Chapter 15 - Day 8 (Arrival)

1K 154 16
                                    

Alas-sais na ng narating namin ang isla. Binubuo iyon ng malawak na kagubatan,  karagatan at puro buhangin na. Halos kadadating lang din ng tatlong grupo. Bitbit ang flag ay nagtungo na kami patungo kung saan nakatayo si Head Master.

Itinusok ko ang watawat sa harap namin. Ang paligid ay napapalibutan ng mga sulo na syempre nasisindihan ng apoy. Nasa gitna naman ang flag ng The Four.  Simple lamang iyon.  Apat na circle ring lamang na kulay red,  blue, green at brown.

“Malagiyang pagdating dito sa Paradise Island.” Panimula ni Head Master. “Gusto ko lang sanang tandaan ninyo ang salitang CHAMPION. C is for the courage. Lakas ng loob. Iyan ang kailangan ninyo sa lahat ng haharapin ninyong pagsubok.  Sabi ko nga life is like biology, survival of the fittest. Matira ang matibay. Isa laban sa lahat.”

“Isa laban sa isa pa!” Biglang sigaw ni Lily. “Regiiiiiiine! Awooooo!  Regine,  Regine! Awwwwwoooo! Awooooo!”

“H for the hurt. Hindi maiiwasang hindi tayo masaktan pero tandaan ninyo din ang isang pang H. Honor. Karangalan na ang mapasama sa patimpalak na ito. Ngunit huwag kayong makontento 'don. Kailangan ninyong manalo by hook or by crook. Always aim for the best. Always aim for the top. Hindi pangatlo,  hindi pangalawa kundi una.

“A is for your attitude. Attitude working through the patience. Alam ninyo naman siguro ang ibig kong sabihin? M is for motivation. Your eagerness lead you to your success. P is to persevere. Sabi nga ng mga nakakatanda. Kapag may tiyaga,  may nilaga.”

“Pero hindi dapat kayo makontento sa nilaga lang! ” Dugtong ni Lily. “Dapat meron din bicol express at caldereta!”

“She's right. Hindi dapat kayo makontento sa kung anong mayroon kayo. Kung kaya pa naman, why not? I is for integrity. Ang integridad ay nauukol sa matapat at walang kompromisong pagsunod sa mga kautusang moral at mga gawaing tama. Isa iyan sa mga katangian ng matapat ng lider. The O is optimistic. Kailangan ninyo laging maging positibo. Malaking tulong iyon sa inyo. Fight and never shut. Lastly,  the N is necessary, necessary not to give up. Warriors, lets do this.

“Ipikit ninyo ang inyong mga mata sa loob ng sampung segundo.” Utos ni Head Master na ginawa namin.

Nagbilang ako.  Nang makarating sa sampu ay nagmulat na ako. Ano 'to? Bakit nandito na ako sa isang malawak na kagubatan?  Nasaan na ang mga kasama ko? Ang mga tanong ko ay nasagot ng makita ang mga salitang nabuo sa hangin. Find Your Group.  Nagsimula na ang araw namin dito sa isla.

Naglakad-lakad ako. Saan ko naman makikita ang mga kasama ko? Sanay na ako sa gubat kaya sa palaga'y ko'y hindi na ako masyadong mahihirapan. Teka lang. May naririnig akong nahingi ng tulong. Sinundan ko ang pinanggalingan ng tinig. Isang lalaki ang nakita kong nakalubog sa kumunoy.

“Tulong!” Sabi niya sa akin.

Pagkakatanda ko member siya ni Athena. Tutulungan ko sana itong maka-ahon pero napag-isip-isip kong nasa isang labanan nga kami.  Labanan ng mauutak.

“Sorry pero hindi ako ang makatutulong sayo. Hintayin mo na lang ang kung sino mang makakakita ulit sayo.”

Nilampasan ko siya at muling binaybay ang masukal na daan. Saglit akong napatigil ng makita ang isang bultong papalapit sa akin.

“Lily?”

“Yes.  In the flesh. Mas fresh pa sa air freshener.” Sagot nito.

“Kailangan natin silang hanapin.” Sabi ko sa kanya. Buti naman at hindi na ako nahirapang makita ito.

