"Hoy Graciana! Tinatanong ka ni Juliet. Sumagot ka diyan, hindi 'yong mukha kang nagpipigil ng tae."

Napakamot ako sa tainga ko dahil sa kahihiyang ginawa ko.

---

Napahinga ako ng malalim ng matanaw ko na ang canteen mula dito sa kinatatayuan ko. Safe naman pala. Hay thank you lord. Muah!

Pero bago pa ko makahakbang ng biglang may humila sakin paharap sa likod ko. At halos maubusan ako ng dugo dahil sa nakita ko.

Patay. Kala ko ba safe?!

Tangina Jeremiah! Bat kasi lumabas ka pa! Ayan tuloy, si kamatayan nasa harap mo na!

"Wow. Small world." nakangising saad niya

Napalunok ako. Mag-isip ka Jeremiah! Hindi ba't matalino ka.

"Where do you think you're going huh?" dagdag niya pa

"Ahm. Kakain sa Canteen? Kasi alam mo na, dinner. Ikaw? Where do you think you're going? Huh?" panggagaya ko pa sa kanya.

Kita ko kung pano nagtaas ang perpektong kilay niya. Kanino kaya siya nagpapa shave ng kilay. Galing ah.

Natapos ang pagmumuni-muni ko ng biglang hilahin niya ko. Nanlaki ang mga mata ko. Eto na! Eto na nga ba sinasabi ko. Katapusan ko na. Huhu Nanay! Help me!

"T-Teka lang. Saan mo ko d-dadalhin? Hoy. Ano ba! B-bitaw nga!"

Hindi siya sumagot bagkus mas hinigpitan pa niya ang pagkakahawak sa pulsuhan ko. Pakiramdam ko mapuputol ang ugat ko sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya.

Wwwwaaaaahhhh! Tangina! TULONG!

Pilit ko mang alisin ang pagkakakapit niya, mas lalo pa niyang hinihigpitan. Napangiwi ako. Ang shaket!

Tumigil lang kami ng makarating kami sa parking. Pano ba ko makakatakas sa bruhang 'to?

"Now. Get in." malamig na tugon niya

Napalunok ako saka maang na napatingin sa kanya "Ano bang binabalak mo sakin?" kinakabahang tanong ko

Isang malamig na tingin lang ang ipinukol niya sakin. Ano na naman bang ginawa ko? Hayp! Huminga ako ng malalim. Okay. Eto na. Kaya mo yan Jeremiah. Henyo ka diba.

"Okay Miss. I'm sorry. Kung ano 'man ang nagawa kong kasalanan sayo. Sorry. Ikaw naman kasi kasalanan mo din. Grabe kasi sa pagkatabil 'yang dila mo kaya di ako nakapag timpi. Ngayon miss, humihingi na 'ko ng dispensa sa nagawa ko sayo. Basta.. Basta pakawalan mo na ko." mahabang lintana ko

Pero ang bruha, mas lalong sumama ang tingin sakin. Ano na naman ba? Nagsorry na ko ah! Wala namang mali sa sinabi ko dahil puro katotohanan naman lahat 'yon!

"What? So, pinapalabas mo na kasalanan ko ang lahat? Ganon ba?"

"Oo, ganun na nga. Ay potek Hindi! Ang ibig kong sabihin hindi ganun. Anak ng teteng."

Craving YouWo Geschichten leben. Entdecke jetzt