Chapter Nine: Be Mine

Start from the beginning
                                    

Nang mahimasmasan ay napangiti si Luke. Makikita mo ang sobrang saya na nakarehistro sa mukha niya, na tila bang may naalala siya sa bagay na yon.

Naaliw naman si Zion sa reaksyon ni Luke.

"Di ko alam na mahilig ka rin pala sa ganito." Wika ni Luke.

"Thank you gift sa akin yan." Masayang wika ni Zion.

"Actually, hindi naman talaga ako mahilig manguleksyon niyan. Mula noong binigay sakin yan, nagsimula na akong nagkainteres." Tila ba may sentimental value ito sa kanya.

"Astig!" Pagpuri ni Luke. Nakangiti parin ito.

Binalik ito ni Luke sa kanya at agad niya naman pinasok sa kahon at maayos na ibinalik sa dating kalalagyan.

Bibihira lang ang mga pagkakataon na makita ni Luke ang kakaibang side na inaasta ni Zion. Tila ba nagiging childish ang dating tigasing Zion. Maswerte siya at isa siya sa mga taong pinapakitaan ng ganoong ugali nito. Ibig sahihin lamang ay kumportable itong makasama siya.

"Tara na, tulungan mo na akong maghanap ng masusuot."

Sumunod naman si Luke.

Matapos silang maghanap ng maisusuot, napadako ang tingin ni Zion sa labas ng glass wall.

Biglang sumama ang panahon. Makulimlim sa labas at umaambon.

"Patay, uulan ata ng malakas brad.! Magpatila muna tayo bago umalis." Wika ni Zion.

"Ano pa nga ba."

Nag-isip si Zion ng mapaglilibangan habang hinihintay na tumila ang ulan. Tantiya niya kasing magtatagal pa ang buhos ng ulan.

Mayamaya ay naglakad ito patungong kabinet. May kung anong dinukot ito sa loob.

Isang bote ng alak.

Tumingin ito kay Luke at ngumisi habang minumwestra ang hawak na alak.

Napangisi na rin si Luke at nagbigay ng tingin na para bang sinasabing "Why not!"

Bumaba muna si Zion para kumuha ng mga gagamitin, chichirya at ice cubes. Inayos naman ni Luke ang center table na pagpapatungan nila ng iinumin.

Nang maihanda na nila ang lahat, pumuwesto sila sa magkabilaang side ng center table at pasalampak na umupo sa sahig.

Mag-aalas kwatro pa lang ng hapon pero eto sila nagsisimula nang mag-inuman.

Nagsalang sila ng mapapanood na pelikula, ngunit nang mabagot ay pinatay na nila ito at minabuting magkwentuhan nalang.

Kung anu-anong bagay lang ang pinagkukwentuhan nila.

Nalaman ni Zion na dati palang taga Bulacan si Luke at lumipat lang ng Zambales.

"Talaga? Katagal na nating magkakilala hindi mo man lang sinabi sakin." Manghang tanong ni Luke.

"Di ka naman nagtanong. Tsaka di naman mahalaga yon."

"Bakita nga pala kayo lumipat sa Zambales?" Segunda ni Zion.

"Ako lang ang lumipat, sa bahay ni Lola... Mediyo mahabang kwento.. Family problem.. basta." Sagot ni Luke.

Nahimigan naman ni Zion na parang ayaw ni Luke na pag-usapan pa.

"Maiba tayo brad. Marunong ka bang mag gitara?" Tanong ni Zion.

"Sakto lang.. bakit may gitara ka ba?"

Agad namang tumayo si Zion at lumabas. Pagkabalik ay may bitbit na itong gitara.

Bumalik sa pagkakaupo at inayos ang tono nito.

"Basic lang alam kong tugtugin." Wika ni Zion habang nakatutok sa ginagawa.

Brad Mahal Kita Matagal Na Where stories live. Discover now