"Fake fact! baka nakakalimotan mo pinag gagawa mo sa Korea"

"Yeah whatever"

"so ano nga? itinakas mo sa ka blind date?"

"Nakita ko siyang lumabas ng restaurant kaya nag paalam ako kay Kristel na mag ccr lang ako tapos mulabas na ako hinanap ko siya kaso hindi ko mahanap"

"Oh tapos?"

"I smoke?" napalingon naman si Alexander hyung saakin na may kunot sa noo.

"So you're smoking in public?"

"Nag iingat naman ako hyung" depensa ko kay Alexander hyung.

"So tapos?"

"Nagulat nalang ako nang sumulpot siya sa tabi ko at wala na sa bibig ko ang cigarette"

"Oh pinagalitan ka?"

"Kinda? I don't know, sinabihan niya lang akong hindi maganda sa kalusogan ang paninigarilyo tapos inabotan niya ako ng lollipop"

"Ah! so that's why you're asking us if we have lollipop while you're smoking here?"

"Naalala ko lang sinabi niya na much better ang lollipop kaysa sa cigarette"

"Iba ata epekto sayo ni Achelois, parang may plano ka atang titigil sa bisyo mo?"

"No ofcourse!"

"How about what happen to your business meeting yesterday?" tanong ni Alexander hyung.

"I told her, her presence is enough, just accept them hyung"

"Just that? diba may pictorial ka? ano nangyari ba? hindi ka na niya hinintay? umalis na?"

"She's my partner"

"parter? bakit anong nangyari kay Marcella?" Alexander hyung

"si Marcella yung alam naming magiging partner mo sa pictorial kahapon" Ashton hyung

"I don't know, only Belle knows what happen to that Marcella"

"I'll call Belle" kinuha naman ni Alexander hyung cellphone niya at tinawagan si Belle, niloudspeaker niya pa ito at nilatag sa mesa.

"Kuya Alexander napatawag ka?"

"Gusto kong kompirmahin kung ang heiress ba talaga ng Caraquel ang naging partner ni Nethon?"

"Yes, si Marcella kasi sobrang late at hindi namin matawagan kahit yung manager niya, ito namang si Nethon tinuro si Achelois kaya ayun naging modelo nang wala sa oras si Ache. By the way, tinitignan ko ngayon yung litrato, may chemistry naman ang dalawa kaya okay na din ito"

"Send me the pictures"

"Okay!"

"Good night Belle, go to sleep stop working"

"Yeah yeah whatever kuya" naputol na ang pag uusap nilang dalawa, nakikinig lamang kami ni Ashton hyung kanina pero itong isang to hindi marunong umayos. May nang aasar na mukha ito habang nakatitig saakin at nakikinig sa usapan.

"Let's see" napalapit naman kaming dalawa ni Ashton hyung nang sabihin niya yun, ibig lamang sabihin, dumating na yung sinend na larawan ni Belle.

Lihim naman akong napangiti habang tinitignan namin sabay sabay ang mga larawan.

"May chemistry nga! just accept Caraquel Alex!" sabi naman ni Ashton hyung, pero walang reaksyon si Alexander hyung na siyang nagpakaba saakin ng kaunti.

Ngayon ko lang ito naramdaman dahil sa walang imik na Alexander hyung habang nakatitig sa mga larawan na kinuha namin kahapon.

"Let's sleep brothers I'm tired" tumayo naman ito at iniwan kaming dalawa ni Ashton hyung, nag titigan naman kaming dalawa na may tanong sa mga mata, nag kibit balikat naman si Ashton hyung at ininom ang alak sa baso niya.

"Problema non?"

"I think he don't like the pictures"

"Lol! he's not kind of person na nangingialam sa production team ng mga komersyal at mga larawan, Belle does kaya mas paniwalaan mo ang sinabi ni Belle kaysa kay Alex" Ashton hyung

"wala namang sinabi si Alexander hyung, hyung" tamad kong sabi pero hindi na niya ako pinansin.

"Matulog ka na din Nethon, let's bond tomorrow" ngumiti ito at sinundan niya ng alis si Alexander hyung.

Napatingin naman ako sa bote na may laman pang alak, agad ko itong kinuha at tinungga, dinala ko na ito sa kwarto ko.

Pagkatapos kong enjoyin ang pag tungga, naligo naman ako at tuloyan ng nagpadala sa antok nang makahinga ako sa kama ko.

--

"Good Morning sir Nethon" tumango lamang ako sa katulong bumati saakin at tinanggap ang tubig.

Sanay padin ang katawan ko sa oras sa korea kaya palaging maaga akong nagigising wala naman akong magawa kundi ang tumakbo na lamang.

At dahil siguro nasanay na din ang mga katulong saakin kaya may sumasalubong saakin isang katulong at ito dinadalhan ako ng tubig.

"Good Morning sir Nethon, ano po ba ang ihahanda namin sayong mesa?" lumapit naman saakin yung head ng mga maids.

"Just avocado shake" tumango naman ito at umalis.

Medyo busy na ang lahat sa paglilinis sa buong bahay, for sure maaga pa ito kay Ashton hyung pero sa mga taong andito sa mansyon sigurado akong hindi na ito maaga sakanila. Hindi naman sobrang dami ng katulong at tauhan si Alexander hyung na to the point na makakaramdam ako ng masikip na yung bahay para saamin, tama lang yung mga tauhan ni Alexander hyung at mga katulong niyang kayang mag linis ng bahay at mag alaga sakanila dito sa pang araw araw.

"May schedule ka ba ngayon?"

"Aga mo ata nagising Alexander hyung?"

"Yeah, galing akong gym" turo niya naman sa likod ng staircase, may pintuan doon at nandon ang gym na tinutukoy ni hyung.

Akala ko alam ko na kung anong meron dito pero alam ko din naman na may mga kwarto dito sa bahay nato na wala akong kaalam alam na nag exist. Siguro pati yung mga katulong hindi ako alam, only the siblings know this place alot. Bakit ko alam? kasi pati kami meron din.

"Ah? walang naka schedule saakin ngayon and for the rest of my stay here"

"Ganon ba? Ashton will be with you, siya lang makakasama mo lage"

"Can I visit your office?" tumango naman si hyung bago niya ako nilagpasan, tinapik niya ako at dumiretso sa kusina habang pinunasan yung mukha ng towel niya.

"Good Morning our beloved Nethon!" napabuga naman ako ng hangin nang marinig ko ang boses ni Ashton hyung.

I guess my real morning will start in in 5 seconds.

One

Two

Three

Four

Five

"Ano ba gagawin natin?"

"Just go back to sleep hyung" tamad kong sabi, inakbayan niya lamang ako at hinila pabalik sa kusina.

"Puntahan nalang kaya natin si Misha?"

"Just visit Caraquel University" singit ni Alexander hyung

His Secret Affair ✔Where stories live. Discover now