Tumango siya. Mapalad naman at hindi na tumutol. Nang kumaliwa kami ay doon namin nakita ang isang babae. Si Hazel!  Nakatali siya sa puno. Lalapitan ko sana siya ng makitang sa kabilang puno ay may nakatali din. Si Hazel?  Sa kabila ay may Hazel din. Tumingin ako sa paligid at medyo nahilo.  Sampung Hazel ang nakatali sa kung saang puno. Ano 'to?

“Tatlo lamang ang maari mong piliin. ” Sabi ng tinig kung saan. “Dalawang beses ka lang pwedeng magkamali. Kundi ay mawawala na siya. Sayo nakasalalay ang kanyang buhay.”

“Chinacharot ka lang niyan,  Lavinia. ” Sabi ni Lily na ang tinutukoy ay ang boses na nagsasalita.

“Anong gagawin natin? ”

“Simple lang. Iwanan natin siya. ”

Tinignan ko siya ng masama.

“Ang pangit na nga ni Hazel dinagdagan pa siya ng siyam. Jusko.  Ang sakit sa ulo.  I think I'm palpitating. Pero let me think, ha?”

Nakakagulat.  Nag-iisip pala ang isang 'to. Nilapitan niya ang pangatlong puno. Tinitigan niya iyong mabuti. “Eto siya, Lavinia.”

“Paano ka naman nakakasigurado?” Lumapit ako sa kanya.

“Look, oh. Ang dumi ng kuko niya sa paa. Eh,  'di ba,  baluga si Hazel?  Walang duda, siya to. ”

“Hindi ito ang oras para sa kalokohan mo,  Lily. ”

Napakamot ito sa ulo. “Oo na.  Hindi ka na mabiro. Pero seryoso ako. Sa tingin ko siya talaga si Hazel. Nararamdaman ko mula sa kaibuturan ng aking atay at balun-balunan.”

Tinignan ko siya. Nagpa-cute ito. Napabuntong-hininga ako. “Sige.  Sa pagkakataong ito pagkakatiwalaan kita.”

“Yes!” Masayang kinalagan nito si Hazel. Nang makawala siya mula sa pagkakatali ay bigla na lamang itong naging abo.

Tinignan ko si Lily habang naniningkit ang mga mata. “Nakita mo na? ”

Bakit ko ba sinunod ang isang 'to?

Pinagmasdan ko ang siyam pang natitira. Naiiba 'yung pang-anim. Naka-yuko siya. Madalas kasi sa mga pagpipilian 'yung mga wala sa ayos ang tama. Maari kayang ito na ang totoong Hazel?  Lumapit ako 'dun. Bahala na. Pinakawalan ko ang pang-anim.  Humakbang iyon palapit sa akin pero bago pa siya tuluyang makapagsalita ay nilipad na ng hangin ang abo nito.

“Oh,  ano,  Lavinina? Boom abo! Akala mo,  ha? Masyado kang nagmamagaling. ”

Hindi ko siya pinakinggan at nag-concentrate muli. Walo na lang ang natitira. Kailangan tama na ang susunod kong hula dahil kung hindi ay hindi ko na din alam kung ano ang mangyayari sa kanya. Baka ako pa ang maging dahilan ng pagkatanggal niya or worst, ng kamatayan niya.  Hindi maari. Muli ko silang pinagmasdan lahat. Halos pare-pareho talaga ang mga ito. Nabaling ang tingin ko sa nasa pinaka-huli. Nagkagat-labi ito ng ilang beses!

“Alam ko na, Lily.” Sabi ko sa kasama. “Tignan mo 'yung nasa huli.  Naka ilang beses na siyang kagat dun sa labi niya. Mannerism 'yun ni Hazel,  'di ba?”

“Gaga. Hindi ba pwedeng pinaglihi lang talaga siya sa aso?  Look,  oh.  Naglalaway na siya sa kagandandahan ko.”

“Bahala ka diyan.”

Nilapitan ko ang pang-walo.  Malakas talaga ang pikaramdam ko na siya ang tamang Hazel. Iyon din ang sinasabi ng instinct ko at magtitiwala ako sa kutob ko dahil lagi naman iyong tama. Alam ko Hazel matutuwa ka sa desisyon ko.  Buo na ang pasya ko. Dahan-dahan kong tinanggal ang pagkakatali niya. Pigil ang hininga ko ng tuluyan siyang makawala. Napapikit ako. Sana naman tama ang naging desisyon ko.

Battle For Stardom *CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon