Tangol

6 1 0
                                    

Simpleng pagguhit ng ngiti sa iyong mga labi,
Ay isang linggong tiyak sa akin ay magpapakiliti
Tamis na hatid nito sa puso ay 'di maitatangi
Kilig sa aking mga buto ay ay 'di inakalang kakandili.

Isang buong taon akong sayo ay sumusubaybay,
Sa bawat sulok ng eskwelahan sayo palagi ay nakaantabay,
Makita ka lamang sa malayo, paligid ko'y anong kulay
Makatabi ka sa upuan, para na akong mahihimatay.

Sikat ka sa lahat na siya naman kong kabaliktaran
Magkaiba ang bilog na ating nilalakaran
Kilalang talaga ang angkin mong talento at kaguwapuhan
Samantalang ako ang maipamamalaki lang ay katalinuhan.

Hindi ko kailanman naisip na tayo'y magkakaharap,
At sa isang nakakahiyang pangyayari pa ito naganap
Ang sanang pagkadapa ko ay hindi naganap
Sapagkat dumating ka at ako ay nayakap.

Matutuwa na sana dahil ikaw ay nakita ng malapitan,
Habang yakap ako sa bewang na tila mababalian
Ngunit katawan ko'y tadtad ng dumi at kung ano pa man
Gawa ng mga estudyang hindi na natuwa sa akin kailanman.

Dumi sa katawan ko'y sayo din ay kumapit
Kaya naman tuwa ay agad ding sumabit
Pagngiwi mo na tila nakalasa ng pait
Habang masama ang tingin sa akin na tila mananakit.

Wala kang binigkas ni isang salita,
Tiningnan mo ang paligid na tila nag-a-analisa
Galit sa iyong mukha ay talagang nakabalandra
Mahal ko, patawad kung nadumihan kita.

Ngunit paghingi ko sa'yo ng tawad ay agad naipit
Sapagkat nagsalita ka ng madiin at puno ng galit
"Sino ang may gawa nito sa kanya," ang siya mong sinambit
Kinwelyuhan ang isang lalaki at pinagsalita ng pilit

Namangha ako sa talagang ginawi mo
Bakit parang pinagtatanggol mo ako?
Ganyan ka ba kabait sa lahat ng naatraso?
Oo aasa na ngayon ang nagmamahal kong puso?

Napilit mo ang lalaki na magsabi ng tunay na nangyari,
Pagkatapos sa akin ika'y lumapit at hinawakan ng walang pagdili-dili
"Anong masakit sa'yo?" Ang una mong nasabi
At niyakap akong bigla sa harap ng nakararami.

●●●◎●●●

© January 2018
J.Bree

Words of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon