Chapter 12 - Day 6 (Elimination Night)

1.2K 169 31
                                    

Ika-anim na araw namin dito. Maghapon akong natulog upang makabawi ng lakas mula sa nakakapagod na pagsusulit. Kinagabihan, mga bandang ala-sais ay ipinatawag na kami ni Head Master. Umaga ang sabi nito kahapon pero muli siyang nag-announce na gabi na lang daw para makasulit man lang daw kami ng pahinga.

“Good Evening,  Ladies and Gentlemen. Ngayong gabi magaganap ang first eviction. Handa na ba ang lahat?”

Handang handa na ako.  Matagal na.  Pinagmasdan ko ang paligid. Nahahati kami sa apat na grupo. Sa bawat harap namin ay may flag na sumisimbulo sa pangalan ng mga pangkat. Nasa isang mahabang mesa kami. Pang-apat. Ako ang pinaka-nasa dulo. Katabi ko sa kaliwa si Hazel at sa kanan naman ay si Lily.

Sino kaya ang magpapaalam ngayong gabi? Mabawasan kaya ang grupo namin? Hmmmm.

“Huwag na natin itong patagalin. Ang unang mamamaalam ay mula sa Team... Achiever.”

Kila Nathan. Natahimik ang grupo nila.

“Lavinia.”

“Ssshhh” Saway ko kay Lily. “Huwag kang maingay.  Huwag ngayon.”

“May sasabihin lang ako.”

“Hindi ba 'yan makakapaghintay?” Mahinang tanong ko dito.

“Hindi.”

Bumuntong-hininga ako. “Ano ba 'yun? ”

“Sayo ko lang 'to sasabihin,  ha? Alam mo ba na ang totoong pangalan ko ay hindi Lily Cruz?”

"Oh,  ano? ”

“Lily Square. Kamag-anak ko kasi si Spongebob Square Pants. Kaya nga magaling akong magluto ng burger. Angels burger,  ang burger ng bayan. Pag kinain mo naman may ipis o kamalasan may pardibleng kasama. My gaaaaddd. Angels Burger, unang kagat, ketchup lahat. Ham burger pa ang tawag nila eh hindi naman ham ang palaman nun.  Longganisa lang.  Paham-ham pa ang mga unggoy. Hampasin ko sila,  eh.”

Hmmmm. Isa pa at makakatikim na ang isang 'to.  Hindi ko mapigilang hilingin na sana ito na lang ang matanggal.

“Yam.” - Head Master.

Tumayo ang lalaki habang bagsak ang balikat.  Bakas ang kalungkutan sa mga mata nito.  Ganon talaga. Para din 'tong sugal, dalawa lang naman 'yan mananalo o matatalo. Pero hindi naman dito nagtatapos ang buhay.

“Thank you for your participation. Hanggang sa muli nating pagkikita.” Pumitik lang si Head Master at bigla na lang itong naglaho at napunta kung saan.

“Next... ”

Nakakakaba naman ito. “Mula sa Team Redeemer.”

Kila Gian.

“Lavinia.”

Nilingon ko ang babaeng baliw. “Ano na naman? ”

“Tignan mo 'yung isang lalaki dun na ka-grupo nila Athena. Mukhang tikbalang. Actually,  magkamukha kayo. Totoo bang kapag mainit tapos umuulan ay may kinakasal na tikbalang? Sabi ng Lolo ko hindi daw talaga tikbalang 'yun. Dwende daw.”

Jusko. Bigyan po Ninyo ako ng napakahabang pasensya.

“Lavinia.”

Hindi ko na siya binigyang-pansin.

“Last na tanong na 'to. Anong favorite number mo sa electric fan?”

“Tyra.”

Isang babae naman ang natanggal. Basta na lang din ito nawala. Ni hindi man lang sila binibigyan ng pagkakataong makapagpaalam.

“Ang panghuli... Sa Team nila...  Lavinia.”

Medyo nagulat ako dun. May mababawas na agad sa amin. Mas malakas ang laban namin kung kunpleto pa kami.

“Alam ko na kung sino ang matatanggal sa atin. ” Si Lily na ang nagsalita. Isa-isa niyang tinignan ang mga kasama namin sa table. “Ikaw!” Tinuro nito ang babaeng nasa harap niya. Si Angeline.

“Huh? Bakit ako?”

