko sa pangalan nya.Naguguluhan ako.Anong gagawin ko dito sa kalagitnaan ng gabi?

"You'll sleep here for tonight." Simple nyang sagot at nauna ng humiga sa kama nya.Nakatingin lang ako sa kanya.Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin.

Ako?Patutulugin nya sa tabi nya?

"Anong tinatayo tayo mo jan?! Bwisit! Humiga ka na! Bobo!" Pagmamadali nya sa akin.

Agad ko namang kinuha ang isang unan sa kama nya at dali dali akong pumwesto sa sofa nya.May sofa din kasi sya sa kwarto nya.

"What the fck are you doing?" Irita nyang tanong .Hindi ko masyadong makita ang hitsura nya dahil madilim .

"Tutulog na? " sagot ko.

"Sleep here! " sigaw nya.

Napalunok naman ako.Sa tabi nya ba ako dapat matulog?

"Hindi ok lang ako dito." Paninigurado ko sa kanya.

"Dont expect too much.Kaya kita pinapatulog dito ay dahil maagang pupunta si ate Kelly dito.She'll check us .Now are you going to sleep beside me or I'll kick you out of this house? "

Dali dali akong nagtungo sa tabi nya at patalikod na humiga.Kinakabahan ako.Alam ko hindi naman dapat ako kabahan.Pero parang yun ang nararamdaman ko sa mga oras na toh.

Ramdam ko ang paggalaw nya,pero maya maya ay tumigil na syang gumalaw.Tingin ko tulog na sya.

Pinikit ko na rin ang mata ko,pero kahit anong pilit ko hindi parin ako makatulog.Naiisip ko palang na magkatabi kami ng asawa ko para akong nakalutang sa ulap.Masarap sa pakiramdam.Kaso iba nga pala kami ni Keene.

"Tsk" rinig kong pagdadabog nya.Muli syang gumalaw pero maya maya pa ay naramdaman ko syang tumayo kaya naman agad akong napatingin sa kanya.

Napaiwas naman agad ako ng tingin nang napansin kong maghuhubad pala sya ng t-shirt.

Para akong biglang pinagpawisan lalo na nung bumalik syang muli sa kama.

Hindi ko na talaga alam.Super bilis din ang pagtibok ng puso ko.

Matulog ka nga Yam! Dumudumi nanaman yang pag-iisip mo!Ahh.Muka na akong baliw .Pati sarili ko kinakausap ko na.Sino ba naman ang hindi mababaliw pag katabi mo ang gwapo mong asawa at half naked lang.

Napalunok ako nang naramdaman kong lumapit sya sa tenga ko .

Sabay bulong .

"Sleep." Utos nya at muling umayos ng higa.

Cold Marriage [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon