Chapter 15 : Plan

6.7K 139 28
                                    

Plan

Yam's POV :

"So, do you know them?" Napalingon naman ako kay Zach nang bigla syang sumulpot sa likuran ko.

Kakaalis palang kasi ni boss at talagang sinundan ko ng tingin ang sasakyan nila hanggang sa mawala iyon sa paningin ko.Mahirap na baka pala kunwari aalis, yun pala susundan na ako pag-uwi.

"Hindi." Simpleng sagot ko at muling pumasok sa loob ,sumunod din naman sya.

Napatingin naman sa'kin ang mga tao , maski mga katrabaho ko ay halos mapanganga habang nakatingin sa akin.

Hindi ko nalang pinansin iyon at napahinga ng maluwag.Mabuti nalang at walang nasaktan.Balik normal uli ang mga customers.Yung babae naman na target ay dinala din sa prisinto upang makuhanan ng impormasyon tungkol sa nangyari.

"What are you looking at? Back to work!" Sermon ni Zach sa kanila nang di pa rin sila umiiwas ng tingin sa akin.

"Yes sir!"sabay sabay uli nilang sambit at nagmadaling bumalik sa ginagawa nila.

"Follow me Yam." Utos naman ni Zach.Sumunod ako sa kanya at pumasok lang kami sa rest room.

Tumingin sya sa akin at nagsalita.

"I'm sorry .Ngayon lang may nangyaring ganito.Buti nalang andito k--" akmang yayakapin nya ako nang bigla akong umiwas kaya naman nawalan sya ng balanse at napayakap sa sahig.

"Ouch.I just got denied." Rinig kong sabi nya .Kahit pa pabulong nya itong sinabi ay narinig ko pa rin iyon.

"No problem sir." Sagot ko.

Tumayo naman sya at napakamot sa ulo.

"Just a friendly hug?" Parang bata nyang tanong.Kung tutuusin dapat masanay na ako, tatlong taon ko na ring kakilala si Iris eh.Parehong pareho sila ,walang halong biro.

Sinara ko naman ang palad ko at pinakita iyon sa kanya.

"Friendly punch sir?" Pambabara ko sa kanya.

Napatawa naman sya at binaba ang kamay kong nakatapat na sa muka nya.

"Wew, I'm just kidding! It's rude to hit your boss. " medyo kabado nyang sambit.

"You may go back to work Yam and please stop calling me sir." Pag-papaalis nya sakin.

"Ok ." Tipid kong sagot at nagtungo na sa may pinto.

Binuksan ko ito at sakto namang bumungad silang lima sa harapan ko.

Mukang nakikinig sila sa uspan namin ni Zach ,kaya nang binuksan ko ang pinto ay nasama pati sila.

Agad naman silang napatayo at patay malisyang tumingin sa ibang direksyon.

Napailing nalang ako at nilagpasan sila ,pero bago pa ako tuluyang makalayo ay pinagkumpulan nila ako.

"Pano mo nagawa yun?!"manghang tanong ng lalakeng medyo kaedad ko.

"Ang astig ng sipa mo."Puri pa ng isa.

"NAGKARATE KA BA IHA?" Tanong ng lalakeng medyo nasa mid 30 na.

"Ah...Nagtraining kasi ako nung bata pa ako." Paliwanag ko naman.

Mas lalong kumislap ang mga mata nila at akmang magtatanong muli ,kaya kusa na akong umiwas.

" Kukunin ko pa yung order ng table 5!" Mabilis kong sambit at agad na nagtungo sa table 5.

Napabuntong hininga nalang ako.Mga kalalakeng tao pero sobrang daming tanong,dinaig pa ako.

Natapos ang duty ko at kinuha na ang mga gamit ko sa rest room .Nagrequest kasi ako kay Zach na maaga akong paalisin.Ayaw kong malaman ni Keene na nagtatrabaho nanaman ako lalo pa't si Zach ang boss ko.

Cold Marriage [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now