“Vakla ka talaga.  Eh,  wala namang silbi 'yang powers mo. Flying? Flying V?  Ano,  gasolinahan ka? Pero naisip ko kahapon hindi ka pala parang manananggal.  Para ka palang langaw. Mas mabuti pang kumanta ka na lang sa ASAP. Nakatulong ka pa sa ekonomiya at nagkaroon ka pa ng pakinabang sa lipunan hindi 'yung kung ano-anong ginagawa mo. May pa-pili-piliin mo ang Pilipinas ka pa diyan.  Ayan,  ano ka ngayon? ”

“Pwede ba Lily,  tumigil ka na? ” Saway ko sa kanya.

“I'll try.  But I can't promise. Alam mo naman ako Buong Puso Para sa Pilipino and In The Service Of The Filipino People.”

“Cassie.”

Mali ang hula ng babaeng baliw. Oh, siya. Paalam.

“Goobye,  Cassie. Ngayon makikita na natin kung sino talaga ang tunay na Mondragon at walang iba kundi ako. Kasalanan 'yan ni Romina. Sa kanya mo isisi ang pagkatanggal mo.”

Naglaho na ito. Tinignan ko ng masama si Lily.

“Huwag mo akong lakihan ng mata,  Lavinia. Mukha kang kwago. Baka ibalik kita sa Bohol para doon kayo magsama-sama ng mga kamag-anak mong tarshier. ”

Hindi ko na lang siya pinasin.

“Congrats sa team nila Athena.  Sa inyo lang walang nabawas.  Update lang tayo. 37 na lang kayong lahat.  19 na lalaki at 18 na babae.  Sino naman kaya ang susunod na matatanggal? Huwag magpapakampante ang mga nangunguna dahil araw-araw maaring mabago 'yan. Hindi porke magkaka-grupo kayo ay magkakakampi na kayo. Maaring sa ibang bagay,  yes.  Pero always remember kalaban ninyo ang bawat isa. Find out their abilities, look for their weaknesses and go for the kill. Walang lugar sa mundong ito ang mahihina. Pero hindi sapat na malakas ka lang. Kailangan matalino, mautak at madiskarte ka din. Knowledge is power. Para maipanalo ang kompetisyong ito dapat ay may tatag kayo ng loob at tibay ng sikmura because winners never quit, and quitters never win.”

“Daming kuda, Head Master, ha?”

Tinignan lang ni Head Master si Lily ng masama.  Yung titig bang nakamamatay.

“Ang baho naman dito.” Sunod na react nito. “Hoy,  Nerd.” Si Marina naman ang pagdidiskitahan nito. “Umutot ka?  Hindi ka lang din pala manang, numero unong salaula ka din pala. Amoy na amoy ko ang baho mo. Paksiw na tilpya ulam mo kanina, no?  Ang asim,  ha. Kaderder.”

“Move on na tayo diyan. Ngayon. Eto na ang mechanics. Makinig kayong mabuti dahil hindi ko na ito uulitin. Ito na ang huling gabi ninyo dito dahil bukas ay aalis na kayo. ”

Saan naman kami pupunta?

“Mag a-out of town tayo?” Biglang na excite si Lily. “Sana sa Quezon City na lang.  Gusto kong puntahan si Kumareng Joy Belmonte.  Mukhang magkakasundo kami dahil naniniwala ako sa pinaglalaban at prinsipyo niya na dapat unahin ang panloob bago ang panlabas. Yes! This is going to be exciting.”

“Sa isang isla.  Doon ang tungo ninyo bukas. Doon mangyayari ang lahat at ang lugar na iyon ay ang magiging saksi kung sino ang apat na magwawagi. Walang libreng pagkain at tubig sa isla.  Paghihirapan ninyo ang lahat ng makukuha ninyo doon. May coins kayo na matatanggap sa tuwing malalampasan ninyo ang mga pagsubok na darating na maari ninyong ipambili ng mga pangangailangan ninyo. Gaano kadami?  Depende sa hirap ng pagdadaanan ninyo. Mas mahirap,  mas mapanganib,  mas maganda. Ang ranking ay naka base na by group.  Pagkakamali ng isa ay pagkakamali ng lahat. Tagumpay ng isa ay tagumpay ng buong grupo. Kailangan ninyong mag-isip at kumilos as one. Panghuli,  sakali mang kayo ang grupong malagay sa eviction, pipili kayo ng isa sa mga ka-grupo ninyo na matatanggal.  Kayo lang din mismo sa loob ng grupo ang magde-desisyon noon. Pinakamaraming makukuhang boto,  automatic tanggal na. Warriors, ito na ang panahong hinihintay ninyo.”

Battle For Stardom *CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon