Siya

1.6K 32 11
                                    

Ikaw ay pumihit, sa akin ay lumapit,
Ngiti ay gumuhit, ako ba'y nasa langit?

Puso'y natuwa, tila gustong kumuwala,
Ngunit biglang nagtaka, nasa akin ba ang iyong mga mata?

Luha'y pumatak, puso ko'y nawarak
Iba ang iyong hinatak, bakit siya ang iyong hawak?

Naglakad na magka-hawak kamay, sa saliw ng musika kayo ay sumabay
Hindi na ako maghihintay, na maging iyong pakay.

Naglakad na papalayo, 'di matiis na makita kayo,
Para saan pang manatili ako, damdamin ko ay tuliro.

Buong akala ko'y may pag-asa, ang totoo ay wala pala
Bakit nagpaniwala sa kanila, ako tuloy ay umasa.

Saan ka pupunta? Napahinto ako sa iyong winika,
Sa pagharap ko bigla, ikaw ay nabangga.

Anong kailangan mo? Ang tanging naitanong ko.
Umuwi na ang kapatid ko, maari bang ikaw naman ang isayaw ko?

●●●◎●●●

© January 2015
J.Bree

Words of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon