"Kayo na ang bahala dito, Mike" paalam ni kuya Magnus at tumango naman si kuya mike.

"Ano na ngayon, Marco? Bakit nawala na ang tapang niyo?" Sigaw ulit ni Gabby.

Sinenyasan ni kuya Mike ang mga Myembro para sugurin na ang mga tauhan ni Marco. Nagtangka pang tumakas ng iba, pero huli na dahil napapalibutan na sila ng mga myembro.

Buti na lang at walang masyadong dumadaan dito na mga sasakyan tuwing gabi, dahil pagnagkataon, malaking traffic ang idudulot nito.
     
     
Mabilis na pinatakbo ni kuya magnus ang kotse niya at nakasunod naman sa'min sina Aldrin at Steven.

Nakarating kami agad sa ospital at nakaabang na sa'min sina kuya Levi at ate hange. Agad nilang dinaluhan si Kuya peter dahil sa mga natamo nitong sugat.

"Come here, baby adi. Gagamutin ko na yang mga sugat mo" tinawag ako ni ate Hange para paupuin sa kama sa emergency room.
       
       
            
"Are you okay? May iba pa bang masakit sa'yo?" Nag-aalalang tanong ni ate hange.

Natapos naring ginamot si kuya Peter at tulog na siya ngayon dahil sa sobrang pagod. Nasa iisang kwarto lang kami na may dalawang hospital bed

"I'm okay." Tipid na sagot ko.

Lumapit si kuya Magnus at kuya Levi sa'min pagkatapos nilang mag-usap nina Aldrin at Steven.

"You should rest, Adi." Ani kuya Levi.

"I'm fine, kuya. Hindi pa ako inaantok" umiling ako bago tumingin kay kuya Magnus.

"Kuya?" Tawag ko sa kanya.

"Hmm?" Sagot niya bago naupo sa upuan na nasa tabi ng kama ko.

"N-nothing" hindi ko alam kung tama ba ang hinala ko. Ayoko munang tanungin si kuya, baka mas lalo pa siyang mamroblema. "Matutulog na ako" sabi ko bago ako humiga at pinikit ang mga mata ko.

Naramdaman ko ang kamay ni kuya sa buhok ko bago ako halikan sa noo. "Wag ka nang mag alala, magpahinga ka na lang" aniya at naramdaman ko nang naglakad na siya palayo.

"Steven, dito ka na muna. May aasikasuhin lang kami" Narinig ko pang sabi niya bago ko narinig na nagbukas at sara ang pinto ng hospital.

"Pag may problema, tawagan mo lang ako. Wag kang magpapapasok ng kahit sino" narinig ko pang sabi ni kuya Levi at lumabas na rin sila ni Ate Hange.

Nanatiling nakapikit lang ako kahit hindi naman ako makatulog. Bumabalik parin sa'kin lahat ng nangyari pag nakikita ko ang mukha ni Marco. Yung itsura ni Carla, yung mga putok ng baril. Fuck! Fuck! Fuck!

"Okay ka lang, Ms. Adrianne?" Narinig kong nagsalita si Steven.

Hindi ako sumagot at nag tulug-tulogan na lang. Ayoko magsalita ngayon.
        
       
Lumipas ang oras at hindi parin ako makatulog, dumating na sina kuya Xander kaya umuwi narin si Steven. May pinag uusapan sila at mukhang seryoso, pero hindi ko na maintindihan dahil mukhang inaantok na ako.
         
           
"Tulog parin?" Narinig kong tanong ng  isang boses na madaldal.

"Oo nga, alas dose na, tulog parin. Kainin na lang natin ang mga dala nating pagkain. Tutal, tulog pa naman siya" sagot naman ng isang madaldal.

Anong ginagawa ng mga baliw na to dito?

Gumalaw ako para malaman nilang gising na ako.

"Ayan! Gising na!" Tuwang tuwa na sabi ni Ryle.

Minulat ko ang mata ko at pagmumukha nila ang agad kong nakita. Nakalinya silang nakatayo sa dulo ng kama ko at malawak ang ngiti na nakatingin sa'kin.

Scarlet Eyes [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon