Chapter 09 - Day 5 (1st Challenge)

1.4K 196 3
                                    

Nagising ako dahil sa likidong gumagapang sa aking mga paa. Nagmulat ako ng mga mata. Tubig? Nasaan ako? Inilibot ko ang paningin. Nag-iisa ako sa silid na ito na tanging apat na sulok lamang ang makikita.  Pagkakatanda ko ay nakatulog ako kagabi kasama ang lahat sa malaking kwartong inilaan para sa amin. Anong nangyari? Paano ako napunta dito?

Patuloy ang pag-agos ng tubig mula kung saan. Kailangan kong maakaalis dito. Tatayo sana ako pero hindi ko nagawa dahil nakakadena ang aking mga paa. What the hell?  Ang aking mga kamay naman ay naka-posas. Gamit ang buong lakas ay sinubukan kong sirain ang mga bagay na iyon pero hindi ko magawa.  Bwiset. Mabilis ang pagpasok ng tubig sa loob ng silid. Sa tingin ko mga nasa mahigit sampung pulgada na siguro agad ang itinaas ng lebel niyon. Malapit na umabot sa tuhod ko. Kung hindi ako makakaalis sa pagkakakadena ay hindi ako sa labanan mamamatay kundi sa lunod.

Isip,  Lavinia. Mag-isip ka.

Naghanap ako ng bagay na maaring magamit.  Wala.  Wala akong ni isang nakikita dito. Tumaas pa ng kalahating metro ang tubig. Tuluyan ng nabasa ang buong katawan ko. Hanggang balikat na iyon dahil nakaupo ako. Nagpasya akong magpalabas ng enerhiya sa aking mga kamay pero wala ding silbi. Mukhang may halong mahika ang mga tanikala dahil hindi iyon nasisira. This can't be. Sumisid ako. Magbabaka sakaling may mahanap na susi sa ilalim. Iminulat ko ang mata sa tubig. Medyo malabo.  Wala akong makita. Peste. Hindi pwede 'to. Lumutang ako at kumuha ng hangin. Sa pagpapakawala ko ng malalim na hininga ay isang ideya ang pumasok sa isipan ko. May hairpin nga pala ako sa buhok. Tama.  Baka maari iyon. Inapa ko ang ipit kahit nahihirapan.  Tuluyan na akong nilamon ng tubig. Nang makuha ang kailangan ay sinubukan kong ipasok iyon sa mga butas ng posas kahit mahirap. Makalipas ang dalawampung segundo ay nagawa kong makawala doon.

Kahit magkadikit pa rin ang mga paa ay nagawa ko ng makatayo. Habol ko ang aking paghinga. Hanggang beywang ko na ang tubig.  Malapit na rin iyon sa dibdib ko. Tumalon-talon ako para makalapit sa dingding.  Inilapat ko 'dun ang aking kaliwang tainga at nakiramdam.  Wala akong naririnig mula sa labas. Siguradong kung sisigaw ako at subukang  humingi ng tulong ay walang makakarinig. Saka ayaw ko din 'yun.  Simbolo iyon ng kahinaan. Ayokong isipin nila ang bagay na iyon. Malakas ako at kaya ko ang sarili ko.

Sinuntok ko ng ilang beses ang pader. Hindi iyon natinag. Kamao ko lamang ang nasaktan.  Gumawa ako ng fire ball.  Ibinato ko iyon sa isang banda.  Pagsabog. Ngunit wala pa ding nangyari. Anong gagawin ko?  Ni wala akong pintong nakikita para makalabas dito.  Nasaan na kaya ang iba?  Nangyayari din kaya sa kanila ang pinagdadaanan ko ngayon? Ano na ang kaganapan sa labas?

Umabot na sa balikat ko ang tubig. Ano ba ang maaring gawin? Wala na akong ibang maisip na paraan.  Hindi pwede ang ganito. Tuluyan na akong nilamon ng tubig. Hindi ako sanay sumisid.  Ilang minuto lang at ito na ang kikitil sa akin. Tumingala ako sa kisame. Sa gitna ay may napansin akong mga linya na nakahugis ng kwadrado. Baka makatulong iyon. Pinitik-pitik ko iyon. Nakagawa iyon ng hindi kalakasang ingay. Flywood! Wala akong sinayang na sandali. Sinuntok ko iyon ng sobrang lakas. Paulit-ulit hanggang sa masira. Nakahinga ako ng maluwag kahit hindi naman talaga nakakahinga sa tubig. Kahit nahihirapan ay umakyat ako doon na nagawa ko naman. Nang tuluyan na akong makasampa ay biglang nawala ang mga kadena sa paa ko.  Mahusay. Sinubukan kong gumapang.  Yes.  Gumapang dahil napakaliit lamang ng ispasyo dito sa itaas. Narating ko ang hangganan niyon. Isang pader. Tumingin ako sa mga kamay.  Sana naman ay gumana na. Gumawa ako ng fire ball at ibinato sa dingding. Isang butas ang nagawa niyon. Great.  Lumabas ako sa butas.

Isang hagdanan ang tumambad sa akin. Walang tubig dito. Nasaan ba ako? Inayos ko ang sarili at dahang-dahang umakyat sa hagdan kahit hindi sigurado kung saan ako niyon dadalhin. Isang pintuan ang kinabagsakan ko. Bubuksan ko sana iyon pero gumapang sa akin ang malakas na voltage ng kuryente pagkahawak sa doorknoob. May mga salitang nabuo mula sa pinto.  Binasa ko iyon.

“Aking bugtong iyong sagutin upang sa loob makapasok.” Mahinang basa ko. Kasunod niyon ay isang pangungusap naman ang lumitaw.

Who makes it, has no need of it.
Who buys it, has no use for it.
Who uses it can neither see nor feel it.
What is it?

Anong klaseng bugtong 'yan? Hindi ako magaling sa mga ganyan pero susubukan ko.  Hmmmmm. Kung sinong bumili nito hindi kakailanganin? Ano? Sino namang matinong tao ang bibili ng gamit na in the first place ay hindi naman niya kailangan? Hindi ko alam. Binasa ko ulit ang pangalawang line.  “Who buys it,  has no use for it.” Binili pero hindi magagamit o mapapakinabangan? Kung ako 'yun hindi ako bibili o pipili ng isang materyal na bagay na hindi ko mapapakinabangan at magiging basura lang.  Pero sino bang nagsabi na materyal na bagay iyon? Maaring hindi. Maaring iba pa.  Argggh. Sumasakit ang utak ko dito.  Mas mukhang madali pa 'yung malunod sa tubig. Pero hindi ako susuko sa isang 'to.  Never give up ang motto ko sa buhay. Lumundag naman ako sa pangatlong line. “Who uses it can neither see nor feel it.” Binggo. That's the magic word. Kung sino man ang bumili nito ay hindi niya ito makikita or mararamdaman. Bulag? No.  Magagamit niya iyon kahit hindi siya nakakakita. Paralisado? Pwede. Pero may mas malalang sagot.  Patay o walang buhay na nilalang. Ano ba ang bagay na hindi nila mararamdam o makikita? Na ginawa ng iba pero hindi naman nila kailangan?  Na binili ng iba pero hindi naman nila magagamit para sa kanila? I knew it. Huminga ako ng malalim at naghanda.  “Coffin.”

Bumukas ang pinto. Napangiti ako. Pagpasok ko doon ay malakas na agos ang sumalubong sa akin. Eto na naman tayo. Nandito ako sa isang pasilyo. Wala akong choice kundi baybayin ang hangganan niyon. Dahan-dahan lang ang aking paglalakad dahil napakalakas ng alon.  Saan ba galing ang tubig na ito? Gumawa ako ng apoy sa ere at hinayaang magpalutang-lutang iyon upang magsilbing liwanang sa paligid.

Maya-maya ay isang bagay ang natanaw kong palutang-lutang papalapit sa akin.  Isang malaking batya na halos sumakop sa sa buong daan.  Batya? Sakay niyon ang isang babae na walang iba kundi si...

“Lily.” Usal ko.

“Hi, Lavinia.”

Ano na naman ang pakulo nito? May sagwan pa siya.

“Wanna ride? Sasamantalahin ko na ang pagkakataon.  Minsan ko lang 'to maranasan at hindi ko iyon sasayangin.”

“Biyaheng impyerno?” Tanong ko sa kanya.

“Oo naman. Alangan sa langit? Fire keeper ka kaya sa hell ka nararapat. Pwede din sa bunganga ng bulkan.  Ikaw ang topping 'nun. Para pag sumabog,  boom panes!”

“Kapag hindi ka pa tumigil 'yang bibig mo ang sasabog.”

Nilampasan ko na siya. Kung ano-ano na naman ang pinagsasabi nito. Nagpatuloy ako sa paglalakad sabay sa agos ng tubig. Natigil ako ng makaramdam ng paggalaw mula kung saan. Hindi ako gumawa ng kahit anong aksyon mula sa kinatatayuan. Tumingin ako sa unahan ko. Mula doon ay unti-unting lumutang ang tatlong nilalang na may kakaibang anyo. Mukhang mapapalaban ako ng wala sa oras.

Battle For Stardom *CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon